Drake's PoV
"bro, tara na muna sa bar. let's have fun! " sigaw ni Carlo. asa tambayan kasi kami ngayon at pwedeng pwede kami maghiyawan dito kung gugustuhin namin.
"kaya ang anlaki na ng tyan mo eh puro alak! paano kapa magugustuhan ni Karren niyan??" natawa nalang ako sa inasta ni Migz. anlakas talaga makapambara nito
"really? sino yung malas na babaeng yon? " sabat ko sa usapan nila
"Ano ba bro hindi mo kilala? Alyah's friend " sagot naman ni Migz. tss wala talagang nararating tong lalaking to panay ang sawsaw sa usapan .Tumango tango nalang ako bilang sagot.
"So ano tara na! " hayst muka talaga silang mga alak!
"ano ba mag bagong buhay na nga kayo" sita ko sa kanila or should I say kay Migz lang dahil ito lang ang nag aaya
"woah! I believed it, ang isang Drake Delos Reyes tumatanggi sa inuman? bro nilalagnat kaba? " tsaka tinapat ni Migz ang kamay nya sa noo ko na parang pinapakiramdaman kung may lagnat ba ako. Pero kaagad kong hinawi ang kamay ko at nagtawanan silang dalawa
"G*go!" sigaw ko sa kanila. agad naman silang natahimik akala siguro galit na ako , mabuti naman dahil alam nila kung paano ako magalit. Baka manghiram sila ng mukha sa aso kapag nagkataon.
"Easy bro. so ano payag kayo? " papayag ba ako? gusto kong kausapin si Alyah. hindi ko alam but I miss her.
"pass muna ako--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad pinutol ni Migs ang sasabihin ko
"bro, don't tell me Alyah is the reason kung bakit ayaw mo sumama? " natigilan naman ako sa sinabi ni Migs. Mind reader ba siya? tss.
"Haha! tinamaan kana ata ulit sa kanya bro! " gatol ni Carlo
"Ulol tigilan nyo ako baka pagbabangasan ko kayo dyan! " for the nth time nagtawanan nanaman sila. tss masyado ba akong obvious? bahala sila!
wala na rin akong nagawa kundi ang sumama sa dalawang ito. wala si Christian hindi ko alam kung asaan at wala rin akong balak alamin kung asaan ang Hay*p na yon
agad kaming nagtungo sa bar ni Carlo at nagpunta sa VIP room well. always reserve for us .at umorder na sila ng maiinom
hanggang sa umabot ng ilang oras pa kaming naginuman at ramdam ko na ang tama ng alak sa akin. napagpasyahan ko ng umuwi.
habang naglalakad ako sa parking lot ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na aura, likod palang niya kilalang kilala ko na . lalapit na sana ako ng maaninag kong may kasama siyang lalaki at nakapalupot ang kamay nito sa braso ng nilalandi niya.
tss kawawa naman ung lalaking yon, biktima nanaman niya. ang landi mo talaga Jasmin
bulong ko sa sarili ko. hanggang sa makita ko nalang ang sasakyan na papaalis. alam Kong hindi niya ako makikita dahil malayo ang lugar ko sa kanila. napailing nalang ako at tinungo ang sasakyan ko.
Christian's PoV
"a-alam mo Christian! s-siya lang ang m-minahal ko ng g-ganito! s-sya l-lang. I need to w-win his h-heart I s-swear! m-mapapasaakin si D-Drake " akala ko ako na ang pinaka baliw at tanga sa pagibig pero mukhang may tatalo sa akin. tss
kaibigan ko so Jasmin pero kaylangan kong maisakatuparan ang mga plano ko para mapasaakin si Alyah. Alam Kong mas liligaya siya sa akin at hindi sa Drake na yan. gaya nga ng sabi ni Jasmin.
si Drake ay para sa kanya at si Alyah ang sa akin.. at halata namang desperado si Jasmin para mabalik lang si Drake sa kanya.. I'm sorry Jasmin .. kaylangan talagang masama ang relasyon nyo sa plano ko.
flashback ..
I called Drake's Father para makumbinsi ko siya sa plano ko .. kinausap ko siya about sa relasyon nila ni Jasmin. I know tito, hindi niya gusto si Jasmin for his son at alam kong malaki ang tulong nito.
nag hire ako ng private investigator para ma monitor ko ang bawat galaw ni Jasmin at isang araw nga sinabi sa akin ng private investigator ko na nagkaaway daw sila ni Drake at medyo malala ito.
kinuha ko ang tyempong ito upang maumpisahan ko ang plano ko . kilala ko si Jasmin sa lahat ng dumadating na problema niya ay alak ang kakampi niya dito. at hindi nga ako nagkamali at nalaman kong nagpunta siya sa bar noong araw din na iyon.
planado iyon lahat iyon binayaran ko ang isang lalaki para I comfort siya but the truth is para lasingin siya ..
halos magtatalon ako ng malamang nalasing ng lalaking binayaran ko si Jasmin at iparating na may nangyari sa kanila dito pero ang totoo ay wala. oo walang nangyari dahil hindi ko naman maaatim na dungisan ang pagkatao ng kaibigan ko. masyado ng grabe yoon at ang kailangan ko lang naman ay ang mga litrato na kunwari ay may nangyari sa kanila
kinabukasan noon ay agad kong natanggap ang mga litrato at pinadala ito kay Tito. tuwang tuwa ito ng makita ang litrato at agad pinatawag si Drake upang sabihin
at agad ko naman itong nakumpirma dahil that day ay nag aya siya ng inuman at sinabi sa amin ..
"g-gusto ko na u-umuwi" naputol ang mga flashback memories ko ng magsalita ang nasa harapan ko
agad akong tumayo at inalalayan siya . kumapit siya sa braso ko habang naglalakad kami upang kunin ang sasakyan niya bagong bili lang ito kaya hindi ko pa kabisado ang itsura nito ,nang marating namin ito ay pinasok ko na siya sa passenger seat at tinungo ang condo unit niya ..
I'm sorry Jasmin. pero pag nalaman mo ang katotohan you'll thank me. bulong ko sa kanya nang maihatid ko siya sa kwarto niya.
HAPPY NEW YEAR GUYS! LOVE LOTSSS :* <3
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiance
RomanceAno ang iyong magagawa kung ang taong kinamumuhian mo at ang taong siyang dahilan kung bakit nasaktan ang puso mo ay ang iyong mapapangasawa pagdating ng panahon? magpapadala ka nalang ba sa agos ng buhay o pipigilan ang nararamdaman dahil takot k...