0.10 H E L T E R S K E L T E R

18 4 4
                                    

0.10
H E L T E R  S K E L T E R

NAPAKISLOT si Shan nang biglang tumikhim si Detective Shibazaki.

"Maari ko na ba siyang makaharap, miss?" agaw nito sa pansin niya.

"Ahh... hmmmm... p-pasensiya kana Detective Shibazaki. Unfortunately Mr. Nabeshin is still unconscious," paliwanag ni Shan sa kaharap. “Maari mo namang ipasabi sa akin kung ano ang pag-uusapan nyo sakali ni Sir Nabeshin. Actually secretary niya ako."

Matagal itong tumitig sa kanya, tila may pag-aatubili pa sa mukha nito. Kung ipagtitiwala ba nito ang lahat.

"Don't worry since highschool ay magkaibigan na kami ni Nabeshin. Lahat ng aktibades niya'y alam ko at ipinagkakatiwala niya sa akin."

Saglit pa siyang tinitigan nito, mayamaya'y may iniabot itong sobre. Agad iyong tinanggap ni Shan. Nagpaalam na si Shibazaki pagkatapos siyang sabihan na ibigay agad at ipabasa ang nilalaman ng sobre kay Nabeshin oras na magising ito dahil napakaimporte niyon.

Pinakatitigan ni Shan ang sobreng hawak. Sa hindi malamang kadahilanan ay binuksan niya iyon. Bagamat para lamang kay Nabeshin iyon ay mas mabuting malaman niya muna ito bago ibigay sa binata. Baka lalong makasama sa kalagayan nito ang nilalaman ng sobre.

Agad niyang binuklat ang liham na may kalakip na mga larawan saka iyon pinasadahan ng tingin. Nanlaki ang mga mata ni Shan sa nabasa. Nakatutok ang buong pansin niya sa hawak kaya hindi niya namalayan ang pagmulat ng mga mata ni Nabeshin.

"Five..." Nanghihinang agaw ni Nabeshin sa pansin niya.
Gulat na napatingin si Shan sa nakahigang binata. Pasimple niyang isinilid sa kanyang shoulder bag ang sobre saka pilit ang ngiti na humarap dito.

"G-gising ka na pala, Nine."

"Nasaan ako?" tanong nito na matamang inilibot sa paligid ang paningin. Agad na lumapit si Shan sa binata.

"Narito ka sa hospital, Nine, halos dalawang araw kang tulog," paliwanag niya, inalalayan niya itong bumangon saka sinalansan ang mga unan sa likod nito para maayos itong makaupo. Pinagmasdan lamang niya ito habang isinusuot nito ang salamin sa mata.

"Five, nakita ko si Toji sa launch ng ZNT..." Walang ano-anong pag-amin ni Nabeshin na labis niyang ikinabigla. Maang lang siyang napatingin dito, walang imik at walang maisip na gawin o sabihin. "Kailangan siguro, Five, ay puntahan ko si Twelve. Ilang taon na rin nang huli ko siyang mapuntahan."

"I-Ikaw ang bahala, Nine," nag-aalangan niyang sabi. Halata sa tinig ni Nabeshin ang kalungkutan kaya wala siyang lakas ng loob na sawatahin ito.

"Kapag okay ka na pupuntahan natin si Toji."

"Ang gusto ko sana ay ngayon na natin puntahan si Twelve, Shan," pakiusap ni Nabeshin, may urgency pa siyang nahimigan sa tinig nito.

Bigla siyang kinabahan sa naisip, hindi kaya ay malapit na ang oras nito?

Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya dahil sa isiping iyon. Nais na niyang maiyak sa harapan nito ngunit pinigilan niya, ayaw na ayaw ni Nabeshin na kinakaawan ito.

"S-Sige, pupuntahan natin si Toji ngayon, sandali lang at kakausapin ko ang Doctor mo," paalam ni Shan, sinuklian naman siya ng binata ng napakagandang ngiti.

Imbis na makagaan ay lalong bumigat ang pakiramdam ng dalaga. Matapos siyang makalabas sa pintuan at maisara iyon ay minabuti na muna niyang isandig ang likuran sa pinto. Tuloy-tuloy na naglandas sa kanyang mga pisngi ang masaganang luha. Hanggang sa tuluyan na siyang napahagulhol. Agad niyang tinakpan ang bibig upang hindi mapabulalas ng iyak.

VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon