0.4
B R E A K T H R O U G HNo matter how cleverly you erase records and tracks, you can't erase a person's memory.
"OKAY na ba talaga ang pakiramdam mo, Nabeshin?” Nag-aalalang tanong ni Shan sa binata. “Baka nahihilo ka pa rin."
Marahan pa niyang kinapa ang noo nito habang inaayos ng binata ang suot na polo. Mabilis ang ginawang pagtabig ni Nabeshin sa palad ni Shan, malamig ang tingin na ibinigay nito sa kanya. Natigilan man ay hindi siya nagpahalata, mabilis niyang iniwas ang sarili sa binata para hindi nito mahalata ang kanyang pagkalito at awa sa sarili. Hangga’t maari ay iniiwasan niyang ipakitang nagdadamdam siya sa ipinapakita nito sa kanya.
Hangga't maari ay uunawain niya ito hanggang matapos ang lahat.
Napakislot si Shan nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Nabeshin.
"Nakahanda na ba ang lahat sa pupuntahan natin, Five?" tanong nito.
Bagamat may kasiyahan siyang nadarama kapag tinatawag siya nito sa code name niya, hindi pa rin maalis sa kanya na malungkot dahil alam niyang ginagawa lang iyon ng binata dahil meron itong pabor na hinihingi.
"O-oo Nine, naayos na. A-ang presensiya mo nalang ang hinihintay ng lahat."
Sa wakas ay humarap sa kanya si Nabeshin. Muli niyang nasilayan ang magandang ngiti ng binata na nagbibigay ng kakaibang damdamin sa kanya sa tuwina.
"Salamat, Shan.”
Ngiti lang ang isinagot ng dalaga rito. Agad na siyang sumunod sa lalaki nang maglakad na ito paalis, kahit paano ay nakakabawi naman ito sa kanya. Kahit may pagka-cold at rude ito minsan ay hinahayaan na lang niya. Mahal niya ito, tanggap niya kung ano ito. Wala na siyang pakialam kahit na hindi na nito masuklian ang pag-ibig niya.
....
NAGLE-LAYOUT si Toji sa computer niya nang maalala niyang may dapat pala siyang isumite kay Von, kumakalam na rin ang sikmura niya dahil tatlong oras na siyang nagle-lay out ng design para sa next episode nila. Nangangawit na rin ang kamay at daliri niya, maski mga mata niya'y mahapdi na rin.
"Nine, pupunta muna ako sa grocery store, wala na kasi tayong stock," paalam niya kay Nabeshin na nakatutok lang sa ginagawa ang buong pansin. Nakita niyang tumango ito, hindi man lang itong nag-abalang lingunin siya.
Palabas na siya ng maulinigan niya ang sinabi nito.
"Don't get involved Toji, may dapat tayong unahin." Makahulugan nitong paalala sa kanya.
"Yeah I know, don't worry, I won't get involved. Because if I do, it'll be more painful later..." Nakangiti niyang sabi kay Nabeshin na nanatiling nakatalikod sa kanya. Kahit anong gawin niyang paglilihim ay basang-basa siya nito. Malungkot na lang siyang naglakad palayo rito.
Habang isinusuot niya ang helmet sa ulo, bigla niyang naalala ang mga gumugulo sa isip niya nang nagdaang gabi. Iyon ang dahilan kaya naging mailap ang tulog sa kanya. Hindi niya aakalain na magagawa ni Nabeshin iyon. Sana nga ay nililinlang lamang siya ng hinuha niya. Matapos siyang makasakay at mapaandar ang motor niya'y nilingon pa niya ang pinanggalingan. Isang buntong-hininga ang ginawa niya saka mabilis na pinatakbo sa highway ang sasakiyan niya.

BINABASA MO ANG
VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETED
FanfictionVON(REMEMBER US) BABZ07AZIOLE FANFIC/MYSTERY/THRILLER Pakiramdam na pati ang utak mo'y lumilipad sa kawalan, Sumasagitsit ang kirot, Hanggang sa panawan ka na ng ulirat. Mga kataga na babalong sa pait ng isang katotohanan. Patungkol sa mapagmanip...