Trabaho

1.4K 49 15
                                    

Francis' POV

Nakarating sa akin ang balita na may tumulak daw sa pinsan ko at napag alaman kong si Ranz ang may gawa neto. Halo halo ang emosyong namutawi sa akin. Kaya ganon nalang ang pag aalala ko kung may mangyayaring masama kay Stephen, ay malilintikan ako kay Kuya Niel (yung Kuya ni Stephen). Nakakatakot pa naman magalet yun!

Nagkasagutan pa kaming dalawa ni Ranz dahil dito. Third year palang kasi si Stephen samantalang 4th year naman na kami ni Ranz kaya umiiwas na muna kami sa gulo dahil baka maapektuhan ang pag aaral namin. Hindi pa kami makagraduate parehas.

Nakita kong kumakain na si Ranz sa canteen ng makarating ako. Bigla ko siyang kinuwelyuhan pagkalapit ko kaya napatayo antmg ibang estudyanteng malapit sa amin at yung iba ay napasigaw pa dahil sa gulat. "Bakit mo ginawa yon, Ranz?" Galit na tanong ko matapos niyang gawin ang pag tulak kay Stephen kanina. Pero hindi niya ako sinagot kaya inulit ko ang tanong ko sa kanya.

"Bakit mo kako ginawa yung bagay na 'yon?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa galit. Maya maya pa ay sumagot na rin ito. "Bakit? Lagi ko namang ginagawa yon ahh pero ngayon ka lang nag reklamo." sabi nito habang hawak hawak ko parin ang kuwelyo niya.

Naiinis na tinignan ko si Ranz at saka nagsalita,
"Tandaan mo, Ranz. Graduating tayo ngayon kaya iwasan mo na yang mga ganyan mong gawain. Kung noon okay pa, ibahin mo ngayon."

Medyo napag taasan ko siya ng boses. Napakunot naman ang noo neto dahil sa aking sinabi.

"May gusto ka ba ron, Francis? Bakla ka ba?" pangisi ngisi niya akong tinignan. Mas lalo tuloy  uminit ang ulo dahil sa sinabi neto. "Tanga ka ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita ng ganyan at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kuwelyo niya. Naramdamam kong medyo natatakot na siya dahil sa akin pero hindi na iyon pinansin. Nagtatakha niya naman akong tinignan. "Hindi bat sinabi ko sayo na lilipat dito ang pinsan ko? Siya yun, Ranz! Siya yung pinsan kong tinutukoy ko nung nakaraan! Tapos ngayon hindi pa daw siya nagigising. Masaya ka na!" At pabagsak ko siyang binitawan. Mabilis ang pagkapit niya sa lamesa kaya hindi siya tuluyang nahulog.

Kesa magtalo pa kami nang mag talo, ako na mismo ang umalis sa canteen at nagtungo nalang kung nasaan si Stephen.

Maya maya pa ay nakarating na rin ako sa clinic kung saan naroroon ang pinsan ko. Kumatok ako ny tatlong beses.

*Knock! Knock! Knock!*

May isang lalaking nagbukas ng pintuan, kaibigan siguro ito ni Stephen. Walang sabi sabi ay nagdere deretso ako papasok sa loob. Tinignan ko ang pinsan ko na nakaratay parin hanggang ngayon sa kama.

"Kumusta na si Stephen, Joana?" Tanong ko pagdating ko sa clinic kay Joana. "Okay naman na siya Kuya. Nalinis narin ang sugat niya sa ulo kaya wag ka na mag alala. Hindi naman daw ganon kasama ang pag kakatama ng ulo niya sa bakal." Mahabang paliwanag ni Joana. Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa amin sa loob ng clinic. Siguro mahigit apat na minuto rin kaming walang imikan sa loob.

"Mabuti naman kung ganon. Balitaan mo nalang ako from time to time ahh. Aalis na ako at may aasikasuhin pa ako." At lumabas na nga ako ng clinic.

Iniwasan ko rin si Ranz. Bahala siya. Malaki na siya kaya dapat alam na niya ang gagawin niya sa mga actions niya.

Ranz Kyle's POV

It's been a week now simula nung mangyari ang gulo sa pagitan naming tatlo. And by thia time, hindi parin ako pinapansin ni Francis sa ngayon. Halos mag iisang linggo na niya akong hindi kinakausap. Na guilty man ako ay hindi ko magawang humingi ng tawad dahil hindi ko forte ang mga ganong bagay.

Back To You (On-Going)Where stories live. Discover now