The girl who can't be moved. Iyon ang tawag nila sa akin. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako. Pero sa loob-loob ko alam kong bagay na bagay sa akin ang bagong pangalan ko. The girl who can't be moved. Ako talaga iyon, why? Because I never moved on. I couldn't move on. Kahit na sirang-sira na ang pangarap ko na magiging masaya kami ni Robi pagbalik niya, nandito pa rin ako, naghihintay, nagbabakasakali na baka bigla niyang ma-realize, na ako pa rin ang, "the keeper of his heart."
Like what I told James the other night, Robi was the only one who can make me cry like that. Kahit sino hindi pa ako napapa-iyak ng ganoon, iyong tipong namutla na iyong labi ko sa kakaiyak. Bakit ba kasi nagbago ang lahat? Bakit ba kasi parang kinalimutan na lang niya bigla ang pangako niya. Nagka-amnesia na ba siya? Baka naman tulad siya ni Jun Pyo na nagkaroon ng internal bleeding sa loob ng utak niya kaya bigla niyang nakalimutan ang lahat.
Kung ganoon ang sitwasyon, pwes papanindigan ko na ito. Kunwari ako na lang si Jan Di, at gagawin ko ang lahat para maalala niya lang ako. Bakit hindi? Limang taon na akong naghihitay, at ngayon na bumalik na siya, hindi ko hahayaang mawala ulit siya sa akin. Hindi ako papayag na ganoon na lang. As far as I know, fiance niya pa lang si Irish, at hindi pa sila kasal at hangga't hindi nangyayari iyon, may pagkakataon kami ni Robi.
"Ian, huy!" nag-angat ako ng tingin ng may makita akong kamay na kumakaway sa harap ko. Nakita ko si Ali na nakatayo.
"Huy ka din." tinanguan ko siya. Umupo siya sa tabi ko. "Aano ka dito?" noong araw na iyon ay nasa Revert Records kami, may recording ang Neon at dapat daw nadoon ako.
"Wala lang. Nakakalungkot eh." kumunot ang noo ko.
"Bakit ka naman nalulungkot?" I asked him. He just shrugged.
"Because we we're rooting for you and Robi. We sort of believed that if Robi comes back..." napabuntong hininga pa siya... "Alam mo na iyon... disappointing eh.." gumihit ang isang malungkot na ngiti sa mga labi ko.
"That makes the two of us." mahinang usal ko. Muli ay tumanaw ako sa labas ng malaking glass window sa harap namin ni Ali. Tirik na tirik ang araw noon, at napakaraming tao sa ibaba. Naisip ko, madami namang tao sa mundo... bakit si Robi pa ang nakalimot ng pangako? May mga taong hirap na hirap kalimutan ang pangakong binitiwan nila, pero bakit naging napakadali ng pagbitaw ni Robi sa pangakong iyon.
"Look at your right, Ian." Ali whispered. Sinunod ko iyon. Nakita ko si Robi na papalapit sa amin. He was looking at us. Bigla ay nakadama ko ng kaba. He was looking intently at me. Bakit kaya? Parang may ginawa na naman yata akong kasalanan.
"Hey, Ali." bati niya ng makalapit siya sa amin. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. "Would you mind if I talk to, Ian alone?" sumalsal ang dibdib ko. Nakadama kong ng libo-libong boltahe ng kuryente sa mismong braso ko.
"Oh sure, take your time, dude." pagkasabi noon ay tumalikod na si Ali. Pinanood ko si Ali na umalis, hanggang sa hindi ko na siya makita ay nakatingin pa rin ako sa kanya. Natatakot kasi ako na harapin si Robi.
"I hope you're not thinking of jumping again." sabi niya. Humarap ako sa kanya.
"Ano bang pakialam mo kung tatalon ako dito? Diba nilinaw mo na kagabi na wala ka ng pakialam?" naghihinanakit na sabi ko. Napabuntong hininga siya.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Ganyan ka na naman. Ginagawa mo na naman ang gusto mo, then you'll end up hurting yourself again. Hindi ka pa rin nagbabago. Sana naman maintindihan mo na wala na ako lagi sa tabi mo, para lapatan ng band aid ang mga sugat mo." napaawang ang labi ko. Bahagyang itinulak ko siya sa dibdib.
"Alam ko naman iyon eh." pigil na luhang wika ko. "And instead of helping me cure the wounds that you left me, here you are, and you're making it worse. At oo tama ka, ginagawa ko ang gusto ko, kaya nga ngayon, nasasaktan ako, dahil ginusto kong hintayin ka. Kasi naniwala ako sa'yo." napangsinghap ako upang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Adrianne..." he said my name. That made me smile for a while.
"Yes.... it's good to know that you still remember my name, Robin." huminga ako ng malalim. Bigla ay may naalala ako. Ipinasok ko ang kamay ko sa bag na dala ko. At mula roon ay inilabas ko ang isang pakete ng gummy bears at chuckie. Iniabot ko iyon sa kanya.
"You used to give me this... " nakangiting sabi ko. Kinuha iyon ni Robi. "Naalala ko lang kanina." tumingin ako sa kanya. "Sana Robi... maalala mo rin ang pangako mo. Cause I'm still waiting, even though you have Irish now. I'll wait forever, if I have to...that's how much I love you..." hindi nakakibo si Robi. At ayoko na ring hintayin ang sasabihin niya. Nakatitig lamang siya sa akin. At parang may guilt akong nakita sa mga mata niya. O baka naman guni-guni ko lang iyon. Tumalikod ako. He called me again.
"Ian..." huminto ako pero hindi ako humarap. I stood there waiting for his next move.
"I'm sory." nanlumo ako sa narinig ko mula sa kanyang mga labi. Dahang-dahan na humarap ako sa kanya.
"The fact that you are actually sorry for making me feel like this, only means that you did not forget. At kahit na nasasaktan ako, masaya pa rin ako kasi alam kong hindi mo ako nakalimutan ng ganoon na lang..."
"Ian..." I looked at him, umiling-iling ako. Ano bang nangyari sa Robi ko? Nawala na lang ba siya bigla? Bakit niya ito ginagawa sa akin? I turned away.. ayokong ipakita sa kanya ang mga luhang naguunahan na namang makakawala sa mga mata ko.
Three days pa lang siyang nandito pero wala na siyang ginawa kundi ang paiyakin ako.
Nang makarating ako sa gitna ng corridor, I stopped. Muli aay nilingon ko si Robi.
"Ano ba? Tawagin mo kaya ako ulit! Ganun sa mga movies diba? Pag tumalikod ulit yung babae, tatawagin ulit nung lalaki yung pangalan nya! Hindi mo na ba yun naaalala?!" naiiyak na tanong ko. "Hindi ka na din ba mahilig sa movies ngayon?"
"No. I don't like movies anymore... They give you false hopes." mariing sabi niya. "I suggest that you hate it too like I did." and just like that he walked away.
Robi left me alone in the middle of that abadoned corridor. I was alone, lonely and hurt. He has changed a lot... Wala na si Robi... wala na ang Super Robin Hood ko.
"Ian..." nakita ko si James na nakasandal sa dulo ng pasilyo. Nakapamulsa siya. Huminto ako at pilit na nginitian siya. Tinitigan niya ako, pagkatapos ay lumipad ang tingin niya sa likuran ko. I know that he was looking at Robi. I sighed, James stared at me again.
"You need a ride?" he asked me. Umiling ako.
"I wanna be alone." pagkasabi niyon ay nagpatuloy ako sa pagalalakad. Gusto kong mapag-isa, gusto kong mag-isip. Mag-isip ng paraan kung paano ako magiging masaya, at kung pano ko mbabawi si Robi. Determinado kasi talaga ako na maibalik ang dati sa aming dalawa. Dahil hindi ko makita ang sarili ko na hindi siya ang kasama hanggang sa pagtanda.
Nang malalabas ako sa building ng Revert Records, tumayo ako sa may terminal ng bus na malapit lang doon. Gusto kong mag-isip, kaya sasakay ako ng bus... sana lang luminaw na sa utak ko ang mga kailangan kong gawin. May humintong bus sa harap ko, nang magbukas ang pinto niyon ay mabilis na sumakay ako. I looked for a seat, then I counted, I smiled when I realized that the seventh seat was not occupied. Tinungo ko iyon at umupo malapit sa may bintana. Nang maka-ayos na ako ay napatingin ako sa harap ng inuupuan ko. Napanganga ako. Tila ba nananadya ang tadhana.
"Oh, ikaw na naman? Magsusulat ka na naman sa likod ng mga upuan." parang nangt-aasar na sabi sa akin ng konduktor. "Dagdagan mo ng sampung piso ang bayad mo ah." ngumiti na lamang ako at nagbigay ng bayad sa kanya. Muli ay tinitigan ko ang nakasulat sa likod ng upuan na iyon. Stick figure namin ni Robi... madalas kasi kaming sumakay sa bus na ito noon. When we were still in high school, we used to wait for this bus every morning, then we'll seat together, and we'll talk and talk until we reached the school. Favorite spot namin iting seat number seven. Napangiti ako.
I wish I could put the old Robi in a box.. para kapag namimiss ko siya, tulad ngayon, pwede ko siyang palabasin, tapos, papasayahin niya ako tulad pa rin ng dati. I took out my pentel pen... Yumuko ako ng kaunti at saka idiniin ang marker sa likod ng upuan. Sa ilalim ng mga stick figures, I wrote our names.... Super Ian and Robin Hood. Pagkatapos niyon ay pinakatitigan ko ang stick figures sa harap ko... sana stick fugure na lang talaga kami para lagi kaming magkasama.. parang si Ian at si Robi na naka-drawing sa likdo ng upuan na iyon.
Nagpalinga-linga ako... wala naman palang masyadong tao. Tumayo ako at lumipat sa ibang upuan. Muli ay idinikit ko ag marker, muli ay nagsulat ako- I wish I could freeze time and be with him forever... Sa dulo noon ay nagsulat pa ako ng sad face.
"Ayan ka na naman. Di ka pa nasiyahan, nagsulat ka pa diyan sa ibang upuan pa." napapapalatak na sabi ng konduktor.
"Ayaw ninyo noon? Nilalagyan ko lang ng art itong bus ninyo. Luma na kasi." pabirong sabi ko. Napailing na lamang ang konduktor. "Saka, bayad naman ito ah laging may dagdag na ten pesos ang bayad ko." ngumuso ako saka muling bumaliksa inuupuan ko kanina, tumanaw ako sa malayo. Nang huminto ang bus ay una akong tumayo at lumabas, bago tuluyang makababa, narinig ko ang isang pasahero...
"Di ba siya iyong bagong drummer ng Neon? The girl who can't be moved. Siya iyon..." napabuntong hininga ako. Kailangan ba talaga na pati ibang tao, ipapamukha sa akin na hindi ako maka-move on? Na naghihintay ako sa wala? Damn...
__________
It was another nonesense day. Bakit nonesense? Wala na namang nangyari sa plano ko na ipaalala kay Robi ang mga bagay-bagay na ginagawa namin dati. He seemed to be really avoiding me. At naiinis na ako. Bale-wala na ba talaga ako? Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ako dapat sumuko.
"Robi, wala pa ba si Irish?" narinig kong tanong ni Zach. It was Sunday and Audrina prepared dinner for everyone. Naroon kaming lahat sa bahay nila ni Zach. Nagulat nga ako kanina ng dumating si Robi ng mag-isa, pero naisip ko, na mas okay na iyon kaysa naman makita ko siyang kasama si Irish. Sigurado ako, dudugo na naman ang puso ko kung sakaling mangyari na naman iyon.
Sa nakalipas na isang buwang pagsama ko sa Neon, hindi nawawala si Robi sa mga gigs, at dahil nandoon siya, naroon rin si Irish... at mukhang lagi silang masaya. Ilang beses ko ng nakakausap si Irish, at mabait naman siya, kaya nga lang, ayoko sa kanya dahil inagaw niya sa akin ang pagmamahal ng Robi ko.
"Maybe she was stuck in traffic. Alam mo naman dito sa Pinas, ma-traffic talaga." tumingin ako sa kanya. I could see fondness in his eyes. For a while I thought that maybe, Robi was really in love with her, sabagay, hindi naman niya alukin ng kasal si Irish kung hindi niya talaga ito mahal diba? Parang hindi na naman ako makahinga. Lumabas ako at tinungo ko ang garden nila Zach, sa gitna niyon ay may swing. Tinungo ko iyon at naupo... Panaka-naka ay inuugoy ko ang swing... kahit paano ay nalilibang naman ako.
"Ian... nag-e-emo ka?" pukaw ni James sa akin. Umupo siya sa swing sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya.
"Alam mo ba? May swing scene din si Jun Pyo at si Jan Di." biglang sabi ko.
"Si Jun Pyo ba si Robi?" nakangiting tumango ako.
"Oo, pero mas gwapo si Jun Pyo." natawa ako. "Ikaw ang kamukha noon eh." narinig kong huminga ng malalim si James.
"Sorry..." nakangiwing sabi niya.
"Ha? F-for what?" nagtatakang tanong ko.
"F-for not being able to protect you from the one thing that is hurting you." nakadama ako ng lungkot. Inabot ko ang kamay ni James.
"You don't have to do that anymore, James. I can take care of myself. I'm a grown up now." pinisil ko ang kamay niya.
"Kahit na...." parang may nais pa siyang sabihin pero hindi na niya tinuloy. Napapailing na tumayo siya at saka tumalikod. Nagtataka man ay hinayaan ko na lamang siyang umalis. Kahit pa nga gusto ko pa siyang makausap ay hindi ko na siya tinawag pang muli. Huminga ako ng malalim at saka tumingala, sa isip ko ay nagbibilang ako ng mga bituin, katulad ng lagi naming ginagawa noon ni Robi. Sa gilid ng mga mata ko ay may napansin akong umupo sa tabi ko. Natawa ako, hindi rin pala nakatiis si James, bumalik din siya.
"Robi and I used to count the stars... kapag hindi siya makatulog, iistorbuhin niya talaga ako. Binabato niya iyong bintana ko tapos papababain niya ako para samahan siyang umupo doon sa may pavement para magbilang ng mga bituin..." I sighed. I missed Robi so much.
"Yeah... I remember that too." kinulabutan ko ng makilala ko ang tinig na iyon. Dahan-dahang nilingon ko ang tao sa tabing swing. My mouth fell open when I saw Robi staring at me. I saw him smile.
"Kwentuhan mo pa ako. What else do you remember..." parang batang tanong niya. Sumisikip ang dibdib ko sa sobrang kaligayahan.
"Ow, wait, I have one. I used to carry band aids all the time.. para kapag nasugatan ka, may pantatapal agad ako... matigas kasi ang ulo mo. Sabagay hanggang ngayon naman."
"You still remember that huh?" tanong ko. Ano bang nangyayari? Bakit parang nakikita ko ulit iyong Robi dati? I stared at him.
"I remember you falling from that tree, ang tigas kasi ng ulo mo noon. Pilit mong ginagawa iyong swing, hindi mo naman kaya, ayon nalaglag ka." natawa ako, napaluha. Habang siya, natigilan. "Are you crying?" he asked.
"Yes..." pag-aamin ko. Agad na pinahid ko ang luha ko.
"I'm so sorry, Ian." napangiwi ako. Ayan na naman, nag-so-sorry na naman siya.
"Bakit ka pa nag-so-sorry?" napapahikbing sabi ko. "I don't like it when you apologize." hindi siya sumagot. Sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Pwede naman tayong maging friends, tulad ng dati..." natulala ako. Is that it? Five years of waiting in vain. Five years of living in misery and all he could offer me was friendship? Ano 'to? Lokohan? Binawi ko ang kamay ko. Tumayo ako.
"I'm sorry, Robi. But I don't wanna be your friend. Marami na akong kaibigan at hindi ko kailangan ng isa pa. At saka, masyado kitang mahal para maging kaibigan mo lang." hindi ko na siya hinintay magsalita, umalis ako. Tumakbo papalayo. Muli ay nasaktan na naman ako. Hanggang dito na lang ba talaga kami? Pero hindi ako naniniwala na ganoon na lamang kadali para sa kanya ang kalimutan ako. Ang hirap... paano ko ba ipapamukha kay Robi na ako ang kailangan niya... na ako pa rin ang mahal niya...
BINABASA MO ANG
The girl who can't be moved (COMPLETED)
Teen FictionIan and Robi had an "aso at pusa" relationship. They fight almost ten times a day. But things started to change when Robi saw how his other friend --James -- treated Ian. He couldn't accept that so one night, he told Ian that he loved her --- but th...