0.11 VON

24 3 4
                                    

0.11 VON

"I wish all will disappear..."

PATULOY ang paggapang niya sa malamig na baldusa habang tigmak na ng mapupulang dugo ang kanyang bibig. Hirap na siya gumalaw dahil halos bali-bali na ang mga buto niya sa katawan, ang kanyang hininga'y unti-unti na rin kinakapos. Nanlaki ang mga mata niya nang maaninag ang tatlong anino sa kanyang harapan, dahan-dahan niyang itinahiya ang katawan para harapin ang mga may-ari ng mga anino.

"P-para niyo ng awa p-patahimikin n'yo na ako," anas niya.

Nakakakilabot na ngisi lang ang pumunit sa mga labi ng mga ito bilang tugon, pagkuwa'y lumawak ang ngiti ng mga ito hanggang sa napuno ang apat na sulok ng silid na iyon ng malalakas na halakhak na tila ba nanggaling sa ilalim ng hukay.

"Naawa ka ba noong pinagpapatay mo kami? Hindi 'di ba? P'wes ipaparamdam namin sa iyo kung gaano kasakit ang ginawa mo. Kung paano mo kami inalisan ng kalayaang mabuhay!"
Sa isang iglap ay biglang dumilim ang kanyang paningin, kahit hirap ay pilit niyang inabot ang mukha, halos magsisigaw siya nang tuluyang mapagtanto na wala na siyang mga mata. Ramdam niya ang paglandas ng masaganang dugo sa magkabila niyang pisngi.

"Madilim 'di ba? Masakit, nakakabaliw?" Puno ng pagkasuklam na bigkas ng babaeng boses.

"Tama na, nagsisisi na ako!" hiyaw niya.

Mahabang katahimikan ang namayani. Napalunok siya ng laway sa kaba, nakikiramdam, mayamaya kahit hinang-hina ay ipinagpatuloy na niya ang muling paggapang.

Halos mapugto ang hininga niya nang maramdaman ang isang malamig na bagay na biglang tumusok sa kaliwang bahagi ng likuran niya, alam niyang dumiretso iyon sa kanyang puso. Unti-unti syang napayukyok sa kinasasadlakang malamig na lapag.

"Ramdam mo ba ang sakit kung paano mo pinatigil ang tumitibok naming puso...?" sabi naman ng isa pang boses-lalaki. Alam niyang nakatunghay ito sa kanya, ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha. Isang matinis na halakhak ang pumailanlang.

Ramdam na niya ang katapusan, sa huling hugot niya ng hininga muli siyang dinala sa nakaraan bago tuluyang gumulong ang napugot niyang ulo sa lawa ng mapupula niyang dugo...

BIGLA siyang nagising sa pagkakaidlip nang maramdaman ang marahang pagyugyog ni Shan sa balikat niya. Hindi na niya namalayang nakatulog siya mula sa pagkakaupo sa kotse. Marahan pang kinusot ni Nabeshin ang mata. Bigla niyang naalala ang napaginipan, sa loob ng nakalipas na sampung taon ay iyon lagi ang napapaginipan niya.

"Nandito na ba tayo, Five?" tanong niya sa kasama.

"Wala pa Nine, actually malayo pa tayo. Nasiraan tayo ng sasakyan."

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Nabeshin, ilang minuto rin na nasa labas ang pansin niya, pinagmamasdan ang mga nagliliparang ibon na ang ilan ay dumadapo sa mga sanga ng punong kahoy mula sa 'di kalayuan.

"Mukhang kailangan nating sumakay ng tren, Five."


Mayamaya ay naisatinig ni Nabeshin. Agad namang tumango si Shan.

Lumabas na sila ng kotse at naglakad na papunta sa pilahan ng tren, isang manipis na ngiti ang pumunit sa labi ni Shan.

"Nag-ooperate na naman pala ang train na 'to, Nabeshin," sabi ni Shan habang tinatanaw mula sa malayo ang pulang tren, ang lugar kung saan una silang nagkatagpo ng binata.

Napangiwi si Nabeshin nang makita niyang sobrang daming nakapila para sumakay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay sa maraming tao.
“Oh bakit, rush hour kasi Nine kaya ganyan karami ang tao." Nakangiting saad ni Shan. Tara na para maaga tayong makarating at makauwi mamaya.

VON(REMEMBER US) TAGALOG COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon