Chapter 12

25.6K 461 9
                                    

Continuation of the previous chapter

Jasmin's PoV

Sumunod nalang ako sa kaniya at nakita ko siyang nakatanaw sa bintana.

"Ano'ng problema mo, Drake?" Tumingin lang siya sa akin ngunit may mali sa mga tingin niya at hindi ito katulad ng kanina habang kaharap ang Alyah na iyon.

"What?" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Ano ang nagawa ko? Naiintindihan kita na wala lang siya sa'yo." Agad niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya at hinarap ako.

"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng nangungulila!" Napalunok ako sa sinabi niya. Oo naiintindihan ko siya sa mga gusto niyang iparating. Malayo ako at wala sa kaniyang tabi.

"But I'm here na oh." Tumingin lang siya sa akin pagkatapos ay nagiwas ng tingin.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo? Kanina lang ang sabi mo, 'I'm your one and only' then after you saw her ay naging ganyan kana! What's wrong with you?" Sita ko sa kaniya. Buong akala ko ay lalambingin niya ako katulad ng ginagawa niya pero nagkamali ako dahil sinigawan lang niya ako ulit.

"Hindi mo alam ang pakiramdam ng iwanan ka, mag isa!" I didn't know kung saan niya kinukuha ang bawat salita na kaniyang binibigkas. "Alyah is always there for me and she never leave me kahit kailan." Napayuko ako sa mga sinabi niya sa akin, alam ko naman ang mga pagkukulang ko as a girlfriend.

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga sinabi niya. "D-d-dont t-tell me na-"

Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng dugtungan niya ito. "Nagugustuhan ko na siya, Jasmin." nagrindi ang mga salitang binitiwan niya sa akin. How did he! Fuck!

"N-no! No,Drake! Don't do this to me! " Kaunti nalang at iiyak na ako dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya.

"Gagawin ko ang lahat 'wag ka lang mawala sakin, Drake. Please! I'm begging you." pagmamakaawa ko sa kaniya. Nakuha ko naman ang atensyon niya kaya nagsalita na siya

"Kung ganon huwag ka ng umalis, dito kana mag-aral." Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumango sa kanya.

Pagkatapos ng araw na yon bumalik na kami sa dati. Naging masaya na kami at sobrang sweet sa isa't-isa. 6months lang ang nailagi ko sa Pilipinas dahil my parents told na kailangang sa ibang bansa talaga ipagpatuloy ang pagaaral ko. Napakiusapan ko naman si Drake noon kaya pumayag na din siya.

Ayoko ng mawala sakin si Drake! Ever!

"Oh natulala kana diyan, siguro pumasok nanaman diyan sa isip mo yung pagmamakaawa mo sakin na ikaw ang piliin ako over Alyah?" Napatingin ako sa kanya at dali-daling umiling but the truth is 'yes'.

Pumunta na lang ako sa kusina at nagsimulang magluto.

Inaya ko siya papuntang dinning area para kumain na kami pero halos mabibingi na ata ako sa sobrang tahimik. Tanging kubyertos lang ang maririnig, siguro'y parehas kaming nagpapakiramdaman lamang kung sino ang babasag sa katahimikan.

"I'll be engage soon." Napabitiw ako sa mga hawak kong kutsara at tinidor ng sabihin niya ang mga katagang yoon.

"Y-you'll be e-engage?" Gusto kong kumpirmahin kung totoo nga ba ang mga narinig ko at baka namali lang ang dinig ko.

"Soon" Tipid na sagot niya atsaka tumayo at nagpunta sa sofa.

Ako naman ay naiwang nakatulala dahil sa mga katagang binitawan niya. He'll engage? Sino naman ang babaeng 'yon? I need an information! At hindi pwedeng mawala sa akin si Drake! He's mine!

"Drake can we talk? " Umupo ako sa katapat niyang upuan.

"About what?" Sagot niya ng hindi manlang ako tinatapunan ng tingin. He's so cold at para bang napipilitan na lang na kausapin ako.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at muli ko nanamang gagawin ito sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at lumuhod. Hinawakan ko ang kamay niya at kasabay niyon ay ang pagtulo ng mga luha ko.

"Please! Let me explain about sa mga nakita mo. I promise, wala akong alam doon. I can't live without you! Please don't leave me miserable." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Bigla naman siyang tumayo at inalis ang kamay ko na nakahawak sa kaniya at nagsalita.

"Again? For the nth time, Jasmin? I'm tired. WE'RE DONE." Kasabay noon ang pagkalabog ng pintuan at senyales na umalis na siya. Wala na siya. The person I love is already gone.

I must do something to get him back. I love him so much. He is mine. No one can take him away from me.

-Fieryalih

My Ex Is My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon