0.8 M Y F A I R L A D Y

14 3 2
                                    

0.8
M Y F A I R L A D Y

"AYOS ka lang Nabeshin?" tanong ni Shan kasabay ng paghawak niya sa balikat ng binata dahilan para mapapiksi itong bigla.

Kitang-kita ni Shan ang panlalaki at pamumuo ng luha sa magkabilang mata ni Nabeshin habang nakatitig sa kanya, tila wala ito sa sarili ng mga sandaling iyon.

"Nine?!" Nag-aalalang ulit ni Shan sa code name ng binata. Agad niyang idinampi at inihaplos sa pisngi ni Nabeshin ang palad niya. Bigla namang napakurap ito, tila doon lamang siya nito nakilala. Marahan na hinawakan ni Nabeshin ang kamay niya kasabay ng mabilis na paghila saka siya niyakap ng mahigpit.

"Five... Five..." Paulit-ulit na sabi ni Nabeshin sa kanya habang nakasubsob sa balikat nya, ramdam ni Shan ang mabigat na damdamin na lumukob dito.

Maski siya'y naiiyak na rin, habang tumatagal ay lalo itong nahihirapan. Kung maari ay ayaw niyang maging mahina para sa binata. Kailangan niyang maging matatag sa harapan nito.

"Tama na, Nabeshin, n-nandito lamang ako. Sasamahan kita, hindi kita iiwan," pangako ni Shan sa binata.

Mayamaya'y nagulantang si Shan nang makita niyang bigla itong napaluhod kasabay ng pagsapo ng dalawa nitong kamay sa ulo nito.

"Aahhh!!!" Malakas nitong bulalas.

"Nabeshin!" Tarantang sabi ni Shan na agad dinaluhan ang binata. Agad niyang tinawag ang ilan sa mga staff na nasa stage ngunit hindi pa nakakalapit ang mga ito ay bigla na lamang napahandusay sa lapag si Nabeshin, walang malay.

Kinakabahan man ay hindi siya maaring mataranta, kailangan siya ni Nabeshin.

Mabilis na binuhat ng mga staff si Nabeshin palabas ng area, pasunod na sana si Shan kay Nabeshin nang makaramdaman siya ng kakaiba sa paligid, tila may nakatingin sa kanya. Mabilis ang ginawa niyang pagbaling, nakita niyang nakatayo si Toji mula sa kaniyang likuran. Nasa mga mata nito ang kalungkutan.

"T-Twelve?" gulat na sabi ni Shan.

"Shan..." malungkot na banggit ni Toji sa pangalan niya.

"B-bakit ka narito, h-hindi ba't..." nauutal na tanong ni Shan, ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay agad na sumabat ang binata.

"Nais ko lamang makita kung gaano katagumpay ang ZNT at para batiin na rin si Nine."

Nakangiti nitong pag-amin.
Kitang-kita ni Shan ang napakagandang ngiti ni Toji, ngiting kasing init ng araw.

Mapait na lang na napangiti ang dalaga saka tumalikod kay Toji.

Hindi na siya nag-abalang lumingon sa binata, hindi niya kayang ikubli ang pagsisisi na nararamdaman sa tuwing makikita niya ito...

...

NAKASAKAY sina Toji at Von sa minamanehong motor ng binata, gamay na gamay nito ang kalsada. Kahit maraming sasakiyan ay makakaya nitong magpatakbo ng mas mabilis at lagpasan ang mga nakaharang na sasakiyan sa unahan. Bukod sa pagkakaroon ng Synesthesia ay magaling din ito sa memorization kaya lahat ng kalye sa Tokyo ay halos memoryado nito. Dahan-dahan nitong inihinto ang motor ngunit patuloy pa rin ang pagbirit ni Toji sa clutch habang nakatitig sa traffic lights na nasa bandang harapan nila. Kulay pula ang kulay ng ilaw nito, nag-umpisang kumurba sa labi ni Toji ang ngisi.

"Lisa, kapit ka lang sa akin ng mahigpit!" malakas na bilin ni Toji sa kasama. Agad naman iyon sinunod ni Von, tila alam na nito ang susunod na mangyayari.

1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9... 10.

Kasabay niyon ang pagpapalit ng kulay sa traffic sa green light.

VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon