Pag tulak sa pila

1.7K 50 7
                                    

John Stephen's POV

Makalipas ang halos tatlong oras sa loob ng classroom ay nag bell na para sa snacks.

"Hey cute! Sabay ka na samin kumain para naman may kasama ka." sabi ni Julian. Seatmate ko siya eh. Bali siya yung nasa harap ko, sa kanan ko si Joana, at nasa kaliwa ko si Carl.

"Ehhh nakakahiya naman sa inyo kung sasama kami ni Joana. Mukha pa namang nakatakas sa mental yan pag kumain." Natawa naman ang dalawa dahil sa sabi ko. Tinignan naman ako ni Joana ng masama.

"Okay lang yun samin ni bestfriend. Tara na sama na kayo samin." pag anyaya nito. Nag patangay nalang kaming dalawa ni Joana dahil hinatak na nila kaming dalawa.

Pag dating namin sa canteen ay ang daming tao. May mga nag tatawanan, asaran, may nag rereview den. Seriously!? Unang araw palang nag rereview ka na agad?!

*Parang hindi niyo gawain ni Stephen ang magreview sa canteen noon, ahh?"

*Author naman ehhh!!!"

*At baket? Aangal ka?!"

*Sabi ko nga po tatahimik na"

Malapit na sana ako sa cashier nang may biglang tumulak sa akin mula sa likuran ko. Natapon ang pagkain na nasa tray na hawak ni hawak ko. Tumama pa ang ulo ko sa bakal na harang sa may cashier.

"Stephen!" Sabay sabay na sigaw ng tatlo. Nasalo naman ako ni Julian. Nakita ko pa ang isang lalaki na nakatayo sa aking likuran ni Joana bago ako hinimatay.

        ******SCHOOL CLINIC*****

Julian's POV

"Gagong Ranz Kyle talaga yon ohh!!!!" sigaw ko habang nakatingin kay Stephen na nakahiga habang walang malay. "Sino ba yung gagong yon?! At bakit niya itinulak yung bestfriend ko?!" Naiiyak at galit na sigaw ni Joana.

"Wag ko lamang makakasalubong yang Ranz Kyle na yan at mapapatay ko siya!" nangigigil na sabi ni Carl habang nakayukom ang kanyang mga kamay dala ng galit.

"Pano mo yon magagawa eh siya ang anak ng may ari netong school na to?" asik ko sa sinabi ni Carl na papatayin daw niya si Ranz eh ni kausapin nga yung gagong yun hindi namin magawa.

"Basta! Kailangan lang magising agad si Stephen."

"Bespren gising ka na. Huhuhuhuhu." Nilapitan ni Joana si Stephen at hinaplos ang pisngi ng kaibigan.
"Parang close na close kayong dalawa, ano?" Tanong ni Carl kay Joana. Napangiti nalang si Joana.

"Yeah. Sobrang close kaming dalawa na para na kaming magkapatid. Close din kasi ang parents namin. Mayroon siyang kapatid kaso nasa ibang bansa pa at hindi pa umuuwi kaya ako muna ang tumatayong kapatid niya." Paliwanag niya.

Ang swerte pala ni Stephen sa kaibigan niyang si Joana. Kung hindi lang namin nalaman na mag bestfriend ang dalawang 'to, iisipin naming dalawa na mag jowa sila.

Simula ngayon, tatlo na kaming magiging bestfriend ni Stephen.

Maya maya pa ay may biglang kumatok sa pintuan ng clinic. Ako na ang nagbukas. Isang matangkad na maputing lalaki ang bigla nalang pumasok nang walang pasabi. Tinitigan nito ang kaibigan namin na nakahiga pa rin ngayon at walang malay.

"Kumusta na si Stephen, Joana?" Tanong ng lalaki kay Joana. "Okay naman na siya Kuya. Nalinis narin ang sugat niya sa ulo kaya wag ka na mag alala. Hindi naman daw ganon kasama ang pag kakatama ng ulo niya sa bakal." Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa amin sa loob ng clinic. Siguro mahigit apat na minuto rin kaming walang imikan sa loob.

"Mabuti naman kung ganon. Balitaan mo nalang ako from time to time ahh. Aalis na ako at may aasikasuhin pa ako." At lumabas na nga ito ng clinic.

"Sino 'yon, Joana?" Tanong ko. "Pinsan ni Stephen 'yon." Ahhh kaya pala.

Ranz Kyle's POV

Mukhang may bago na naman akong pag titripan sa school ah. Tignan lang naten kung tumagal ka sa school na to, John Stephen. Ako mismo ang mag aalis sayo dito. Based sa mga kilos niya, I guess bakla siya? Hindi naman ako galit sa kanila. Gusto ko lant silang pagtripan. Masaya kasi HAHAHAHAHA.

Nakuha ko na rin lahat ng infos about him. Consistent honor student, galing public, may kuya siya at papa nalang ang meron siya.

Nauna na ako kay Francis sa canteen at umorder na ako ng pagkain namin. Hindi naman na bago kay Francis yung mga ginagawa ko kaya okay lang.

Nasa gitna ako ng pagkain ng mga inorder ko nang biglang sumigaw si Francis na bagong dating lang.
"Bakit mo ginawa yon, Ranz?" Galit na tanong ni Francis sabay na Kinuwelyuhan niya ako nang mahigpit. Napatayo na rin ako sa mula sa pagkakaupo. Nagsitayuan at nagsigawa ang mga tao sa canteen. "Bakit mo kako ginawa 'yon?!" Pag uulit niya sa tanong ng hindi ako sumagot and this time, nag aapoy na sa galit yung mga mata niya. Hindi naman na bago sa akin yung gantong klase ng tagpo. Ilang beses narin ba kaming nag away neto.

Kaya naman sinagot ko na siya. "Bakit? Lagi ko namang ginagawa yon ahh pero ngayon ka lang nag reklamo." sabi ko nalang habang hawak hawak niya parin ang kuwelyo ko.

"Tandaan mo, Ranz. Graduating tayo ngayon kaya iwasan mo na yang mga ganyan mong gawain. Kung noon okay pa, ibahin mo ngayon."

Medyo napag taasan niya ako ng boses. Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.

"May gusto ka ba ron, Francis? Bakla ka ba?" pangisi ngisi ko siyang tinignan kahit hawak hawak niya ang damit ko. "Tanga ka ba?" Mas lalong humigpit ant hawak niya sa damit ko. And this time, medyo nakaramdam na ako ng takot. Sa tanong niyang ito ay alam kong galit na galit na siya. Sino ba yung Stephen na iyon at ganto nalang magalit itong kaibigan ko?! Lagot ka talaga saken!
"Hindi bat sinabi ko sayo na lilipat dito ang pinsan ko? Siya yun, Ranz! Siya yung pinsan kong tinutukoy ko nung nakaraan! Tapos ngayon hindi pa daw siya nagigising. Sana masaya ka na!" Pabagsak niya akong binitawan. Muntik pa akong mahulog sa upuan kung hindi lang ako nakakapit sa table.

What a mess! Tangina first day palang ng school! Nasabi ko nalang sa sarili ko.

Kaliwa't kanan na naman ang mga bulungan sa loob ng canteen. Hindi ko na rin nagawang tapusin ang kinakain ko dahil nawalan na rin ako ng gana.

Natahimik ako sa kanyang sinabi. Oo gago ako. Lagi akong nambubully. Pero sa pagkakataong ito, maling tao pala yung napag tripan ko. Pinsan pa pala ni Francis yun!

Napasapo nalang ako sa aking noo nang maalala ko na yung sinabi  niyang may pinsan siyang lilipat din dito sa school namin. Napahampas nalang ako ng aking ulo dahil sa aking nagawa. Kagaguhan mo talaga, Ranz!

Mukhang kailangan kong mag sorry sa dalawang tao. Pero ako? Mag so sorry? Wala sa katauhan ko yon, pare. Pero galit sakin ang kaibigan ko ngayon. Siya lang ang kaibigan ko dito sa school.

Ano na ang gagawin ko?

Guys leave a comment! And kindly hit the vote button! Bayad niyo na po saken yan ohh para mas ganahan ako gumawa ng chapters. Thank you po! Pag walang masiyadong comment tatagalan ko mag update. Bahala kayo🥺.

Sa susunod ulet guys. Inaantok na ko eh hahhahaha...

스티븐 입니다!!!

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now