0.9 H I G H S & L O W S

18 3 0
                                    

0.9

H I G H S & L O W S

"That's right, I'm not human. I am just one of many pawns."

NASA mga mata ni Shan ang kalungkutan habang nakatitig sa mukha ni Nabeshin. Nasa ospital sila nang mga panahon na iyon. Pang-ilang beses na itong inaatake ng sakit nito, tila lumulubha pa lalo ang kalusugan nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan pa ang itatagal ng binata, ang alam lang niya ay hindi na ito maaring atakehin muli. Marami pa itong dapat asikasuhin, lalo at nag-uumpisa pa lang ang ZNT.

Marahan siyang napabuntong-hininga, naglakad siya papunta sa bintana kung saan tanaw niya sa ibaba ang kalapit lamang na eskuwelehan. Kitang-kita ni Shan ang mga naglalarong mga kabataan sa gitna ng soccer field, isang maiksing tagpo ang dumaan sa kanyang gunita.

Halos ganito rin ang panahon noon, katamtaman lamang ang init na hatid ng panahon sa tag-araw. Kumislap ang mga mata ni Shan ng maalala niya ang masiglang ngiti ni Nabeshin noon. Isa sa masasayang tagpo na kasama niya ang mga ito.

Natigil sa paggunita si Shan nang makarinig siya ng marahang katok mula sa pintuan ng silid na kinaroonan nila ni Nabeshin.

Nagtaka siya dahil wala silang inaasahang bisita, sinabi niya sa kanilang crew na kailangan magpahinga ng kanilang boss at naintindihan naman iyon ng mga ito. Gayunpaman ay minabuti ni Shan na pagbuksan ng pinto ang kumakatok at baka nurse iyon.
Hindi pamilyar sa kanya ang lalaking nabungaran sa labas ng silid. Sa tantya niya ay higit kwarenta anyos na ito. Isang tipid na ngiti ang ipinagkit niya sa mga labi habang pinag-aaralan ni Shan ng mabuti ang kaharap.

"Magandang umaga, maari ko bang makausap si Mr. Nabeshin?" Walang gatol nitong tanong sa kaniya.

"Sino sila?" Balik-tanong naman ni Shan. Napasulyap siyang sumandali sa walang malay na si Nabeshin mula sa kinahihigaan nito bago muling tinitigan ang kaharap.

"Ako si Detective Kenjiro Shibazaki," pagpapakilala nito sa sarili na naglabas pa ng badge at ID bilang patunay.

Agad ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ni Shan. Muli niyang tinapunan ng tingin si Nabeshin. Bukod sa hindi pa naman nagkakamalay ang binata ay hindi ito maaaring ma-stress. Hindi malaman ni Shan ang gagawin at iisipin.

"Importante ang sadya ko, miss, may ilang katanungan lamang ako tungkol kay... Mr. Toji Hisami..." patuloy pa ng mas matandang lalaki na naglabas pa ng maliit na notebook at may binasa roon na kung ano.
Biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Shan, ilang beses siyang napalunok ng laway biglang namawis ang mga palad niya sa mga oras na iyon...

...

"Tara na, Nine ilang araw ka ng nagkukulong dito sa silid mo. Halika sa labas maglaro tayo ng soccer!" aya ni Toji sa kaibigan habang pinalipat-lipat sa dalawang kamay ang bola.

Hindi siya pinansin ni Nabeshin. Wala itong kagalaw-galaw mula sa pagkakaupo malapit sa bintana at nakatanaw mula roon.

"Wala akong ganang makipaglaro." Mayamaya ay tugon ni Nabeshin.

Napakamot na lang sa ulo si Toji habang iiling-iling na nakatingin sa kaibigan.

"Halika na, Nine, naghihintay sina Von sa labas. Papaturo raw siya sa iyo na maglaro ng soccer."

Nakangiting pang-eengganyo niya sa kaibigan.

Napansin niya ang pagkislap ng mga mata ni Nabeshin, kumurba rin sa mga labi nito ang isang ngiti. Nakaramdam si Toji ng kalungkutan pero agad niyang pinalis iyon sa dibdib. Nang magsimulang maglakad paalis si Nabeshin ay agad na siyang sumunod.

VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon