0.5
H I D E & S E E KPATULOY lamang na binabagtas ng kinalulunang kotse nina Nabeshin at Shan ang mataong pook ng Tokyo. Maganda ang sikat ng araw ng mga panahon na iyon, katulad na katulad ito ng mga panahon na nagbalik si Shan sa bansang Japan may sampung taon na rin ang nakararaan.
"Naalala mo pa ba iyong unang araw na nagkakilala tayo, Nine?" Mayamaya ay naitanong ni Shan sa katabi, dahilan upang mapadako ang tingin nito sa kanya. Nanatili namang nakatutok ang pansin ni Shan sa labas ng kotse. Kitang-kita niya mula sa malayo ang pag-andar ng pulang tren.
...
"NABESHIN hindi naman siguro kalabisan na dito muna si Lisa," biglang nasabi ni Toji.
Agad napatingin si Nabeshin sa nagsalita, naglalaro sila ng chess ng mga sandaling iyon. May bahid ng ngiti sa labi nito. Kumibot-dili ang labi niya, may nais siyang sabihin kay Toji pero nanatili na lang siyang tahimik
"Naiintindihan mo naman ang sitwasyon ni Von ‘di ba, Nine?" patuloy pa nito."Pero Toji, hindi natin siya mapagkakatiwalaan. Ang gusto ko ay kapag magaling na siya sa lagnat niya ay umalis na siya!" iritableng sabi ni Nabeshin.
"Pero mas okay na dito na lang siya, alam mo na, para may mag-asikaso sa atin."
Naniningkit ang mga matang tinitigan ito ni Nabeshin.
"Kahit noong wala pa siya ay nakaya naman nating asikasuhin ang mga sarili natin. Kaya tigilan mo na ang pagpipilit dahil pinal na ang desisyon ko," pagtatapos ni Nabeshin sa diskusyon.
Hindi na umimik si Toji kaya itinutok na lamang niya ang isip sa laro.
"Kung ako sa iyo, Twelve, mas okay na isakripisyo mo na lang ang queen." Makahulugang sabi ni Nabeshin mayamaya sabay galaw ng huli niyang tira. “Check… mate.”
Hindi pa rin umimik si Toji hanggang sa tumayo na siya."Aalis muna ako Twelve, may pupuntahan lang ako,” paalam niya rito. Tumango lang ang kaibigan bilang tugon. “Ipapatingin ko lang ang mga natapos natin noong isang araw.
"Maski ang gamit nating PC ipapa-check ko na rin, kamakailan nagluluko na rin kasi."
Pumasok siya sa kwarto niya para magpalit ng damit. Paglabas niya ay napansin niyang naghahanda ng lulutuin si Toji.
Napansin din siya nito, "Ipagluluto ko si Von ng curry, maganda iyon para sa may lagnat na katulad niya."
Kumikislap ang mga matang sabi nito na nakatuon ang pansin sa hinihiwang kamatis.
Matagal itong tinitigan ni Nabeshin, nang magsawa ay tuluyan na siyang umalis.
Dahan-dahan naman binitiwan ni Toji ang hawak na kutsilyo dahil sa kaba na bigla na lang nitong naramdaman. Mabilis itong tumakbo para sundan si Nabeshin, pero wala na ang kaibigan.
Hindi maintindihan ng binatilyo pero pakiramdam nito ay may hindi mangyayaring maganda sa araw na iyon.…
PAPASOK na sana si Nabeshin sa loob ng tren nang magtakbuhan ang mga tao palabas, kitang-kita niya ang usok na nanggagaling mula sa loob.
Tatalikod na sana siya nang mapansin niya ang isang babae na nasa loob pa, nakasuot ito ng headphones at halatang nakatulog ito kaya hindi nito napansin ang kumusyon sa paligid. Mabilis siyang pumasok sa tren at agad niya itong binuhat palabas ngunit hindi pa sila nakakalayo ay bigla na lang may sumabog at bigla na lang ang pagdilim ng lahat kay Nabeshin.
…
DAHAN-DAHAN niyang iminulat ang mga mata. Unang nabungaran niya ang puting kisame, napahawak pa siya sa ulo niya dahil sa kirot na nanggagaling mula roon.
"Kamusta Nine o-okay ka lang?" Agad na tanong ni Toji sa kanya, nasa mukha nito ang pag-aalala. Napadako naman ang pansin niya sa katabi nitong si Von, kababakasan rin ng pag-aalala ang mukha nito.
Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ni Nabeshin, muli niyang ipinikit ang mga mata, hanggang ngayon ay nahihilo pa rin siya.
"Alam mo bang tatlong araw kang walang malay, Nine?" sabi na naman ni Toji.
Muli niyang iminulat ang mga mata. Ikinuwento ni Toji na nagkaroon ng pagsabog sa train station kung saan sana siya sasakay.
"Kamusta iyong babae?" tanong ni Nabeshin na ang tinutukoy ay ang sinagip niya sa tren ilang segundo bago iyon sumabog.
"Okay na siya Nine, nandu’n sa kabilang silid."
Pipikit na sana siyang muli nang biglang may maalala. Napatingin siya kay Toji na nagtataka namang sinalubong ang tingin niya.
"A-ang mga files natin okay ba?!" kinakabahang tanong niya kasabay ng pagbangon. Namumutla siya at napakabilis ng tibok ng kanyang puso, pakiramdam niya ay sasabog iyon sa sobrang kaba.
"Ahh... k-kasi, Nabeshin. Hmmm… nailapag mo sa upuan ang bag mo noong binuhat mo si Shan."
Tila pinagbagsakan ng langit at lupa ng mga sandaling iyon si Nabeshin. Mariin niyang ikinuyom ang mga kamao habang sumisigaw. Nanangis siya tila nawalan ng minamahal. Napakahalaga sa kanya ng laman ng bag na iyon, halos kalahati ng kanyang buhay ay inilaan niya para roon pero sa isang iglap ay nawala ang lahat ng iyon.
"Okay lang 'yan, Nine, hayaan mo mag-uumpisa tayo ulit. 'Di ba Von?" pag-aalo ni Toji sa kanya ngunit lalo lamang napabulalas ng iyak si Nabeshin.
"Hindi mo naiintindihan, Twelve, gahol na ako sa oras!" Gigil niyang sabi. Lalo lang siyang inaatake ng samo't saring alalahanin. Mahigpit na lang siyang niyakap ni Toji.
Sa pagitan ng pagluha ay nakita niya sa hindi kalayuan si Von. Nasa mukha nito ang pakikisimpatiya habang nakatingin sa kanya. May bahid ng awa ang mga mata nitong malalalamlam kaya naman lalong naaawa sa sarili si Nabeshin. Lalo niyang napagtanto na ang lahat ng kahinaan niya'y unti-unti na siyang nilalamon sa hindi matawarang pighati.
Tila parusa ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.
…
DAHAN-dahang nagmulat ng mga mata si Shan. Nakarinig siya ng sigaw na nagmumula sa kabilang silid kaya pinilit niyang igalaw ang mga paa para bumangon at tumayo mula sa higaan. Sa tingin niya'y gising na ang lalaking nagligtas sa kanya mula sa tiyak sanang kamatayan. Malaki ang utang na loob niya rito kahit hindi pa niya ito nakikita ay alam niyang mabait itong tao.
Iinot-inot siyang humakbang palabas habang hila-hila ang IV fluid stand niya. Kahit hirap ay tiniis niya iyon, nais niyang magpasalamat ng personal sa lalaking nagligtas sa kanya.
Pagkalabas ng sariling silid ay lumapit si Shan sa silid kung saan alam niyang tinutuluyan ni Nabeshin. Mula sa maliit na siwang ng pintuan nito ay kitang-kita niya ang tuloy-tuloy na pagluha ng tagapagligtas niya. Bigla ay nakaramdam ng kung anong damdamin si Shan para rito. Nabanaag niya sa guwapong mukha ng binatilyo ang pait.
Biglang napuno ng 'di maipaliwanag na damdamin ang puso ni Shan, umaasa siyang mapapawi rin ang lahat ng sakit na pinagdadaanan nito ngayon.
Ang mahalaga ay natagpuan na niya ang tamang lalaking iibigin niya hanggang sa huli niyang hininga. Ipinapanagako ni Shan sa sarili na hindi niya hahayaan na umiyak pa ulit ito.
Ito na ang huling beses na makikita niyang magkakaganoon ito...
BINABASA MO ANG
VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETED
FanficVON(REMEMBER US) BABZ07AZIOLE FANFIC/MYSTERY/THRILLER Pakiramdam na pati ang utak mo'y lumilipad sa kawalan, Sumasagitsit ang kirot, Hanggang sa panawan ka na ng ulirat. Mga kataga na babalong sa pait ng isang katotohanan. Patungkol sa mapagmanip...