"ANG GANDA niyo ma'am, At ang sexy niyo pa." Ani ni Nana habang nakatingin saakin at may ngiti sakaniya mga labi. Napatawa ako ng mahina..Now I'm wearing a silver Gown parang kay Catriona Gray, Kulay Silver lang siya, At kita yung likod ko, Tsaka kita rin yung curve ng dibdib ko.
Hindi na ako nailang habang suot ko ito kasi simula pagka bata, Babaeng babae talaga ako. Nakalugay rin ang buhok ko at Curly sa ibaba ang aking buhok.
"Ang laki pala ng pwet niyo Ma'am." Mabilis kong tinignan si Nana, Grabe ang manyak ng babaeng ito "Tsaka ang laki rin pala ang dibdib niyo, Nahiya yung saakin." Ano ba ito! Napaka manyak!
"Hoy! Ang manyak mo.." ani ko habang nag lalagay ng Earrings. Tsaka neck less. Bongga kasi ang debut ni Rafaelah, Ikaw ba naman na anak mayaman?
Kinuha ko ang Mask na Kulay Itim, Bibig lang ang makikinita nito tsaka mata. At wala nang iba.
"Ang ganda niyo talaga Ma'am." Napailing nalang ako at sinuot yung Six inches na Heels na kulay, Black.
Kinuha ko na din ang shoulder bag ko at inilagay doon ang Mask, Unang lumabas sa kwarto ko si Nana, Sumunod ako ng maka baba na ako sa baba, Nakita ko doon si Sion nanonood ng tv habang naka boxer lang tsaka white T-shirt, Tsk! Ang baboy talaga ng lalaking ito.
Ng napatingin siya saakin bumalik agad ang tingin niya pero, Bumalik ulit saakin habang nakatingin saakin gulat siya at hindi makapaniwala, Inirapan ko siya, pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig doon.
Nakatingin pa rin siya habang nakanganga, Ang baboy ng isang ito. "Pwede ba? Wag mo akong matignan ng ganyan? Ang manyak mong tignan." Ani ko at mapairap, Narinig ko pang tumawa si Nana.
Mabilis akong pumunta sa pinto, Hindi pa ako kakalayu ng hawakan niya ang braso ko. "Ano ba? Wag mo nga akong hawakan." Naiinis kong sabi, Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Mag jacket ka nga! Pupunta ka doon ganyan ang suot mo?" Inis niyang sabi, Napairap ako. Ano bang problema sa suot ko? At tsaka sanay rin naman ako sa ganito manamit.
"Ano ako jejemon? Bitaw na Sion nag hihintay na yung sundo ko sa labas." Inis kong sabi kasi narinig na akong busina galing sa labas. Napakunot ang kaniyang noo habang nakatingin saakin
"Sino?" Tinaasan ko siya ng kilay, Bakit ba ang kulit ng lalaking ito? Dapat ba lahat alam niya? "Boyfriend mo?" Napairap ako wala sa oras, Ano bang paki ng lalaking ito? May gusto yata ito saakin e.
"Oo boyfriend ko kaya can you please let go of my hand?" Biglang nag bago ang kaniyang mukha at naging Seryoso iyun, Binitawan niya ako at mabilis na pumasok sa kaniyang kwarto.
Napabuntong hininga nalang ako, Pisteng lalaking iyun! Nangingi alam! Doon na siya sa Girlfriend niyang hilaw!
Inis akong lumabas nandoon na si Stanley naka cross arm at taas kilay na nakatingin saakin, Naka Black Tuxedo siya tsaka pang Leonardo DiCaprio. Napangiti ako, Ang gwapo talaga ng isang ito, Kung hindi pa lang ito naging ex ni Rafaelah baka jinowa ko na ito.
Lumapit siya saakin at nilahad ang kamay saaking harapan, May ngiti sa labi ko tinanggap iyun, Medyo nagulat pa ako ng halikan niya ang kamay ko. "Hi rose.." Ani niya habang nakangiti, Tumango ako na parang si Rose na nasa Titanic
"Hello Jack Dawson." Pormal kong sabi, Nagkatinginan pa kami at sabay tumawa.. "HAHAHAH ang corny mo!" Tawa ko habang sabay hampas sa kaniyang balikat.
YOU ARE READING
You Are The One#(Complete)
Teen FictionKaya mo bang mag mahal kahit alam mong bawal?