Chapter 7

3 0 0
                                    




"Romatic kaya tsaka.. Fiancé mo na Body guard mo pa Kyaaaahh!" Agad kong sinuway si Miya at Rafaela.


"Tumahimik nga kayu! Baka marinig kayu ni sion, at tsaka hindi kami nag pinansinan ngayun kasi sa nangyari nong sabado." Napatahimik sila at sabay lumapit saakin.


"Anong nangyari?" Sabay din silang sabi.


Kaya ayun nag kwento nanaman ako, napatahimik sila at nag isip "Tama nga naman si Sion, lesley at dapat mo na din hiwalayan si Brett tsaka, baka nasaktan si Sion sa sinabi mo, Tsaka alam mo ba? May minahal yan si Gusion na babae rito sa campus ngunit, Hindi siya ma pansin pansin nong babae." Ani nila bigla akong patingin sa kanila.



"Bakit alam niyo?" Takang tanong ko.


"Kalat sa buong campus nong grade nine pa tayo, hindi kaba updated?" Napailing ako, kasi wala naman talaga akong paki alam noon sa paligid ko. "Hay.. Kungsabagay, Sige Ikwekwento namin ang nangyari ah. Pero mamaya na, oh di kaya sa bahay? Wala naman sila mom at dad." Mabilis akong sumang ayon sa sinabi ni Miya, sumang ayon din si rafaela.



NANG MATAPOS na ang classe, Mabilis akong sumama kay Rafaela at hindi na ako nagpa alam kay Sion , bahala na siya sa buhay niya.



Ng makarating kami sa bahay ni miya, nag tungo kami sa kwarto niya habang may dalang dala pagkain.


"Baka mag alala si Sion saiyu." Biglang tanong ni Miya habang kumakain ng chicherya.


"Mag alala? Yun? Mag alala saakin? Jusko." Bigla ko naalala yung time na muntik na akong ma rape ni Brett, Pag ka uwi ko sa bahay sobra siyang Nag alala. Bigla akong napa tahimik.



"Oh? Bat natahimik ka kasi totoo?" Napatingin ako kay miya habang naka puot.



"Bahala na, Sige mag salita na kayu." Ani ko



"Hay iwan ko saiyu. Pero sige na nga." Ani niya "Nung Grade nine tayo, diba kilalang heartthrob yan si Sion tsaka yung ibang groupo niya, sila yung groupong pag baba lang sa kotse nag titilian na ang lahat ng mga babae, At kasama na ako don HAHAH. At biglang may isang babaeng nag transfer rito sa Zamora University, Siya si Oddett babaeng may roong napaka gandang mukha, Maamong mukha, at napaka gandang katawan, at napaka talino rin." Huminto si Miya sa pag salita at tumingin kay Rafaela.



"Halos siya na yung babaeng perpekto sa buong campus, Lahat ng events sinasalihan niya, maging mutya man oh Miss pearl, Lahat sinalihan niya, except lang sa Mga sports balita kasi namin may hika raw siya... Tsaka sobrang bait pa niya. Naalala ko pa nga na tinulongan niya yung isang babae, Nawalan kasi ng pera yung babae kaya siya yung tumolong." Sabi naman ni Rafaela "tsaka alam mo ba yung unang nag kita si Oddett at si Sion? Syempre hindi diba?" Mabilis ko siyang binatukan, Talagang hindi ko alam, "Aray naman hindi ka mabiro. Oh ito na, Una silang nag kita ng mabangga ni Oddett si Sion galit na galit si Sion kay Oddett, Tudo sorry naman si Oddett." ows? Parang hindi na ako nagulat sa naging reaction ni Sion that time



"Tapos?"


"Tapos, simula non lagi na silang nag kita, at naging Classmate pa ni Gusion si Oddett, Hanggang sa nagka lapit yung dalawa, At sa hindi inaasahan nabalitaan nalang namin na Sila na pala." Ani ni miya, napatango ako, ganun pala ang nangyari? Grabe mukhang alien yata ako nong grade nine ako ah!


Hindi naman talaga ako mahilig sa chismis e. Actually ngayun lang. "At ng makalipas ang araw na iyun, lagi na silang mag kasama halos magkadikit na nga lang yung dalawa, marami ang sumuporta sa kanilang relasyon at syempre hindi talaga mawala yang mga inggitera. Halos naging isang taon na sila ng bigla namin nabalitaan na, Break na pala sila.. Halos kami lahat nagulat." Sino ba namang hindi magugulat.



You Are The One#(Complete)Where stories live. Discover now