The girl who can't be moved (FOUR)

31.8K 639 29
                                    


I couldn't sleep that night. I kept thinking about Robi. He broke my heart, he broke my heart, he ruined my fantasy. He ruined everything. Bakit niya ito ginawa?

"I'm coming back, and when I do, I will spend my forever with you..."

Napaluha ako nang bigla kong maalala ang mga katagang iyon na binitiwan ni Robi sa akin. Hindi niya rin naman pala tutuparin, bakit niya pa sinabi? Sasaktan niya lang pala ako. Sana lang kasi kung ayaw na pala niya, sana sinabi niya na lang sa akin, hindi iyong pinagmukha niya pa akong tanga. He made me wait for five years, para saan? Para sa ganito?

Kanina noong makita ko siya, ang saya-saya ko. Ang sarap sa pakiramdam. I told myself that finally, after a long time of waiting in vain, I'm going to have my happy ending. Pero wala lang pala iyon. Kasi wala na siyang pakialam. Kanina, kung tingnan niya ako, pakiramdam ko isa akong bagay na ayaw hawakan... 

Ang sakit-sakit, hindi ko matanggap na ganito na ngayon. I couldn't believe that Robi moved on and he left me behind. It sucks, it really sucks. Bigla ay umupo ako sa gilid ng kama. I took a box of tissue paper with me, pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto. Tinungo ko ang pintuan. Naiiyak pa rin ako. Ang sakit-sakit kasi. Bakit niya ako sinaktan ng ganito? Ni hindi siya nagpaliwanag sa akin. Basta na lang siya nawala ng ganoon. Iniwan niya ako sa ere na parang wala lang talaga ako para sa kanya. Hindi niya ba alam kung gaano kasakit iyon? Hindi niya ba alam na ang hirap-hirap maghintay? 

Nang makalabas ako ng bahay ay tumuloy ako sa may gate. Marahang binuksan ko iyon, pagkatapos ay naglakad ako at tinungo ang pavement, ang pavement kung saan nangako sa akin si Robi, ang lugar kung saan niya ako iniwan noon. Our spot. Iyak lang ako ng iyak doon, para akong tanga, kung may makakakita sa akin ngayon, malamang iisipin ng taong iyon nababaliw na ako. Kasi mukhang papasa na akong ganoon.

I keep on crying, I cried like there's no tomorrow. I looked so stupid, I know, but I couldn't help it. Ang pag-iyak lang ang makakatulong sa akin para mawala ang sakit na nararamdaman ko. siguro kailangan ko munang umiyak ng isang dagat ng luha bago ako makalaya sa sakit na ibinigay sa akin ni Robi. An ocean of tears, before I could finally say that I'm healed. Gaano kaya katagal iyon? 

Nakarinig ako ng ingay mula sa kng saan. Nag-angat ako ng tingin upang aninagin ang ingay na iyon. It was coming from a motorcycle. Napapikit ako dahil sa mga ilaw ng motor na iyon. The motorcycle stopped infront of me. Napasinghot ako ng makita ko kung sino iyon. It was James. 

"I thought I'd find you here." he said as he walk towards me. Naupo siya sa tabi ko. "Hindi ako nakapagdala ng gatorade eh." sabi pa niya. Napahagulgol ako ng malakas. James put his hand on my back, he was trying to comfort me. 

"Nakakainis, mukha akong tanga." umiiyak na sabi ko. Itinakip ko sa mukha ko ang aking dalawang palad. "Nagmukha akong tanga. Nakakainis." 

Patuloy si James sa paghagod sa likod ko, sisigok-sigok na ako. TInitigan ko siya. 

"Totoo ba iyong sinabi mo dati?" tanong ko sa kanya. James sighed. 

"Alam mo naman na kahit kailan hindi ako magsisinungaling sa'yo diba?" napabuntong hininga siya ng humagulgol ako ulit. 

"Ian huwag ka ng umiyak. Alam mo ba? May nakausap akong press kanina, they loved you, you know. They call you the girl who can't be moved." pilit na pinapasaya ako ni James. 

"Ano namang pakialam ko kung they loved me? Eh kung iyong nag-iisang taong gusto kong mahalin ako, walang pakialam, aanhin ko pa iyon?" humihikbing sabi ko. Tahimik lamang si James. Hinahayaan lang niya na umiyak ako. He just sat there. Wala siyang sinasabi, patuloy na hinahagod niya ang likod ko. Ako naman, isip ako ng isip kay Robi. 

The truth is. There's not really any moment of the day when I don't think of him. He's like a shadow and getting rid of him is really impossible. Kung tutuusin, pwede kong kalimutan si Robi, subalit mahirap para sa akin ang gawin iyon dahil sa mga alaalang naiwan niya sa akin. 

"I want to know if he spends sleepless nights in bed because of me. If I made him cry..." I said, still crying. "Cause he's the only one that can make me cry like this. Naiinis ako. Nakakainis." huminga ako nang malalim. Inabot sa akin ni James ang box ng tissue paper. 

"Bakit ganoon? Naiwan ako, ako nandito pa rin, naghihintay kung saan niya ako iniwan, naghihintay na tuparin niya ang pangako niya, pero magmumukha lang pala akong tanga. Nakakainis kasi kahit ganoon, mahal ko pa rin siya, kahit nasasaktan ako.." damang-dama ko sa puso ko ang sakit. I feel so hollow right now. Ang hirap-hirap huminga. Pakiramdam ko, may nawalang napakalaking parte ng pagkatao ko. 

"Suko ka na?" biglang tanong no James. 

"H-hindi..." pinahid ko ang luha ko. "Hindi noh! Diba, ang sumuko pangit? Hindi ako pangit. Nasasaktan lang ako pero hindi ako pangit. Ang ganda-ganda ko noh. Sikat na nga ako eh. Ano nga yung tawag nila sakin? The girl who can't be moved?" tumingin ako kay James, may maliit na ngiti sa kanyang mga labi. He put his hand on my right cheek and then he wiped my tears. 

"Iyon naman pala eh. Huwag ka ng umiyak. Sa pag-iyak ka papangit." ngumiti siya habang pinapahid ang luha ko. I stared at him for a moment, and then suddenly I wished that he was Robi -- that Robi was the one sitting here beside me, comforting me and wiping my tears away. Then I realized that even though I'm hurting so much, I still wanna be with my Robi... 

"Thank you for being here, James. Alam mo? Feeling ko mas okay kung si Yi Jeong ang naging bestfriend ni Jan Di hindi si Jihoo..." bigla ay naisip ko. 

"Ano?" natatawang sabi niya. Ginulo niya ng kaunti ang buhok ko. Ngumiti lang ako pagkatapos ay nagpatuloy.

"You know, boys over flowers. Mas sasaya si Jan Di kung si Yi Jeong ang bestfriend niya, kasi ako masaya ako dahil katulad ni Yi Jeong ang bestfriend ko. Kahit na si Jun Pyo ang kahawig niya." napangiti ako nang makita kong kunot na kunot ang noo niya. Itinuro ni James ang sarili niya.

"I'm Yi Jeong?" he asked... Tumango ako. Napailing siya. "Silly girl." 

"Laundry girl noh." pagtatama ko. Tumayo na si James. Inalalayan niya ako. 

"Huwag ka ng umiyak ah? May tugtog tayo bukas ng gabi. Magpahinga ka na. At huwag ka ng umiyak." tumango lang ako. Bigla ay napasinghot na naman ako. 

"Alam mo, James? Kahit na ganito kami ni Robi ngayon, naisip ko na gusto ko pa rin siyang makasama. Naniniwala pa rin ako sa pangako niya." saglit na tinitigan ako ni James, pagkatapos ay ninuohan niya ako. 

"Matulog ka na, Jan di. Gabi na. Ipahinga mo na iyang utak mo." kunwa'y sabi niya. Kinuha ni James ang helmet niya. "Mauna na ako." tinitigan niya ako.

"Oh bakit?" tanong ko. 
"Pwedeng payakap?" he asked, looking at me eye to eye. Saglit na natigilan ako. Bakit hindi? Si James naman ito eh. Tinanguan ko siya. Pagkatapos noon y niyakap niya ako, mahigpit.. tila ba parang mawawala ako ng matagal. 

"Can't breathe..." pabirong sabi ko. Natawa naman siya. Maya-maya ay lumayo siya sa akin. 

"Goodnight, Ian. Huwag ka ng umiyak ha?" tumango na lamang ako.Parang imposible yatang gawin iyon. Sumakay na si James sa motorcycle niya. I took three steps back. Sumaludo pa siya sa akin bago umalis. Sinudan ko siya ng tingin. Kahit paano ay magaan na ang loob ko. Buti na lang nandyan siya para pagaanin ang mabigat na dinadala ko. 

I looked up at the night sky, naalala ko noong mga panahong uupo kami ni Robi sa sidewalk at saka parang mga timang na magbibilang ng mga bituin, that thought made me want to cry again. I bit my lower lip and then took a deep breath to stop myself from crying. I could still feel that big hole in the middle of my heart. I sighed. It's gonna be a long, long night.

_________

What did we have anyway? Just a kiss -- a kiss that he left me five years ago. At ang isang pangakong binitiwan niya sa akin na pinanghawakan ko ng sobra-sobra sa pag-aakalang tutuparin nga niya iyon. Pero nagkamali ako. So all in all we had nothing. Kung nothing nga na matatawag iyon. Ipinilig ko ang aking ulo. Ayoko nang mag-isip. Kagabi hindi ako nakatulog sa kakaisip kay Robi. He invaded my mind again, he gave me another sleepless night. And I hated that. Ayoko na siyang isipin, pero sadyang makulit ang utak ko dahil kahit ngayon, siya pa rin ang laman ng puso at isipan ko. 

"Gummy bears?" I looked at James. May dala siyang isang pakete ng gummy bears, nakangiting kinuha ko iyon. "Buti hindi namamaga iyang mga mata mo." ngumiti lang ako. 

"Yeah, thaks for this." Iwinagayway ko ang gummy bear sa harap niya. 

"Kinakabahan ka ba?" muling tanong niya. Umiling lang ako. Wala ako sa mood magsalita. Natatamad ako. Pakiramdam ko wala ng sense ang buhay. 

"Robi!" biglang kumabog ang dibdib ko. Napaawang ang labi ko at kahit na ayoko awtomatikong hinanap ng mga mata ko ang taong nagmamay-ari ng pangalang iyon. Nakaupo ako sahig, then I saw Robi came in. Sinalubong siya ni Zach. 

"Ang aga mo, nag-se-set up palang kami." sabi pa ni Zach. 

"Oo nga eh. I guess I missed you guys." parang sampal sa akin ang sinabi ni Robi. He missed the guys? Napangiwi ako. Ibig bang sabihin noon, bumalik lang siya para sa banda na iniwan niya noon?

"Ian..." siniko ako ni James. "Are you alright." 

"Yeah, why wouldn't I be?" kaswal na sabi ko kahit na ang pakiramdam ko ay parang merong malaking batong nakaharang sa lalamunan ko. I took one glimpse of Robi. Damn! He really look so good. Ang unfair ng buhay, bakit parang mas gwapo siya ngayon kaysa kahapon? At bakit ba tibok ng tibok ang puso ko ngayon? Hindi naman siya ganito kanina. Then after a while, Robi looked at my direction. Napalunok ako, hindi ako makahinga, our eyes met. Parang gusto kong maglupasay sa harap niya at magmakaawa muli. Pathetic, pero gusto kong gawin. I feel so stupid right now. 

"Marami ng tao sa labas. Sikat na kayo, dude!" nakangiting pahayag niya.

"Ikaw kasi umalis ka eh, ayan tuloy..." muling sabi ni Zach. Tinapik ni Robi ang balikat niya. 

"Okay lang. I'm happy for you all of you. Naabot ninyo rin iyong pangarap natin.." sabi pa niya. Kahit paano ay napangiti ako. Kung may isang bagay na sa tingin ko ay hindi nagbago sa kanya, iyon ay ang pagmamahal niya sa mga kaibigan niya at para sa bandang minsan ay naging kaparte siya. 

"Hey, Ian, can you fix my tie?" tumingin ako kay James

"Bakit?Ang laki-laki mo na hindi ka pa marunong. " I tired to act normal. Inalalayan akong tumayo ni James 

"Sige na, para gwapo ako. Wala kasi si Rapah eh.. Please?" nagmamaka-awang sabi niya. Ngumiti ako, pagkatapos ay hinawakan ko ang kurbata ni James at inayos iyon. Napabuntong hininga ako. Bakit pakiramdam ko may taong masama ang tingin sa amin dalawa?

"Ayan, okay na." nakangiting sabi ko. Nagulat ako ng biglang batuhin ni Anton ng nilukot na papel si James sa mukha. 

"Epalnes ka din ano, James? Mamaya na kayo mag-bestfriend moment. May nagseselos eh." magaan ngunit mariin ang mga salitang binitiwan ni Anton. Inirapan ni James si Anton. 

"Talaga? Sino? Kung matapang ka, sabihin mo nga ang pangalan." naghahamong wika ni James. Parang gusto kong matawa. Para silang mga bata. Pakiramdam ko naroon ulit ako sa panahong nasa garahe lang kami nila Robi at nag-aasaran sila bago magsimula ng ensayo. It was comical. 

"Enough already.." sabi ko, nangingiti. "Inaaway na naman ni Antonio si James oh. Lagot ka kay Rapah." napangiti ako ng tuluyan. Yumuko ako upang kunin ang gummy bears na bigay sa akin ni James. 
"Doon muna ako sa labas." sabi ko pa. Hindi na kasi ako mkahinga roon eh. Pakiramdam ko any moment from now, sasabog ang dibdib ko dahil sa sobrang pangungulila kay Robi. Ganito pala iyong feeling noong nagsulat ng kantang may lyrics na: "You're so near and yet so far..." ganoon ang nadarama ko ngayon. 

I was about to turn around when suddenly I saw a ver attractive woman came in. Her hair was long, silky and black. She was wearing a blue dress that reached her kness, then to my surprise Robi smiled at he, then he put his arm around her waist. After that he said:

"Guys, this is Irish. My fiancé ." I felt an agonizing pain in my chest. Parang may lumulukot sa puso ko. Irish smiled. Robi sounded so proud of her. Bakit hindi? She's very beautiful. Very lady-like... kabaligtaran ko. 

"Hello..." the guys looked surprised. James managed to keep a straight face. 

"Nice to finally meet you in person, Irish." makahulugang sabi ni James. Bigla ay naalala ko ang sinabi niya wa akin almost a month ago. He said he knew about Robi's engagement but he didn't tell anyone because he knew that if I find out, it will ruin me. At tama si James, pakiramdam ko ngayon, anumang oras, bigla na lang akong matutunaw...matutunaw dahil sa sobrang kalungkutan. 

"Excuse me..." nangangatal ang labi ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon. Nagtatakbo ako palabas ng bar na iyon. Luhaan na naman ako, talunan. Ngayon umiiyak na naman ang puso kong ilang taon ng umiiyak dahil kay Robi. 

"Ang sama-sama niya..." paulit-ulit kong sinasabi iyon. Sisinghot-singhot na naglakad ako. Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko.

"Anong problema ninyo? Ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng umiiyak dahil broken hearted siya?" sabi ko sa mga taong tinitingnan ako. Hindi naman sila kumibo. 

"Anong gusto mo?" tanong ko sa isang teenager na titig na titiig sa akin. "Ano? Sapakan? Ano?" inambaan ko ng suntok ang binata. Napamulgat siya. Wala akong pakialam kahit magmukha akong baliw doon mas mabuti na siguro iyon, kung se-swertihin, may tatawag ng ambulansya tapos dadalhin nila ako sa mental, doon na lang ako at hahayaan ang sarili kong mabaliw ng tuluyan kaysa naman ang mabaliw dahil sa pag-ibig kong sawi para sa lalaking iyon. Bago pa ako makaporma ay may nadama kong mainit na palad sa balikat ko. 

"Pasensya ka na bata, nakainom lang." nakilala ko ang tinig na iyon. Tumingala ako at nakita kong si Robi nga iyon at hindi lamang siya bunga ng imahinasyon ko.

"Bitiwan mo nga ako, hindi ako lasing at mas lalong hindi ako nakainom." tinabig ko ang mga kamay niya at muling naglakad. 

"Hoy! Bumalik ka nga dito! Ian!" sigaw pa niya. Lalo akong napaluha. Ano bang gusto niya? Bakit siya nagpunta dito? Hinarap ko siya. 

"Bumalik ka na doon. Ikaw na lang ang tumutog! Balikan mo na iyong kagandahan mong girlfriend!" sigaw ko sa kanya. 

"Talagang kagandahan si Irish!" ganting sigaw niya. "At hindi ako babalik doon ng hindi kita kasama dahil bubugbugin ako ni Anton at ni Zach. It's bad enough na hindi ako kinakausap ni James, at alam kong dahil iyon sa'yo. Hindi ko naman hahayaan na pati si Zach at si Anton, maungas na rin, dahil sa'yo!" parang blade na humiwa sa puso ko ang mga sinabing iyon ni Robi. Ganoon na ba talaga? Parang lumalabas na kaya lang siya nandito dahil pinilit siya ni Anton at ni Zach na sundan ako. 

"Napaka-pathetic mo!" muling sigaw niya. 

"Oo, pathetic na! Pathetic talaga ako kasi naghintay ako ng limang taon para sa wala!" himihikbing sabi ko. Sigaw ako ng sigaw habang ngumangawa. Ang mga tao sa paligid namin, tinitingnan kami ni Robi. Hindi agad siya nakakibo. "Ano? Nagulat ka? Oo, Robi.. hindi tulad mo, pinanghawakan ko iyong pangako mo sa akin. Akala ko kasi..." napahikbi na namana ko. "Pero wala eh. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako pathetic!" iyon lang at muli akong tumalikod. Umakyat ako sa hagdan ng over pass, nang lumingo ako, nakita ko si Robi na nakasunod sa akin. Pinagpatuloy ko ang paglakad, nang nasa gitna na ako, nadama ko sa braso ko ang kamya niya. Hinawakan niya ako ng mahigpit. 

"Bumalik na tayo. Hinihintay ka na nila Zach." tinulak ko siya. "Ano ba, Ian? Makinig ka naman sa akin. Bumalik ka na. Saka ka na lang mag-inarte kapag tapos na iyong gig ninyo, cause of delay ka pa eh. Sasali-sali ka sa banda tapos hindi mo naman pala kayang panindigan." nakatitig ako sa kanya. Kunot na kunot na ang noo ni Robi. Halatang inis na inis na ito. Again I felt the urge of crying and begging.. pero pinigilan ko ang sarili ko. Clearly, he doesn't care anymore... kaya lang naman siya nandito ay dahil pinilit siya nila Anton,,, he doesn't anymore. Bigla ay may naisip ako.

"Ano, titigan mo na lang ba ako?" muling tanong niya. 

"Tatalon ako." matapang na pahayag ko. Nakita akong napaawang ang labi ni Robi. Tiningnan ko ang ibaba ng overpass. Rush hour noon at napakaramin dumaraang sasakyan. Napalunok ako. 

"Anong sabi mo?" galit na tanong niya. Tiningnan ko ulit siya. 

"Sabi ko tatalon ako." wika ko. Hinawakan ni Robi ang braso ko. 

"Alien ka ba? Tatalon ka diyan? Mamatay ka, alam mo ba iyon?" parang tangang sabi niya. 

"Tatalon ako, kung mabubuhay ako ibig sabihin may purpose pa ang buhay ko, kung mamamatay naman ako, eh di bye-bye Ian na." kaswal na kaswal na wika ko. Lalog humigpit ang hawak ni Robi sa braso ko. 

"Matagal ko ng alam na Alien ka Ian! Pero hindi katanggap-tanggap ang gagawin mo!" huminga ako ng malalim. Pagkatapos ay binalingan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa braso ko, pagkatapos ay tinanggal ko iyon. I gave him a faint smile. 

"It was nice knowing you, Robi..." napanganga siya. Tumingin muli ako sa ibaba ng overpass, pagkatapos ay tumuntong ako sa harang... I acted as if I'm really gonna jump... In my head, nagbibilang ako... 

one...two...three...four... then suddenly Robi put his arms around my waist to pull me back down. 

"Alien ka, oo, pero hindi acceptable sa lahi ninyo ang suicide." galit pa ring sabi niya. Bigla ay napangiti ako. "What the--- why are you smiling like that?!" sigaw niya sa akin. 

"You saved me. That means you still care. Hindi mo ako nakalimutan.. you called me an alien... you really didn't forget." masayang-masaya ako. Kahit na nagmukha pa akong tanga sa harap ng maraming tao kanina kakasigaw kay Robi, lahat iyon worth it na worth it. Robi still cares. Hindi niya ko nakalimutan. He still cares about me. 

"Nababaliw ka na talaga ano?" pikon na pikon na sabi niya. "Alien ka na nga, baliw ka ba. Bahala ka diyan. Bumalik ka na doon sa bar at pakiusap lang, Adrianne, huwag na huwag mo na ulit gagawin iyon, dahil baka next time, wala na ako para sagipin ka ulit." pagkasabi noon ay tumalikod na siya. I smiled even more. Ang saya-sya ko, Robi still cares. He still cares... hindi niya ako nakalimutan... at dahil sa kaalamang iyon, buo na ang deisiyon ko... gagawin ko ang lahat para makuha si Robi... lahat-lahat!

The girl who can't be moved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon