Twenty

204 10 2
                                    

"Ang sabi mo magpapalit tayo kapag malapit na di ba?!" tili ni Rachel.

"Oh my God! You're going to blow my eardrums! Christ!"

"PULL OVER NOW, LEA!"

"Ito na! Ito na, itatabi ko na yung sasakyan sa gilid ng kalsada. Jusko! Can you calm down?!" sagot naman ni Lea who just stopped the car on the side of the road and raised her hand in surrender, "akala ko lang kasi it'd be a good idea to let you sleep—"

"Oh wow! Thanks mother!"

Napairap na lamang si Lea sa inastang iyon ni Rachel kasabay ng pagbalibag niya sa pinto ng sasakyan, "Ugh! So childish! I might as well slap the sense out of her kung hindi siya titigil sa pagiging brat niya!"

"May sinasabi ka?" Rachel hissed.

"Wala," Lea covered her mouth, letting out a giggle, "can't believe I said that out loud."

"Then 'wag mong ibalibag 'yang pinto ng kotse," Rachel glared.

"Oh, sino sa ating dalawa ngayon ang parang nanay?"

Pilit namang nagpipigil ng tawa si Lea, kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang nakahandusay na siya sa talim ng tingin na iginawad ni Rachel sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon. Isa itong rest house. Alam niyo yung itsura at location ng bahay ng mga Cullens sa Twilight? Ganoon ang itsura ng pinuntahan nilang lugar. Lea never felt so much serenity and excitement in her life and she was just so blissful, she could help but be giggly.

Rachel looked over Lea, she could tell that it made the younger woman happy, "nandito na tayo."

~~~

A slim tall man sprinted out of the rest house. Muntik pang madumog si Rachel sa bilis ng pangyayari at sa pagkakayakap ng lalaki rito. The man was grinning from ear to ear.

"Twinnie! Na-miss kita!"

Rachel let out a laugh, "Na-miss din kita, Vice." Kasabay nito ang pagyakap niya rin sa pinsan.

Nakatitig lamang si Lea sa dalawa at nang magbitiw sa pagkakayakap ang mga ito ay ipapakilala niya sana ang sarili kay Vice dahil baka nakalimutan na siya nito, "Hi, I'm—"

"Lea!" tili ni Vice kasabay ng pagyakap niya kay Lea ng mahigpit, "Jusko! Ang tagal nating hindi nagkita, girl! Kamusta ka na? Ano nang pinagkakaabalahan mo? Shet! Ang ganda ganda mo, pak na pak!"

Rachel laughed, "Vice, kalma," namumula naman si Lea ng bumitiw si Vice sa pagkakayakap sa kanya.

"Okay naman ako, Vice," sagot ni Lea.

"Teka nga! E bakit magkasama kayong dalawa? Anez? Magjowa?" Vice said animatedly.

Vice has always reminded Rachel of Bianca Del Rio meshed with Adore Delano.

"Hindi, magkaibigan lang," dagling sagot ni Rachel, Lea just smirked at this response.

"Ang showbiz niyo! Tse! By the way, Lea, kamusta na si mamita?"

Lea bit her lip, hindi niya alam kung paanong sasagutin ang tanong ni Vice, "Vice, uhmm, s-she—"

"She's gone, Vice. Hence, we are here right now," pagtapos ni Rachel sa sasabihin ni Lea.

"Oh my gahd! Lea, sorry. Hala! Halika pasok tayo sa loob ng bahay," Vice said as he wrapped his arm around Lea's shoulder pulling her closer to him as they walked towards his vacation home.

Hindi lang sa labas maganda tignan ang bahay ni Vice na iyon. Lea let out a little gasp ng makita niya ang living room ng bahay. She was so amazed sa pagkakadecorate ni Vice sa bahay nito. It may be in the middle of what seems to be a forest pero napaka-homely nito. On the other hand, Rachel also let out a small gasp ng makita nito ang watercolour painting sa wall ng living room, it was of a young girl in a teal gown leaning on a cello. This time, Lea knows not to say anything dahil alam niyang hindi sadya ni Rachel na marinig ng kahit sino ang pagpapahayag ng ekspresyon nito. Remember? Rachel hates emotions.

Beautiful, Beloved [feat. RaMen]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon