PROLOGUE

92 10 3
                                    

VON (REMEMBER US)
WRITTEN BY: BABZ07AZIOLE
GENRE: MYSTERY/THRILLER/TEEN FICTION/ SLICE OF LIFE

P R O L O G U E

PATULOY ang paggapang niya sa malamig na baldusa habang tigmak na ng mapupulang dugo ang kanyang bibig. Hirap na siya gumalaw dahil halos bali-bali na ang mga buto niya sa katawan, ang kanyang hininga'y unti-unti na rin kinakapos. Nanlaki ang mga mata niya nang maaninag ang tatlong anino sa kanyang harapan, dahan-dahan niyang itinahiya ang katawan para harapin ang mga may-ari ng mga anino.

"P-para niyo ng awa p-patahimikin n'yo na ako," anas niya.

Nakakakilabot na ngisi lang ang pumunit sa mga labi ng mga ito bilang tugon, pagkuwa'y lumawak ang ngiti ng mga ito hanggang sa napuno ang apat na sulok ng silid na iyon ng malalakas na halakhak na tila ba nanggaling sa ilalim ng hukay.

"Naawa ka ba noong pinagpapatay mo kami? Hindi 'di ba? P'wes ipaparamdam namin sa iyo kung gaano kasakit ang ginawa mo. Kung paano mo kami inalisan ng kalayaang mabuhay!"

Sa isang iglap ay biglang dumilim ang kanyang paningin, kahit hirap ay pilit niyang inabot ang mukha, halos magsisigaw siya nang tuluyang mapagtanto na wala na siyang mga mata. Ramdam niya ang paglandas ng masaganang dugo sa magkabila niyang pisngi.

"Madilim 'di ba? Masakit, nakakabaliw?" Puno ng pagkasuklam na bigkas ng babaeng boses.

"Tama na, nagsisisi na ako!" hiyaw niya.

Mahabang katahimikan ang namayani. Napalunok siya ng laway sa kaba, nakikiramdam, mayamaya kahit hinang-hina ay ipinagpatuloy na niya ang muling paggapang.

Halos mapugto ang hininga niya nang maramdaman ang isang malamig na bagay na biglang tumusok sa kaliwang bahagi ng likuran niya, alam niyang dumiretso iyon sa kanyang puso. Unti-unti syang napayukyok sa kinasasadlakang malamig na lapag.

"Ramdam mo ba ang sakit kung paano mo pinatigil ang tumitibok naming puso...?" sabi naman ng isa pang boses-lalaki. Alam niyang nakatunghay ito sa kanya, ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha. Isang matinis na halakhak ang pumailanlang.

Ramdam na niya ang katapusan, sa huling hugot niya ng hininga muli siyang dinala sa nakaraan bago tuluyang gumulong ang napugot niyang ulo sa lawa ng mapupula niyang dugo...

Pakiramdam na pati ang utak mo'y lumilipad sa kawalan,
Sumasagitsit ang kirot,
Hanggang sa panawan ka na ng ulirat.

Mga kataga na babalong sa pait ng isang katotohanan.
Patungkol sa mapagmanipulang kamay.

Ang siyang dadangwit sa kanya
Sa kamatayan na siya mismo ang nagtakda.

Lalasapin ang ganti ng mga tauhang walang-awa niyang pinatay...

VIDEO TRAILER:

VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon