0.2
C A L L & R E S P O N S ENAGMADALING lumabas ng silid niya si Nabeshin pero hindi sinasadyang nahagip ng paningin ang lumang bag na nasa gilid ng kama. Habang tumatagal ay lalo niyang hindi mapigilan ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, tila ba may hindi-nakikitang puwersa na ibinabalik siya sa nakaraan na nais na sana niyang maisarado, pero paano ba niya gagawin iyon kung ang lahat ng tungkol dito ay may kaugnayan ng paggising niya araw-araw.
Nakaramdam siya ng kakaiba sa paligid... naisara niyang bigla ang pinto nang makarinig ng pamilyar na tinig. Bigla ang pamamawis ng noo niya, pakiramdam niya ay sinasakal siya. Nanlalaki ang mga mata na unti-unti siyang bumaling sa gilid niya.
"Sir, naghihintay na po ang sasakyan sa ibaba," sabi na naman ng tinig. Ang sekretarya lang pala niya, nakakunot-noo pa ito habang nakatingin sa kaniya.
Ibinaling niya sa ibang direksyon ang mga mata at ginawang seryoso ang ekspersyon sa mukha. Nakahinga siya ng maluwag nang mapagtantong guni-guni lang ang nahimigan niyang tinig dito kanina."S-sige," maiksi niyang sagot habang inaalis ang pagkakasuksok ng susi sa seradura ng pinto ng kanyang inookupang silid.
Sinundan niya pababa ng hotel ang sekretarya niya, napansin niyang maya't maya ang paglingon sa kanya ng sekretarya niya kaya naman maang na napatingin siya rito. Hanggang sa tuluyan itong huminto kaya natigilan din si Nabeshin. Dahan-dahan itong humarap sa kaniya at kitang-kita niya ang pagguhit ng isang pamilyar na ngiti sa labi nito. Ang ngiting nagbibigay ng kakaibang lukso sa puso niya sa tuwina... kapag nasisilayan niya ito sa personal man o sa panaginip.
Ang mata nitong laging sumusuyod sa kanyang pinakatatagong pagkatao.
Ang labi nitong inasam niyang mahalikan noon...Mga labing inaagusan na ngayon ng masaganang dugo!
"Von..." mahinang anas niya ngunit hindi niya mawari kung nanulas ba sa bibig niya o sa isip lamang ang nabigkas na pangalan.
Sa isang kisap-mata, nagdilim ang paligid... at ang aparisyon na iyon ang huli niyang nakita bago siya tuluyang lamunin ng dilim.
...
"TWELVE, ilang linggo nang hindi nagpupunta rito si Von. Wala ba siyang balak magreport?" tanong ni Nabeshin kay Toji na nag-aayos ng kung ano sa motor nito.
Natigilan naman ang kaibigan sa ginagawa saka tumingin sa kanya, kumikislap ang mga mata nitong punong-puno ng kasiyahan.
"Bakit namimiss mo ba siya, Nine?" Walang ano-anong tanong nito sa kanya. Tumayo na ito at agad na naghugas ng mga kamay sa lababo.
Lalong naningkit ang mga mata niya sa sinabi ni Toji. Pinagsalikop niya ang kamay habang pinagmamasdan ito, "Gusto ko lang makasiguro na seryoso at may isa siyang salita. B-but it seems sa ginagawa niya pinapatunayan niya lang na hindi siya karapat-dapat."
Marahan na naglakad si Toji, tila hindi alintana ang pagkainis ni Nabeshin. Kumuha ito ng tuyong bimpo sa isang drawer para punasan ang basang kamay pagkuwa'y kinuha mula sa bulsa ang cellphone.
"Ikaw naman, Nine, masyado kang advance mag-isip. Sandali at tatawagan ko." Pagkasabi niyon agad na tumalikod si Toji.
Nagbalik naman sa mesa niya si Nabeshin. Nasa ikalawang episode na sila sa ginagawa nilang anime, hindi niya matapos-tapos iyon dahil hinihintay niya ang script ni Von. ZNT ang pamagat ng palabas na ginagawa nila at si Von ang ginawa nilang script writer. Aminin man o hindi ni Nabeshin, maganda ang mga ideas ng dalagita sa bawat scene sa unang episode na natapos nila. Kahit paano ay tama naman pala si Toji. Malaki ang maiaambag ni Von sa ila-launche nila kung sakali. Maybe by the end of the year 2009 or 2010 ay tuluyan na nila itong ire-release. Tatlo o apat na taon ang kakailanganin bago matapos iyon ng tuluyan.Hindi problema sa kanilang dalawa ni Toji ang pera para i-launch ang proyekto dahil bukod sa may pera sila pang-produce noon independently, investor at executive producers din sila ni Toji sa ilan sa mga pinapalabas na anime sa Japan. Iyon nga lang ay kailangan nilang maging maingat at maging anonymous dahil wala pa sila sa tamang edad. Ang kumpanya nilang Spinx ang ginawa nilang front para makapag-produce at makapag-invest. Dahil kumpleto naman sa dokumento at pera, nagawa nilang mag-operate ng hindi nakakaakit ng gaanong pansin mula sa iba, dagdag pa ang mataas nilang IQ at likas na pagiging tuso kaya nalulusutan nila ang mga problemang kinaharap nila. Ang totoo niyan, kahit hindi na sila pumasok ay kayang kaya na nilang pumasa sa high school. Pumapasok lang sila para magkaroon sila ng record sa school at maka-graduate.
Inililipat na ni Nabeshin ang na-encode niya ng nagdaang gabi nang biglang lumapit si Toji.
"Aalis na muna ako Nine, may bibilhin lang ako," paalam nito.
"Sige," maiksi niyang sagot dito.
Ilang segundong nanatili si Toji sa may tabi niya bago bumuntong hininga at umalis na. Nasa mga mata ng kaibigan ang labis na pag-aalala kay Nabeshin.
Ilang sandali pa ang lumipas natigilan si Nabeshin sa ginagawa. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi sa tinitimping sigaw hanggang sa magsugat at dumugo iyon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, kasabay ng pagkapa niya sa ilalim ng drawer niya. Mabilis niyang kinuha ang isang botelya na naroon, nanginginig pa ang mga kamay niya habang binubuksan iyon. Tatlong tableta ang mabilis niyang nilunok. Halos iumpog na niya ang ulo sa labis na kirot, may naririnig pa siyang nakabibinging tunog na lalong nagpapasakit sa kanyang ulo.Mabibilis at malalalim na paghugot ng hinga ang ginawa ni Nabeshin habang mahigpit niyang ikinuyom ang kamao. Sa isang iglap, marahas niyang ibinato ang mga botelya ng gamot na iniinom niya mula pa pagkabata.
Galit
Panibugho
Pagkaawa sa sarili
Tatlong emosyon na umaalipin sa kanya kapag inaatake siya ng sakit.
Nang bumuti-buti na ang pakiramdam niya, muli niyang itinutok sa monitor ng computer ang pansin niya. Isang hidden program ang binuksan niya, gamit niya iyon sa tuwing nangha-hack siya. Nakailang swipe at tipa siya sa keyboard at mouse bago tuluyan niyang mapasok ang account ng hinahanap niya. Mabilis niyang binasa ang lahat ng mga past activity ni Toji, mapa-social media man o sa text at tawag. Maski ang map nito sa cell phone nitong dala-dala ay hindi niya pinalampas.
Nagtagis ang bagang niya sa mga nakita, nabasa at narinig...
Hindi niya aakalain na maglilihim ito sa kanya, na tuluyan siyang babalewalain nito. Unti-unti na itong nagbabago.
Mang-iiwan din ito...
BINABASA MO ANG
VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETED
ФанфикVON(REMEMBER US) BABZ07AZIOLE FANFIC/MYSTERY/THRILLER Pakiramdam na pati ang utak mo'y lumilipad sa kawalan, Sumasagitsit ang kirot, Hanggang sa panawan ka na ng ulirat. Mga kataga na babalong sa pait ng isang katotohanan. Patungkol sa mapagmanip...