Alyah's PoV
Nagising ako ng 9:00am?! Grabe! Tanghali na pa la pero parang excited ako na kinakabahan lang. Hay! Hindi ko alam kung bakit.
Naghilamos lang ako at nag toothbrush tsaka nagpunta sa kitchen.
Nakita ko lang doon si mom and dad na kumakain. So, tanghali din silang nagising?
"Oh! Halika na ija, sabayan mo na kami kumain." Pumunta naman ako sa harap ni mom at nagsimula na 'din kumain.
"Mom, san gaganapin ang engagement party?" Nagtinginan muna silang dalawa at saka nagkindatan pagkatapos ay tumingin sa akin.
Ano ba 'yan! Pati naman at mga magulang ko weird na 'din?
"Malalaman mo din later, anak." sagot ni Dad. Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Ilang oras na akong nakatanga sa bahay at nagfa-facebook , instagram, twitter, wattpad pero parang itong pagtanga ko ay napaka bilis.
Sila mom and dad umalis at may aasikasuhin daw. Sigurado naman ako na about 'yon sa party mamaya.
Alas tres na, tapos ang start ng party ay 5pm. Makagayak gayak na kaya?
Nahiga lang ako sa kama habang nagiisip kung ano nga ba ang uunahin kong gagawin.tok tok tok
"Mam! Nandito na yung make up artist pong pinapunta nila madam." Agad naman akong napabangon at binuksan ang pinto. Nakita ko nga si manang at isang baklang make up artist.
Talagang nagpadala pa si mom ha?! "Hi! Wait lang po maliligo lang ako. Manang, paasikaso nalang po muna siya sandali."
"Opo mam." At saka ko sinara ang pintuan at nagtungo na sa banyo.
Paglabas ko sa banyo ay nag suot na ako ng personal na damit at nag robe atsaka pinapasok ang make up artist.
"Alam mo, girl you're so pretty and I know na mas lalong maiinlove ang fiance mo sayo." Sabi ni Jenny. Oo bakla siya pero gusto niya na Jenny ang itawag sa kaniya kaya nga nakakatuwa siya eh.
Napaisip ako, mas maiinlove nga kaya ang soon to be fiance ko? "His my Ex, Jenny."
Agad naman siyang napatakip ng kamay noong sinabi ko yon sa kanya "Really? More exciting ang life mo, girl! " Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Exciting? how come naman?"
"Ibig sabihin may past kayo mas mabilis kayong made-develope noh!" Mabilis nga ba? eh may-
"May girlfriend na siya" Malungkot kong bigkas.
"You're young pa naman! And malay mo this time mas ikaw na ang mahalin niya diba? Take note: F-I-A-N-C-E ka. " oo nga! Fiance ako.
"O siya tignan mo na ang face mo and ung damit mo papakuha ko lang kay manang." Tumango nalang ako at tinignan ang mukha ko.
Agad akong napanganga. Oh my! Ako ba ito? Ang ganda ng pagkakaayos, naka curl ang hair ko na naka one side lang tapos ang make up ko medyo mataray tignan with red lipstick, yes para bumagay sa napili kong damit. Napangiti ako sa naisip ko. 'maiinlove ka kaya sa akin Drake Delos Reyes?'
"Here na! So pretty ng dress mo! bagay na bagay sa hair and make up! Okay, go go na tutal malapit na mag time!" Tumawa nalang ako at kinuha ang damit sa kaniya.
Tube siya na balloon ung baba parang cocktail na may mga bids sa dulo at ibabaw ng damit. Ang masasabi ko lang ay napaka ganda nito!
Natapos ko ng isuot at bagay na bagay nga sa akin lumulutang ung pagka puti ko. Girl, sariling buhat nalang ng bangko ito!
"Nasaan po sila mom and dad? " Tanong ko kay manang.
"Nasa venue na po mam." Tumango lang ako at sumakay na sa van 5:30 na pero sabi ni Jenny maganda nga daw yon pa VIP naman daw syempre.
Iba talaga 'tong baklang 'to hindi nauubusan ng kwento kahit kailan kaya ang sarap nya kasama infairness.
Nang maiparada ang sasakyan ay napanganga ako sa laki ng bahay. Napaka ganda ng disenyo!
Siguro ang saya saya ng mga nakatira dito, pero bakit nila pinagamit? Baka for occasion din at events ang lugar na ito and for sure may contact sila mom and dad.
Nagulat ako ng biglang may nagbukas ng pinto at I-offer ang kamay niya. Tinignan ko muna ang mukha niya.
So si Christian pala! Bakit parang may kaunting disappointment? Ugh! Ayoko mag isip ng kung anu ano ngayong gabi. I just want to end this night.
Kinuha ko ang kamay niya at sumunod na naglakad papasok sa malaking mansiyon.
Habang naglalakad kami, marami ang bumabati sa amin. Mano-notice dito na puro sikat na pamilya ang makikita, sila ay sikat pagdating sa business siguro mga business partners nila dad.
Sila ang magiging saksi sa kalokohan na gagawin namin ni Drake. Well kalokohan nga lang ba?
Ohh! speaking of Darake kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko naman makita nagtungo lang kami ni Christian sa isang mini bar.
"Ano'ng sayo? " agad naman akong natigil sa paghahanap kay Drake at lumingon sa kanya.
"Ice tea" tipid kong sagot at narinig ko na siyang nagsalita sa bartender
Christian's PoV
Kasama ko ang taong mahal ko pero wala naman sa akin ang atensyon niya.
Kanina pa siya palinga linga na parang may hinahanap, siguro si Drake nanaman 'yon.
Huwag nya sabihing nagugustuhan nanaman niya 'yong Drake na yon pagkatapos ng ginawa sa kaniya 2years ago.
Si Alyah yung tipo na mabait, maalaga, medyo moody, prangka, maganda ,matalino at higit sa lahat mapagmahal.
Oo nakita ko 'yan kung paano siya magdusa noong nagkahiwalay sila ni Drake. Halos ma blanko na ako sa sasabihin para lang umayos na siya and now Alyah deserves to be happy to someone na aalagaan siya at iingatan ang puso niya.
Hindi dapat sinasaktan ang tulad niya. Hindi ako nakikipag plastikan kay Drake pero basta pag tungkol ito kay Alyah walang kaibigan kaibigan dahil ayokong nasasaktan ang mahal ko.
"Ang ganda mo." nakita kong namula siya at nagulat sa sinabi ko. Ano ba yan pamali-mali ako ng diskarte naging weird tuloy ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.
"Haha lasing kana ata, Christian!" Ngumiti nalang ako. Medyo may kaunting kirot akong naramdaman sa dibdib ko.
Bakit ayaw niyang maniwala? Marahil ay tinatanggal lang niya ang pagiging awkward sa amin noon.
"Alyah" Panimula ko pagkaraan ng ilang minuto. Agad naman siyang lumingon at sumagot.
"Hm?" Nakatingin lang siya at inaantay ako na magsalita muli.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. Kailangan kong tanggapin kung ano man ang isasagot niya tutal ay ginusto ko rin naman 'to.
"May possibility ba na mainlove ka ulit kay Drake?" Ewan ko pero interesadong kinakabahan ang nararamdaman ko. Gusto kong sabihin nyang hindi dahil nasaktan na siya.
Pero mas hindi ko ata inaasahan ang isasagot nya,
"Siguro, oo?"
-Fierylih
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiance
RomanceAno ang iyong magagawa kung ang taong kinamumuhian mo at ang taong siyang dahilan kung bakit nasaktan ang puso mo ay ang iyong mapapangasawa pagdating ng panahon? magpapadala ka nalang ba sa agos ng buhay o pipigilan ang nararamdaman dahil takot k...