Chapter 7

31.9K 569 4
                                    

Alyah's PoV

Gustong-gusto ko malaman kung anong magiging reaksyon nya sa sinabi ko pero hindi ko inaasahan na hindi nya alam ang gagawin niya.

Parang it's too unfair naman yata ang gusto niyang manyari. Huminga nalang ako ng malalim at hindi na siya kinibo pa.

"Wag mo na muna isipin 'yon, she's not involve here." Tumango na lang ako bilang sagot. Aaminin ko I still have feelings for him but it's just a little and maybe because he was my first love.

Dahil na 'din sa kakaisip ko ay nakatulugan kona ang nararamdaman ko.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw at sa bigat na nararamdaman ko. Nararamdaman ko ba ito or literal? Parang may nakapatong sakin?

Unti-unti ay minulat ko ang aking mga mata at nakita kong nakayakap sa akin si Drake habang ako ay nakatalikod at nakadantay pa ang mabigat niyang binti sa aking binti.

Aba! Ginawa pa akong unan nito ah! Pero gayon pa man ay napangiti ako. Hindi ko alam pero ayaw kong tumutol at gusto na lamang ihinto ang oras sa ganitong tagpo. 'kasi nga mahal mo pa siya.' sabat ng puso ko.

Mahal ko pa ba siya? 'sinaktan ka niya.' Sagot ng isip ko. Oo sinaktan niya ako at hindi ko manlang nagawang pakinggan ang mga paliwanag niya dahil sapat na sa akin ang mga narinig ko noon. Pero malinaw na kung papipiliin siya ay si Jasmin ang kaniyang pipiliin.

Naramdaman kong gumalaw siya. Siguro ay gising na ito. Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at pagkakadantay pagkatapos ay hinarap niya ako sa kanya atsaka ulit yumakap. Isa lang ang masasabi ko, rinig na rinig ko ang tibok ng kaniyang puso.

"I'm sorry. " Sabay halik sa noo ko. Damang-dama ko ang sincere ng sorry niya siguro ay dahil ito sa past namin. Miss ko na ang mga yakap at halik niya, kaya mas ginusto kong manatili sa pwesto namin at piliting matulog nalang ulit.

Nagising ako dahil sa pagtapik sa braso ko pagmulat ko ay bumungad ang lalaking minahal ko noon. "Hey, bumangon kana at tanghali na."

Bungad nya sa akin yan ha! Ang bilis naman magbago ng mood nito! Parang kanina lang ay kung maka yakap ay akala mo wala ng bukas.

"Oo na! Maghintay ka pwede ba?" Atsaka ako nagtuloy sa banyo. Binigyan naman niya ako ng toothbrush at may damit din doon ng mama niya na iniwan. Iyon daw ang suotin ko. Sa bagay ay sexy naman si Tita at hindi ko nga inakalang ipinanganak niya ang halimaw na ito.

Pagkatapos kong maligo at lahat lahat ay nagdiretso ako sa dinning area at nakitang naghanda na siya ng mga pagkain.

"Tara" Tumango lang ako at naupo.

"Kailan kapa natuto na magluto?" Dati rati naman kasi ay hindi siya marunong at ako pa nga ang nagluluto sa kanya noon.

"Simula ng iwan mo'ko." Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kaniya ngunit walang ekspresyon ang mukha niya.

Iniba ko na lang ang usapan dahil nagkakilanganan na kami. "Uhm, pagkatapos ay alis na din ako ah? Alam mo na, may pasok pa mamaya."

"Oo nga pala. " sabay tango sa akin bilang tugon.

Gaya nga ng sinabi ko ay umuwi na din ako sa bahay. Hindi ko alam pero pagbukas ko ng pinto ay nakangiti pa ang mga magulang ko.

Napakunot noo nalang ako. "Mom, dad naka drugs ba kayo?" Takang tanong ko.

"Anak naman masaya lang kami.  Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng soon to be fiance mo." Okay, Drake said na doon ako natulog sa unit niya kagabi. "Sinabi saamin na duon ka tumuloy." Masayang bati ni Dad I shrugged so yoon pala ang dahilan.

"Okay gagak lang po ako." Atsaka nagtuloy tuloy sa kwarto ko.

Nagshower ako para presko sa pakiramdam. Pagkatapos ko ay gumayak at nagmaneho na ako papuntang school .

Habang naglalakad ako sa pathway ay may sumabay sa akin. Perfume pa lang niya ay kilala kona. My guy bestfriend.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa engagement mo with Drake? " I looked at him and rolled my eyes. Big deal sa kaniya 'yon?

"And why I'm going to do that? hindi naman importante and duh! I'm not interested " Sabay lakad. Agad naman nag aliwalas ang mukha niya. Wait what's wrong with him?

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya. So I nodded.

"Wait! what if, serious talaga sila about doon? papayag ka ba? " Konti nalang mapagkakamalan ko ng bakla tong bestfriend ko at kung makapag tanong akala mo chismosa.

"Napagusapan na namin 'yan and we decided na try naming I-work and kung hindi naman makayanan ay maghihiwalay kami kahit na nasa engagement stage pa lang." Paliwanag ko sa kanya kaya naman tumango tango lang siya.

At dahil na sa tapat na kami ng room ay pumasok na kaming dalawa. Yes! Magkaiskuela kami.

Agad naman akong pumunta ng kinawayan ako ni Karren at naupo sa tabi niya.

"How are you girl? " Tanong niya sa akin , ngumiti lang ako. I know she already understand it at kasabay nito ay dumating na nga ang prof namin.

-Fieryalih

My Ex Is My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon