Twenty-Two

195 5 1
                                    

Warning - (M) Rated Chapter: mentions of alcohol intake and mild smut content at the end of the chapter.

READ AT YOUR OWN RISK!

Flashback

"Mita, I'm home, sorry po na-late. 'Yung boss ko naman kasi 'mita, ipinaayos ba naman 'yung buong fictional section dahil may bagong dating na book titles so the store needed space. Hay naku, hyperbole na lang na sabihing it took a lifetime na tapusin 'yung pinapatrabaho niya."

Imbis na isang masiglang yakap at pagbati ang matanggap niya katulad ng laging pagsalubong sa kanya ng kanyang lola ay sinalubong siya ng katahimikan.

"Mita?" turan ni Lea pagpunta niya sa kusina kung saan niya unang hinanap ang kanyang lola pero walang tao doon. Wala rin ito sa salas o kaya man ay sa banyo. Nakaramdam naman si Lea ng matinding kaba at nagmamadaling pumasok sa kwarto niya para kumuha sana ng hoodie.

Titignan niya kasi sana kung nangapit-bahay lang ba ito at nagpunta sa katabi nilang apartment. Naging kaibigan na kasi ng kanyang lola ang tenant doon. However, pagpasok niya sa kwarto ay nakita niya ang matanda na nakahilata sa kama at may hawak na bote ng wine.

"Lordy! 'Mita! Christ! I was so worried about you! Bakit 'di mo man lang po ako sinagot kanina no'ng hinahanap kita?"

Nagkibit balikat lamang ang matanda at noon lamang napagtanto ni Lea na lasing ito. Hindi lang nakainom kundi LASING. Her 70-year-old grandmother was drunk.

Hindi alam ni Lea kung paano siya magrereact sa sitwasyong ibinato sa kanya ng tadhana. Nilapitan niya na lamang ang pwesto kung saan nakahiga ang kanyang lola at kinuha ang bote mula rito at naghanda na rin para matulog na.

'E ano pa ba naman ang gagawin ko? Hindi naman siya kinse para sigawan ko pa dahil naglasing siya. She's a grown-ass woman doing what grown-up people do when they feel like it.'

Habang nagtu-toothbrush siya ay biglang sumulpot ang kanyang lola sa may pintuan. Nakatayo lamang itong pinanonood si Lea. Nagtagal ata ng limang minuto bago ito nagsalita.

"Alam mo ba Lea, iha, kung ano ipinagdarasal ko gabi-gabi? Ipinagdarasal ko na sana makahanap ka na ng taong makapagpapasaya sa'yo. Kung hindi man ngayon, umaasa akong sana may masasandalan ka na kapag nawala ako."

"Mita naman eh. 'Wag naman kasi-"

"Hindi, apo, ang akin lang naman, mag-se-seventy-one na ako. Maging totoo lang tayo kahit sandali, anak, kahit mahirap. Hindi sa lahat ng panahon nandito ako para sa'yo, Bunny."

Her mamita has not called her that since she was 7 years old. It made her cry, hindi niya mawari kung ano bang mararamdaman niya especially with the thought of losing her grandmother.

"I love you so much, Bunny, gusto kong magkaroon ka ng taong mag-aaruga sa'yo at nandyan sa tabi mo lalo na kapag wala na ako..."

Present

Lea wiped her tears with her sleeve, it's as if her mamita knew. Her mamita who was almost 72 years of age when she was taken away from Lea by a stupid drunk driver. Sniffling, Lea was more than ready to go to sleep to get away from her thoughts.

Desidido na sana si Lea na babangon na siya para pumunta kay Vice at magtanong dito kung meron ba itong maitutulong sa kanya in terms of something that could make her sleep. But before she could even get up ay may mahinang katok siyang narinig coming from the door. Marahang nagbukas nagpinto at tahimik na pumasok si Rachel sa loob ng kwarto.

"Rach..."

Nagulat naman si Rachel ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya, "Ay poke mong bakla! Shit. Sorry. Nagising ba kita?"

Beautiful, Beloved [feat. RaMen]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon