0.7 D A U C E

13 3 1
                                    

0.7
D A U C E

KITANG-KITA ni Nabeshin ang napakaraming tao sa paligid, rinig na rinig niya ang ingay at mga hiyawan pagkalabas niya ng back stage. Agad siyang kumaway kaya lalong nagkagulo. Halos hindi na magkamayaw ang mga tao sa paligid. Kitang-kita ni Nabeshin ang mga hawak na poster ng mga ito. Ang ilan ay nakasuot pa ng damit na may print ng mukha ng mga character niyang sina Nine, Twelve at Lisa. May mangilan-ngilan din siyang nakita na picture ni Five.

Kalat na kalat sa buong bansa ang poster ng Anime series niyang ZNT. First week pa lang na ineere ang naturang anime series pero ganito na kainit ang pagtanggap ng madla. Nangislap ang mga mata niya nang makitang ganoon kadami ang tumatangkilik sa gawa niya. Naramdaman niya ang marahan pagdantay ng kamay ni Shan sa braso niya.

"I told you they will love it, Nabeshin." Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Oo nga." Puno ng kasiyahan sang-ayon niya.

Nag-umpisa na ang programa habang siya ay nasa gilid lang ng stage at patuloy na pumipirma sa mga dala ng fans na poster at merchandise ng ZNT. Ilan beses din siyang tinawag sa harapan para sumagot sa mga katanungan ng ilan sa mga fans ng ZNT. Mahabang oras din ang ginugol ni Nabeshin para matapos sa autograph session, bagamat pagod siya ay nakaramdam pa rin siya ng lubos na kaligayahan.

Mabilis niyang pinalis ang pawis niya sa noo, iilan nalang ang natira sa mga pipirmahan niya. Bagamat nangangalay na ang kamay at daliri niya ay tiniis na lamang niya. Hanggang sa natapos na niyang pirmahan ang huling fans na dumalo sa kanyang event. Masaya pa niya itong kinamayan at pinasalamatan. Napadako ang tingin niya sa entablado at nakita niyang nag-iimis na ang mga staff niya. Minabuti na rin niyang samsamin ang mga gamit habang hinanap si Shan ngunit saan man siya tumingin ay hindi niya ito mahagilap.

Akma na sana siyang tatayo nang mapansin niyang may tumayo malapit sa kinauupuan niya. Bigla siyang nanigas nang makita ang pamilyar na ngiti nito... ang ngiti nitong tila kasing init ng sinag ng araw.

Ang taong minsan ay itinuring niyang kapatid...

"T-Twelve..." anas niya.

...

KASALUKUYANG naglalaro sina Nabeshin at Shan ng chess nang magpaalam si Toji na aalis. Tumango naman si Nabeshin, seryosong seryoso ang mukha, nakatutok ang pansin nito sa laro.

"Aalis na kami, Nine," ulit ni Toji.

"Sige." Matipid na sagot ni Nabeshin, halata sa mukha nito ang pagkairita.

Napangiti na lang si Toji dahil sa unang pagkakataon ay may tumalo rito sa larong chess.

Natawa pa siya nang bigla ay napatayo ito at ilang beses na nagmura habang si Shan ay relax lang sa kinauupuan habang tinitigan nito ang mga kuko na bagong manicured.

"Isa pang round," bigla ay sabi ni Nabeshin kasabay ng pag-aayos nito ng chess board.

"Okay sige, tiyakin mo lang sa pang-limang subok mo mananalo ka na." Nakangisi namang sabi ng dalaga rito dahilan upang lalong mainis si Nabeshin.

"Oo naman titiyakin ko na matatalo kita ngayon." Gigil na sabi ni Nabeshin. Mayamaya'y biglang may naisip ito, isang planong tiyak na ikapapanalo nito. "Umalis ka na Twelve, makikipagtuos pa ko rito kay Five." Seryosong sabi ni Nabeshin kay Toji na tinugon ng simpleng ngiti ng huli.

"Isasama ko si Lisa para may taga-bitbit ako sa grocery store," sabi ni Toji bago hinila sa kamay si Von palabas ng sala...

Nasa kalagitnaan na sila ng laro nang biglang umimik si Shan.

VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon