Project

1.4K 36 31
                                    

Ranz Kyle's POV

Buo na ang pasya ko! Magso sorry na talaga ako sa kanya pag pasok niya mamaya. Pero masiyado naman ata akong excited mag sorry ano? 6:00 palang ng umaga pero nandito na ako sa school agad.

Kaya nagpunta nalang muna ako sa field. Favorite tambayan ko talaga 'to pag umaga kasi presko, malamig ang simoy ng hangin.

"Sorry na!" Parang ang panget naman pakinggan neto. Isa pa nga. "Sorry." Para namang ang tabang masiyado netong isang to. "Stephen, sorry!" Bat ang baduy? "Stephen, sorry nga pala sa mga nagawa ko sayo." With matching handshake pa yan.

"AAAAAHHHHH!!!!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil para na akong timang na nagsasalita dito mag isa. Ang sabi ko kay Francis tulungan ako eh. Nasa ganong estado ako ng makita ko si Francis na papunta dito sa field kaya kinawayan ko siya.

"Para kang tanga sa ginagawa mo, 'tol. Ano ba ginagawa mo?" Tanong neto matapos kaming mag fist bump. "Ahh wala lang 'tol HAHAHAHA!" Sagot ko dito pero tinaasan lang ako nito ng kilay na tila ba hindi siya sigurado sa sinagot ko.

"Okay sabi mo eh," Sab sa inyo hindi kumbinsido ehh. "Tara punta tayo sa canteen. Hindi pa ako nag uumagahan eh." Sakto bilhan ko na rin kaya si Stephen para sa peace offering ko? Napahinto ako sa paglalakad at sunod sunod na pag iling ang ginawa ko.

Pinagtatawanan na ako ng ibang estudyante na nakakita sa ginawa ko. Maski ako ay napahiya para sa sarili ko. Tangina mo self! Umayos ka!

Isang mapanuring tingin ang ibinato sa akin ni Francis.

"Parang tanga kaninang nagsasalita mag isa. Parang tanga ngayon ngayon lang na wagas kung makailing na akala mo may ipapakain ditong hindi mo maintindihan. Okay ka pa nga. Gutom lang yan! Tara na!" Pag agaw neto sa atensyon ko.

Hay nako ano bang nangyayari sa iyo, Ranz? Nakapasok na kami sa canteen at dumiretso na kami sa counter.

"Club orientation nga pala next week ano?" Tanong ni Francis habang kumakain kami. Oo nga pala. After 1 week pagkatapos ng pagbubukas ng klase ay indicated naman ang 3 days para sa mga club recruitment.

"Anong club sasalihan mo ngayon?" Si Francis ulit habang seryosong kumakain. "Ako? Hhmmm siguro sa volleyball ako sasali ngayon. Ikaw ba?" Balik ko naman dito saka humigop sa hot coffee na inorder ko kanina. Tumigil muna ito sa pagsubo ng pagkain at nag isip.

"Siguro sa volleyball nalang din ako ulit at sa young student media. Gusto ko mag try ng ibang club. Masaya kaya 'yon. Yung may challenge ka kahit paminsan minsan. Try mo rin mag dalawang club." Pangungumbinsi nito sa akin.

Magdadalawang club na rin ba ako? Same thought din kasi. Gusto ko rin maranasan yung dalawang club naman hindi yung puro sports lang ang club ko. Tutal last year narin naman na namin, edi go. Sulitin na.

"Sige. Magdadalawang club narin ako. Pero sa photography club naman ako. Kasangga naman ng young student media yon. Magkakasama parin tayo." Masaya kong tugon.

Umalis narin kami sa canteen dahil magsisimula na rin ang klase namin.

Buti nalang at nakarating agad kami sa room bago dumating yung teacher namin. "Seniors makinig kayo sa akin," teacher namin ang nagsasalita. "You need to have your partners from the lower class. The grade 9 students we're informed already about this issue. So please kung may makita man kayong grade 9, take that opportunity to ask then to be your partner. You will create a documentary showing how people fall in love. What factors are their. What fundamental things needed on a relationship. This will serve as your final project for the whole 1st quarter." Yun lang yung sinabi niya at nagturo na siya.

Tangina naman umagang umaga ang boring ng subject na tinuturo niya. History. Tinigil ko na rin ang pag kopya ko ng notes at inisip ko nalang yung sinabi ni Miss kanina. Napaisip ako kung sino ang aayain ko sa lower grade.

Alam ko na! Sigaw ko sa isip ko. Ngunit napalakas ata ang pagkakasigaw ko. Nakatayo na kasi ako sa aking upuan at nakataas pa ang dalawa kong mga kamay. "Yes? May problema ka ba, Ranz?" Masungit na tanong ng teacher namin.

Napapahiya naman akong umupo ulit at sinagot si Miss na "Wala po. Sorry po." Tatawa tawa naman itong kupal na 'to. "Excited kasi masiyado. Atat lang?" Bulong nito na hindi ko na lamang pinatulan.

Makalipas ang halos isa't kalahating oras ay natapos din ang History class namin. "Okay class, that is for today. Wag niyo kakalimutan yung sinabi ko about the grade 9 class ha? Bye." At lumabas na nga si Miss ng classroom.

"Sino kayang aayain ko sa mga grade 9? Wala naman akong kakilala sa grade 9."

"Takte naman ohh. Parang mas gugustuhin ko pa mag individual nalang."

"Bakit love pa ang topic? Ang cringe naman non tapos grade 9 pa kasama naten."

"Kaya nga eh. Ewan ko ba kay Miss kung bakit yun pa naging project naten."

Reklamo ng mga kaklase namin nang makalabas na si Miss sa room. Naalala ko na naman yung naisip ko kanina. Aayain ko ba siya? Pano? Kailan? Saan? AAAHHHH MABABALIW NA AKO NETO KAKAISIP EH. Para narin kasi makapag sorry ako sa kanya diba?

"MAY SUNOG! MAY SUNOG!" Sigaw ng kung sino kaya napatayo ako at sumigaw din ng may sunog daw. Ng mapagtanto kong ako lang pala ang sumisigaw ay tumigil na ako. Tinignan ko ang mga kaklase ko na halos mamatay na kakatawa.

"HAHHAHAHAHA!"

"SABOG KA NA BA, RANZ?!"

"HAHHAHAHAHHA SUNOG! MAY SUNOG!" At ginaya pa yung ginawa ko kanina. Nakakainis!

"Tumigil na nga kayo! Ang ingay niyo!" Suway ko sa kanila pero ang totoo pahiyang pahiya na ako na halos wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. "Wag kasing tulala para hindi napapahiya 'tol ha? HAHAHHAHAHAHHA" si Francis pala ang may kasalanan.

"Bat mo naman kasi ako ginulat?!" Inis ko paring tanong dito. Humarap naman sa akin ito at nagsalita. "Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka sumasagot. Tulala ka kanina pa. Nagmumukha na akong tanga kaya ginulat na kita." Pagpapaliwanag niya habang tinatapos ang mga nakasulat sa board.

"Kahit na! Nakakahiya tuloy sa mga kaklase naten:<." Ngumuso pa ako sa kanya na tinawanan niya lang ulit.

Guys leave a comment! And kindly hit the vote button! Bayad niyo na po saken yan ohh para mas ganahan ako gumawa ng chapters. Thank you po! Pag walang masiyadong comment tatagalan ko mag update. Bahala kayo🥺.

Waiitt!!! Putol muna dito hehehehhehehehehehehheh.

Wag mag-alala mga ka readers ko! Mag uupdate ulit ako tom! Hehehehehehehe....

스티븐 입니다!!!

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now