Chapter 4

34.7K 690 8
                                    

Alyah's PoV

Ang kapal talaga ng mukha nitong taong to pero tama naman siya ang kaso tapos na ang pag-iisip ko sa kanya dahil si Christian na ang iniisip ko.

"Hoy lalaking halimaw sa pinto! Huwag kang feeling okay? " Sagot ko. Sabay talukbong. Feeling close talaga siya!

Nakarinig ako ng yabag palapit sa kama ko. "Come on sweetie! Magiging Fiance din kita soon at siyempre kasunod na din ang kasal." He suddenly paused.

"Ano pa nga ba ang ginagawa after ng wedding? " Tumaas ang mga balahibo ko sa braso dahil sa narinig ko sa kanya. Grabe lang! Inalis ko ang kumot at umupo ako pagka tapos ay humarap sa kanya.

"Anong sweetie? Ang panget pakinggan lalo na kung ikaw ang nagsasabi Drake Delos Reyes! At anong sinasabi mo na kasal kasal? Hell! hindi mangyayari yon!" Saka ako tumayo. Nakaka umay ang mga sinasabi niya ha!

Tumayo na din siya at inakbayan ako pero inaalis ko. Ang kaso lang ay mas malakas siya kaya wala akong nagawa. "Alam ko namang medyo pakipot kapa ngayon sweetie, but soon masasanay kana 'din na ako ang lagi mong makakasama." Sabay ngiti ng nakakaloko at isama mo pa ang pagkindat niya! Dukutin ko mata nito at feeling pogi! Okay, gwapo naman talaga.

Huminga nalang ako ng malalim. Wala naman akong magagawa dahil nag-aaksaya lang ako ng panahon at oras sa kanya. "Ano ba ang pakay mo?" Malamig na tanong ko sa kanya.

Inalis naman niya ang kamay na naka akbay sa akin. Siguro ay na halata niyang badtrip na ako. "Kakain na daw pinasundo ka lang sa akin ni Tito and Tita." Matapos kong marining ang kaniyang sagot ay auna na akong lumabas.

Binilisan kopa ang lakad ko patungong kusina at doon ay naabutan ko na silang lahat. Umupo na ako sa upuan at laking gulat ko ng tumabi sa akin ang halimaw na 'to. Pinanlakihan ko lang siya ng mata at baka sakaling matinag 'man lang kahit papaano. Pero ang ginawa lang ay kumindat sakin at ngumiti ng nakakaloko.

Siro ulo to at halatang nang-iinis nalang. Mas lalong ikinagulat ko ay ang paglalagay niya ng pagkain sa plato ko. Pa kitang tao! Okay best actor na siya. "Look hon! They are so sweet." Salita ni mommy kaya napukaw ang aming atensiyon sa kaniya. Ngumiti lang naman sa kanya si Dad. I'm sure na aalala na naman nila ang past memories nila.

Lumapit ako sa tenga ni Drake at bumulong. "Napaka best actor mo. Act like a concern man?" Sabay tawa ng mahina. Pero umiwas lang siya at nagpatuloy sa pagkain. May pagka weird din 'tong baliw na to. Hindi ko nalang siya pinansin at nag focus sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay akmang tatayo na ako when dad call my name "Alyah, sit" he command. I don't have any choice kaya sinunod ko nalang siya, ano nanamang kaylangan niya?

"Alyah and Drake, after nang engagement niyo next Sunday ay gusto naming mag sama na kayo." Anung ibig nilang sabihin na magsa sama na kami? Under the same roof?!

"Wait dad." Singit ko sa usapan kaya nakuha ko ang atensiyon nilang lahat "What do you mean by magsasama?don't tell me na-" Hindi ko natapos dahil si dad na ang nagtuloy ng sasabihin ko.

"Magsasama kayo under the same roof. Para ma develope kayo.. ulit. We all knew na may past kayo so maari pa naman maibalik 'yon, but magkahiwalay ang mga rooms niyo. Magsasama na lang kayo 'pag nakasal na kayo." Masayang tugon ni Dad na siyang dahilan kung bakit ako napanganga. Is he really serious? Hindi ko sukat akalain na mas may ikakagulat pa pala ako. Daig ko pa ang nasa isang pelikula na may mga revelations. Hindi ko kaya na makasama ang lalaking 'to! Ngayon pa nga lang ay hindi ko na kaya, tapos ay for the rest of my life pa?

"No Dad! Hindi ko kaya ang mga gusto niyong mangyari." Mula sa masaya ay nagbago ang expression ng mukha ni Dad. Halata ang galit mula sa kanina na nakangiti.

"You can't do this to me! I don't love that guy anymore. Yes we have a past but kayo na nga ang nagsabi, PAST na yon! dapat ay kalimutan na." Dugtong ko pa sa sinabi ko. I can't take this anymore. This situation is giving me a headache.

"Alyah!" Bakas sa mukha ni Dad ang galit niya. Wala akong magagawa pero hindi ko ata kayang sikmurain na makasama ang lalaking 'to.

"No Dad! Paano niyo nagagawa sa akin 'to? kayo na sariling magulang ko ipipilit sa akin ang taong hindi ko naman mahal? Napaka hirap non mom, dad! Lalo na sa taong pinaglaruan lang ang feelings ko. Hindi ko na kayang magpakatanga uli! And develope? NEVER!" Kasabay nito ay ang pagtulo ng luha ko. Paano nila nagagawa sakin ang mga ganitong bagay? Sabihin man nila na bastos ako pero hindi ko na kaya ang mga gusto nilang mangyari.

Narinig ko pang tinatawag nila ang pangalan ko pero hindi ko na sila pinansin at nagtuloy sa kotse ko. Nagmaneho ako papunta sa lugar na kung saan ay alam kong payapa ako.

Madilim na sa park pero naglakad pa rin ako. Nakikita pa rin naman ang daan dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga poste. Oo aaminin ko, hindi ako ganitong anak sa kanila. Masunurin ako kaya nga pinipilit ko na laging manguna sa class upang makuha ko ang atensyon nila dahil puro business lang ang iniisip nila.

Kahit isang meeting wala silang pinupuntahan. Nandoon lang sila kapag recognition or graduation at pagkatapos non wala na. Apurang apura pa silang makaalis and the reason? Because of their work. Hindi ba nila nararamdaman na kailangan ko ang presence nila?

Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Bakit ba ang iyakin ko? Hindi naman ako ganito. After pala na ma ibigay ko ang best ko ay hanggang ngayon sila pa 'din ang masusunod? P¹q¹ati ba naman sa lalaking makakasama ko sa buhay?

"You're here." Dinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Si Drake! Nasundan niya ako. Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala 'rin naman akong lakas para makipag bangayan o makipag talo pa sa kanya.

Vote Comment po! Salamatss

My Ex Is My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon