0.6
R E A D Y o r N O T
NAKAUPO sa harap ng malaking salamin si Nabeshin habang inaayusan ng makeup artist ng kumpaniya nila. Hindi niya mawari kung bakit kailangan pang pagdaanan niya ang ganito. Maayos naman na ang itsura niya pero hinayaan na lang niya, ang sabi kasi ni Shan ay kailangan iyon para hindi siya magmukhang bangkay sa rehistro ng camera at telebisyon. Pinasadaan pa niya ulit ang mukha sa salamin pagkatapos ay tuluyan na niyang pinaalis ang nag-ayos sa kanya. Dahan-dahan ang ginawa niyang pagsuklay sa buhok gamit ang mga daliri hanggang sa maagaw ng kanyang pansin ang pilat niya sa noo, marahan niyang pinaglandas ang daliri roon. Nagragasa sa balintataw niya ang nakaraan, ang pilat na iyon ang nagsisilbing alaala or remembrance niya sa pangyayaring naging dahilan para ulitin nila ang project nila na ZNT.
"Ready ka na, Nine?" tanong ni Shan sa kanya. Tahimik na tiningnan ni Nabeshin ang nagsalita mula sa salamin, kahit kinakabahan ay tumango siya.
Hindi kababakasan ng kung ano man ang mukha at postura ni Nabeshin. Ngunit kahit anong tago niya ay alam niyang basang-basa siya ni Shan.Naglalakad na sila papuntang backstage kasama ang ilan sa mga staff nila sa project, sinadya nilang magpahuli na dalawa. Mayamaya'y naramdaman na lang ni Nabeshin ang palad ni Shan sa kanyang kamay.
"Don't worry, Nabeshin, everything is going to be fine. Tiyak na magugustuhan nila ang ZNT, I told you, you have nothing to worry about..." pagpapalakas ng loob ni Shan sa kanya.
Sa mga sandaling iyon ay tuluyang naibsan ang kabang patuloy na bumabagabag sa kaloob-looban niya, napatitig siya sa mga mata ni Shan at nabigla siya dahil unti-unti iyong nagbago at tuluyang naging itim. Nakagat ni Nabeshin ang labi at tila natulos siya sa kinatatayuan, kitang-kita niya ang pag-agos ng dugo mula sa itim nitong mga mata. Maski ang labi nito'y tigmak na rin ng mapulang dugo.
"Von..." anas niya, mababakasan sa tinig ang labis na kalungkutan.
Naramdamam niya ang pagsapo ng palad ni Shan sa kanyang mukha, "Ako 'to, Nabeshin... si Shan!" Mapait na sabi ng dalaga.
Bigla naman nahimasmasan si Nabeshin, mabilis na ibinaling ang mukha sa ibang direksyon. Hindi nakaligtas sa paningin niya na makahulugang nagtitinginan ang mga staff nila."Mauna na kayo sa backstage. Mag-uusap lang kami ni Sir Nabeshin," utos ni Shan sa kanila.
Agad na tumalima ang mga tauhan nila at nang makaalis ang lahat ay agad na binalingan ng dalaga si Nabeshin na matamang nakapikit habang sapu-sapo ang ulo. Alam ng dalaga na inaatake na naman ang binata ng pagsakit ng ulo. Agad na kumilos si Shan, hinanap ang botelya ng gamot ni Nabeshin mula sa bag na dala-dala, nang matagpuan ay ito na mismo ang nagbukas at kumuha ng isang pirasong pill saka ibinigay sa kanya. Nanginginig ang kamay na inabot naman iyon ni Nabeshin.Inalalayan siyang maupo ni Shan sa isang gilid, binigyan siya ito ng mineral water pagkatapos ay hinayaan muna siyang kumalma na mag-isa. Ipinagpapasalamat ni Nabeshin ang pananamihik ng dalaga sa tabi niya, alam niyang ramdam nito ang bigat ng pinagdadaanan niya.
"N-nakita mo na naman ba siya, Nine?" mayamaya ay tanong ni Shan sa kanya.
Kitang-kita ng dalaga ang problemadong mukha ni Nabeshin. Sa ilang taon nilang magkakilala batid ni Shan na ito ang unang beses na hindi niya itinago ang nararamdaman.
"Oo Shan, lagi..." Tila may bikig sa lalamunan na sagot niya.
Napabuntong-hininga naman si Shan lalo nang makita nito ang tahimik na pagluha ni Nabeshin. Marahan na lang na idinantay ni Shan ang palad sa likod ng binata. Mayamaya ay hindi na napigilan ni Nabeshin ang sarili, niyakap niya ng buong higpit si Shan. Sa mga sandaling iyon ay ramdam ng dalaga na kailangan niya ito kaya naman agad na iniyakap ni Shan ang mga kamay sa katawan ni Nabeshin.
BINABASA MO ANG
VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETED
FanficVON(REMEMBER US) BABZ07AZIOLE FANFIC/MYSTERY/THRILLER Pakiramdam na pati ang utak mo'y lumilipad sa kawalan, Sumasagitsit ang kirot, Hanggang sa panawan ka na ng ulirat. Mga kataga na babalong sa pait ng isang katotohanan. Patungkol sa mapagmanip...