Alyah's PoV
Pagkatapos ng 5 subjects ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. I need to rest myself and most especially, my heart lalo na sa kahibangang nararamdaman ko kagabi at kaninang umaga noong katabi ko siya.
"Hey" Napaangat ako ng tingin para tignan kung sino 'to.
"What? " Taray ko sa kanya. Bakit ba parang kabute na lang 'tong sulpot nang sulpot? Hindi lang pala halimaw itong Drake na 'to.
"Ow chill! " Sagot niya sabay taas pa nang kamay na parang sumusuko na.
"Puwede paki bilisan? ayokong masayang ang oras ko." Sabay irap pero tumawa lang siya. Teka! Ano na naman ba ang problema nito? Abnormal na ata.
"Ikaw naman sweety, para bang wala tayong pinagsamahan..KAGABI." Nagulat ako ng sinabi niya 'yon. Talagang ipinag diinan niya! Ano ba ang gusto mangyari ng halimaw na 'to.
Luminga ako sa paligid dahil na sa parking lot kami at ganon na lamang ang gulat ko ng makuha namin ang atensyon ng ibang tao. Bigla na lamang niya hinapit ang bewang ko dahilan upang mapalapit ako sa kaniya.
"A-anong g-gina-gawa m-mo?" kinakabahan kong tanong sa kaniya kasabay nito ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Easy sweety, masyado kang namumula." Saka gumuhit ang nakakalokong ngiti mula sa mukha niya.
Drake's PoV
Ang sarap talaga pag tripan ni Aly, lalo na ngayon namumula ang mukha niya haha sorry, Aly but I like it!
Napadako ang mga mata ko sa mapupula niyang labi. Minsan ko lang siya nahalikan noon. Hindi naman masama kung gagawin ko ulit 'yon. Napangiti ako sa iniisip ko.
Lumapit pa ako ng kaunti sa kanya at napansin kong napapikit siya. Siguro ay nadadala na din siya sa nangyayari. Konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi.
"Drake!" Naitulak pa ako ng malakas ni Aly dahil sa nangyari! Fuck! andoon na eh!
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Christian. Tsk! sya na naman? Inis akong tumingin sa kaniya at umiling.
"Na abala ko ba kayo?" Tanong niya na kadarating pa lamang. Gsto ko sana sabihing 'Oo naabala mo kami!' Ngunit si Aly na ang sumagot.
"H-hindi n-naman." Natawa pa ako kay, Aly sa paraan ng pananalita niya. Halatang kabado at naiilang na sagot nito.
"Sige, Tol. Ako na ang maghahatid sa SOON TO BE FIANCE KO." Nakangiting bigkas ko kay Christian. Kilala ko siya at alam kong asar na siya sa akin dahil halata naman na may gusto siya kay Aly.
"Diba sweety? " Sabay baling ko kay Aly. Kaming dalawa ni Christian ay nabaling ang atensyon sa kanya habang inaantay ang kaniyang sagot.
"Y-yes" sabay yuko niya. Napatawa na lang ako. Apektado pa rin siya sa akin.
Kinuha ko ang susi sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto. "Sige, Tol." Sabay ikot papasok ng driver's seat.
Tahimik lang kami sa byahe at siguradong hiyang hiya pa rin siya sa nangyari kanina. "Sweety" Basag ko sa katahimikan.
"Please! Stop calling me 'Sweety' we're not close! And I'm not your fucking 'sweety'" Muntikan na yata mabasag ang eardrums ko sa sigaw niya.
"Sweety naman, baka hindi ko na marinig yang 'I do' mo dahil sa lakas ng sigaw mo 'pag kinasal na tayo." Akala ko matatahimik siya pero nagkamali ako. Sana ay inisip ko na manahimik na lang at hindi na nagsalita pa.
"Puwede ba Drake Delos Reyes! Don't ever call me using that fvcking endearment! So gross!" Bulyaw niya.
Kasabay noon ay ang pagtapat namin sa bahay nila kaya huminto na ako. "Oo na po."
Bubuksan na nya sana yung pinto ng hawakan ko ang kamay nya dahilan para mapatingin siya sa akinn "I'm sorry."
Nagulat ako sa sinabi ko pero wala 'yon ang gusto kong sabihin talaga sa kaniya. Nawala naman ang pagkakunot ng noo niya at tinapik ang balikat ko.
"Nah, it's okay. I moved on." Atsaka siya ngumiti at lumabas ng kotse.
Hindi ko alam pero parang unti unti ay gumagaan ang loob ko para sa kanya ngunit nawalan ng pag asa sa huli niyang binitawan na salita. Yeah, what should I expect?
Christian PoV
Buti na lang talaga at hindi na ituloy ni Drake na halikan si Alyah. Alam ko ang mga pinagdaanan niya noong nagmo move on palang siya sa Ex niya at hindi biro lahat ng iyon.
Hindi ko yata kayang makita na ang kaibigan ko ay saktan nanaman ng kaibigan ko din.
Alyah is important to me.
Pero ano ang laban ko sa una niyang minahal?
Basta! Ang gusto ko lang ay hindi na muling masaktan ang kaibigan ko at hindi ko hahayaan na mangyari pa ulit kay Alyah iyon.
Ang babaeng matagal ko ng minamahal ng palihim.
-Fieryalih
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiance
RomansAno ang iyong magagawa kung ang taong kinamumuhian mo at ang taong siyang dahilan kung bakit nasaktan ang puso mo ay ang iyong mapapangasawa pagdating ng panahon? magpapadala ka nalang ba sa agos ng buhay o pipigilan ang nararamdaman dahil takot k...