The girl who can't be moved (SIX)

29.7K 579 43
                                    

 

"Hey, Ian." namilog ang mga mata ko ng makita kong nakatayo si James sa labas ng coffee shop. Anong ginagawa niya dito at paano niya nalaman kung nasaan ako?

"What are you doing here?" nagkibit-balikat siya. He smiled then he took my hand.

"I was driving around, then I saw you inside. Pauwi ka na?" he asked me. Tumango naman ako. Totoo naman eh, uuwi na rin namamn talagaako. Pero mas gusto ko sanang umuwi ng mag-isa...mas gusto kosanang tumayo sa may bus stop at hintayin iyong bus na madalasnaming sakyan noon ni Robi. Gusto ko sanang makitang muli iyongstick fugure doon... sa madaling salita, gusto kong magmukmok. Nalulungkot na naman kasi ako.

Sino ba naman ang hindi malulungkot sa sitwasyon ko? He said that he wanted us to be friends. Friends?! Pagkatapos niya akong paghintayin ng limang taon, after living five long years in melancholy, he  just wanted us to be friends?! Hindi ko naman kailangan ng kaibigan eh. I have a lot of those, what I need is Robi, I need him. I want him to love me again... I want him to be my Super Robi again... mahirap ba iyon?

"Yan... are you okay?" James asked. Napatingin ako sa kanya. Tumango ako. Ano pa bang sasabihin ko, halata naman siguro sa mukha ko kung sino na naman ang iniisip ko.

"Naiisip niya kaya ako?" biglang tanong ko. James stared at me.

"Maybe... who knows, right? Wala naman nakakaalam sa takbo ng utak ng taong iyon." ngumiti si James. "Sakay na. Ihahatid na kita." huminga ako ng malalim at pilit kong iwinawaglit sa aking isipan ang imahe ni Robi noong nakaupo kami sa swing noong gabing iyon. Ang saya-saya ko noon, nalaman ko kasi na hindi niya talaga ako basta kinalimutan na lang. He remember things, he remember those good memories that made me cry everytime.

"How was your day?" tanong ko kay James?

"Stressful...." he tried to smile. "Hey, out of town gig tayo. Sasama ka dun ha? Kapag di ka sumama, hindi kami matutuloy, walang drummer." binatukan ko siya.

"Natural sasama ako. Wala na eh, Neon na ako. At sa tingin ko, Robi was happy about it too." napangiti ako. Hindi sumagot si James. Nanatili siyang nakatingin sa daan at nagmmaneho. The thing with James is, pagdating kay Robi... hin di siya masyadong nagkokomento. Isang bagay na pinagtataka ko dahil dati, silang dalawa ang malapit sa isa't-isa. Robi and James were the minds behind their band, kaya nga hindi ko maintindihan kung anong nangyari. May issue ba si James kay Robi o si Robi ang may issue kay James. Gusto ko sanang magtanong kaya lang, hindi ko naman alam kung paano sisimulan.

"We're here." huminto si Jamessatapat ng bahay ko. Marahang binuksan ko ang pinto ng kotse at saka bumaba.

"Gusto mo kumain?" tanong ko sa kanya. Ngumiti si James.

"Sige.. gutom na nga rin ako eh." tinahaknamin ni James ang daanpapasok sa bahay ko. Binuksan ko ang gate at nagtuloy-tuloy. Sumalubong sa akin ang kakaibang katahimikan. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Sanay na naman ako, ang tagal-tagal na ng panahon na namumuhay ako mag-isa. Sometimes, I get lonely, but when I think about Robi, and the possibility that he will come back, nawawala lahat ng lungkot ko.

Ipinasok ko ang susi sa doorknob, at ng buksan ko ang pinto, sumalubong na naman sa akin ang katahimikang iyon at ang isang malawak na kadiliman, ayoko man ay nakadama ako ng lungkot. Kinapa ng kamay ko ang switch ng ilaw, and when I turned the lights on, I heard voices saying:

"Surprise!!" muntik na akong mapasigaw sa sobrang gulat. Napahawak ako sa aking dibdib. Nadama kong tumitibok ng mabilis ang puso ko.

"What the---" I exclaimed.. pagkatapos noon ay natawa ako. Pinagala ko ang mga mata ko sa paligid. Naroon si Anton, Rika, Zach, Audrina, Ali, Rapah and of course, Robi... with Irish. Lahat sila ay may suot na party hat maliban na lang kay Robi. Si Rapah may hawak na banner na may nakasulat na: Congratulations Ian.

The girl who can't be moved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon