0.12 BEHIND TERROR
"Almost everything is resolved with a blast, a bullet, and one look toward the sky."
ILANG araw na tulala at wala sa sarili si Nabeshin matapos na mawala si Shan. Halos hindi siya makatulog at walang gana sa pagkain. Walang oras na hindi sumasagi sa isipan niya ang mga alaala ni Shan sa kanya noong buhay at kasama pa niya ito. Sadya yatang madamot ang kapalaran sa kanya dahil tanging si Shan na itinuring niyang kaisa-isang kapamilya ay nawala pa... at ang masakit ay sa paraan na hindi pa niya inaakala.
Ito na ba ang singil ng tadhana sa akin? piping usap ni Nabeshin sa sarili habang nakahiga at nakatitig sa kisame ng kanyang silid tila nakikita niya mula roon ang magandang mukha ni Shan na nakangiti sa kanya ng pagkatamis-tamis.
Mayamaya ay iinot-inot siyang naupo sa kama, marahan niyang tinapunan ng tingin ang shoulder bag ni Shan. Nanginginig pa ang mga kamay ng binata nang tuluyang maabot at mahawakan niya iyon. Matagal niya muna iyong pinagmasdan, hanggang sa kusa na niya iyong binuksan. Napangiti nang mapait si Nabeshin habang isa-isa niyang inilalabas at minamalas ang mga gamit na nasa loob ng bag ng dalaga.
Mga make-up, isang lavander na nail polish, mga personal hygiene kit tulad ng alcohol at tissue ang nasa loob. Maalaga ito sa katawan, tulad na lang kung gaano siya nito alagaan at pahalagahan noong buhay pa ito.
Biglang nilakumos ang puso ni Nabeshin ng muli niyang maalala ang huling pagtawag nito sa pangalan niya. Mabilis niyang niyakap ang shoulder bag na tila ito na rin ang mismong yakap-yakap niya.
"I love you, Shan... I love you and I'm sorry."
Nang mapagod na sa kakaiyak si Nabeshin ay unti-unti na niyang inilayo ang shoulder bag.
Kailangan na niyang ayusin ang sarili, mamaya ay may susundo sa kanya para pumunta sa studio para sa fan event ng ZNT.
Paalis na sana siya sa kinahihigaan nang mapansin niyang may nakaipit na bagay sa loob ng shoulder bag ni Shan. Dahan-dahan niya iyong kinuha, nasa mukha ang pagtataka nang mabasa niya sa likuran ng sobre ang buong pangalan niya. Agad niya iyong ininspeksyon, may ilang mga litrato siyang nakita roon, mga larawan kung saan kasama si Toji. Mabilis niyang binuklat ang isang liham na kasama ng mga litrato.
Tila may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ni Nabeshin habang binabasa iyon, hindi niya aakalain na ganito siya kahalaga sa kaibigan. Muli ay tuluyan siyang napaluha, agad na niyang isinilid ang mga litrato at liham sa sobre.
Napagpasiyahan niyang bago puntahan si Toji ay may dapat muna siyang puntahan.
Magkahalo ang kaba at pananabik sa kanya, napagpasiyahan ni Nabeshin na mamili muna ng mga pasalubong. Matapos makapamili ay agad na siyang bumiyahe, isang ngiti ang nangibabaw sa labi niya. Ngunit naroroon pa rin ang bigat sa dibdib na dadalhin na yata niya sa kanyang kamatayan.
AGAD siyang sinalubong ng isang may-edad na madre nang mapansin nito ang pagpark niya sa sasakiyan sa harapan ng bahay-ampunan. Mataman niyang pinagmasdan ang malaking gusali, luma na pero maayos pa rin, halatang naalagaan iyon.
"Good morning Sir Nabeshin, mabuti at tumawag muna kayo. Atleast may naihanda kaming munting salo-salo."
Napangiti naman si Nabeshin sa narinig.
"Hayaan nyo na 'yun, hindi po importante sa akin, kung ano lamang ang makakayanan nyo," sagot ng binata sa babae.
Nakita niyang nginitian siya ng madre at maiging pinagmasdan na ikinailang naman ni Nabeshin ng bahagya.
"Totoo nga ang naiku-kuwento ni Toji sa amin. Sadyang napakabait mo, Sir Nabeshin."
Mabilis na napatingin si Nabeshin sa kausap, tila may bikig sa lalamunan nang muli siyang magsalita.

BINABASA MO ANG
VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETED
Hayran KurguVON(REMEMBER US) BABZ07AZIOLE FANFIC/MYSTERY/THRILLER Pakiramdam na pati ang utak mo'y lumilipad sa kawalan, Sumasagitsit ang kirot, Hanggang sa panawan ka na ng ulirat. Mga kataga na babalong sa pait ng isang katotohanan. Patungkol sa mapagmanip...