Two

368 11 0
                                    

Rachel's POV

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko, o baka hindi man lang ako nag-iisip. This is the only thing that probably makes sense as a reason kung bakit ko siya hinigit sa bewang, I pulled her close to me, and held her while she cried. I don't do things like this; this is not what our relationship is. Hindi ko dapat ginawa 'tong ginagawa ko ngayon. I should not be letting her cuddle me kahit pa ang cute n'yang tignan habang natutulog. WAIT! Teka! Hindi ko 'yun inisip! It didn't happen, hindi pumasok sa isip ko 'yun at all. Hindi pa rin ako sigurado kung ano ang rason kung bakit siya biglang humagulgol na lang in the first place. Pero nakaramdam kasi ako ng kirot sa dibdib ko nung makita kong umiyak siya as if something pinched my heart.

Naisip kong kailangan kong malaman ang tunay na dahilan kung bakit nagkakaganto si Lea because this is so unlike her. In the whole two years that we have had, I guess one can say that it was a "special" relationship, she has never once bluntly ignored my text messages or calls that I told her to do something maliban ngayon. After slowly and carefully removing her off me, dahan dahan akong tumayo para hindi ko siya maistorbo. I walked around her apartment trying to find at least kahit isang clue man lang, pero ang napansin ko lang ay ang mga cute niyang displays at figurines. Katulad na lang nung ice-skating ballerina figurine o kaya 'yung mga action figures ng characters sa video game na nasa may bookshelf niya.

In my peripheral, I thought I saw something flickering, ignoring it I continued to look around. I walked over to her mahogany wooden table and shifted through the pile of mails she has. Napabuntong-hininga na lang ako. Wala pa rin akong mahanap na clue. Pumunta ako sa may computer table niya, and napansin ko na naman 'yung nagf-flicker na ilaw. Hay nako! Akala ko nasisiraan na ko ng bait. After all, I ain't. It was her home phone. Nagf-flicker 'yung red light meaning that there was a voicemail left to her phone. Since I was really curious, I clicked the voicemail button para marinig ito.

"Miss San Miguel, si PO1 Dalisay po ito, I'm really sorry to be the bearer of grave news to you. Pero 'yung lola niyo pong si Mrs. Alicia San Miguel ay naaksidente. Nasagaan po siya ng isang drunk driver na hindi sumunod sa batas trapiko – beating the red-light ho. Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na malala ang naging resulta ng aksidente at hindi po nakaligtas ang inyong lola. Nakikiramay po kami sa inyong pamilya."

Beautiful, Beloved [feat. RaMen]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon