Goodnight

575 20 9
                                    

John Stephen's POV

Naihatid naman ako ni Ranz ng maayos sa bahay. Bat bigla naman atang bumait yon? Ano meron? End of the world na ba?!

Pagkapasok ko sa bahay na naabutan ko si papa na natutulog sa sofa. Bigla naman akong naawa sa lagay ni papa. Marahil ay inaantay ako nito na makauwi kaya nakatulog na ito dito. Isang malutong na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako pumunta sa kwarto ni papa para kumuha ng kumot at unan. Nagpalit narin ako ng short ko at underwear dahil nga sa basa ito. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil tuyo naman na itong suot ko.

Dala dala yung unan at kumot ay bumaba na ako sa sala upang kumutan si papa. Dahan dahan ko itong kinumutan at nilagyan ng unan para hindi ito magising. Hinalikan ko naman si papa sa noo niya gaya ng ginagawa niya sa amin ni Kuya Niel noon.

Naglinis nalang ako saglit sa bahay at pagkatapos ay nag umpisa na akong mag handa para sa lulutuin ko sa hapunan namin.

Kinuha ko ang earphone ko at sinaksak sa cellphone ko at nagpatugtog ng Crossroad ng Gfriend.

Pyeolcheojineun Singing star
Neoege deullyeojilkka

Tapos instrumental. Ginaya ko pa yung steps habang instrumental kaya mukha akong tanga dito sa kusina HAHAHAHAHAHA!

Magluluto ako ng pork steak. Fave namin ni Kuya yun eh. Pati narin si Papa sige HAHAHAHA. Habang naghihiwa ako ng patatas (naglalagay po kami ng patatas sa pork steak para may gulay naman kahit papaano hehe) ay naalala ko si Kuya Niel. Sumimangot na naman ako dahil hanggang ngayon ay wala paring paramdam si Kuya. Kumusta na kaya siya sa abroad? Kumakain ba siya nang tama? Hindi ba siya nagkakasakit?

Isang malumanay na buntong hininga ang pinakawalan ko at nagpatuloy nalang sa paghihiwa at sa pagkanta para matapos na ako at makapag luto na.

Sigani kkeunheojin
I gire seo isseo
Ajik mideojiji anha
Na anilhaessdeon geoya

Busy ako sa pagkanta ng Crossroad ng Gfriend habang naka todo ang volume neto kaya hindi ko maririnig kung sino man ang tatawag sa akin. Tutal tulog pa naman si Papa kaya okay lang. Pero may naririnig ako na parang sumisigaw pero hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Ttokgati barabwassneunde
Ttokgati hemaessneunde wae

Sa part na yan ay kailangan mong ihampas hampas ang hips mo kaya yun ang ginawa ko. Huling hampas ko na sana sa aking fuckening hips nang may biglang humampas sa aking puwetan nang pagkalakas lakas!

"Ano ka ba naman, anak?! Kanina pa kita tinatawag pero di mo man lang ako marinig!' Hala shems! Si Papa pala yung tumatawag sa akin kanina!

"Sorry po, Papa!"

"Sa susunod, wag mong itotodo ang volume ha?! Pag ikaw nabingi!" Hala ayan na magagalet na siya:<

"Opo." Pag papaumanhin ko. Ayokong nagagalet sa akin si Papa ehh. Kasi hindi ako nakakatulog nang maayos:<

"Ako na ang magluluto jan at umupo ka na." Sabi neto habang sinusubukan na agawin sa kamay ko ang kutsilyong hawak ko. Pero bago pa tuluyang makuha ni Papa ang kutsilyo ay nagsalita ako ulit.

"Ako na po, Pa. magpahinga ka nalang muna. Malaki naman na ako 'no. Kaya sige na pa. Panoorin mo nalang ako mag-luto." Nakangiti kong dagdag. Sumang ayon naman si Papa sa aking sinabi.

Naupo nalang si Papa sa upuan na nasa kitchen table namin at pinanood ako. Nilagay ko na ang kawali sa kalan, pinainit ito at saka nilagay ang mantika. Sunod kong inilagay ang baboy muna para iprito ito.

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now