Chapter 5

31.4K 600 9
                                    

Alyah's PoV

Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko pero hindi ko lang siya pinansin.

"Here." Sabay abot niya ng panyo. Tinignan ko lang siya pero hindi ko kinuha at naglakad ako palayo sa kaniya.

"Where are you going?" Rinig kong sigaw niya mula sa likod ko pero patuloy pa rin ako sa paglakad.

Bigla niyang hinablot ang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanya "Ano ba? I'm talking to you! " Sigaw niya sakin. Sino naman siya para sigawan ako?

"Pwede ba! Huwag ka nga sunod nang sunod sakin! At huwag ka umarte na concern ka dahil ang totoo ay hindi." Galit na salita ko sa kaniya. Bigla na lamang lumuwag ang kapit niya kaya hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon at hinablot ko na ang sarili kong braso sa kanya at naglakad palayo.

Nang makarating ako sa isang lugar ay napansin kong hindi ata tama na dito ako napunta dahil mapapansin na madilim ang daan at maliit lang na eskinita ito.

Biggla akong nakaramdam ng takot ng may humarang sa akin na dalawang lalaki at tila kinikilatis kung sino ako "Hi miss." Salita nang isang lalaki habang papalapit sa akin. Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.

"Excuse me?" Mataray kong salita sa kanila. Ngunit ang totoo ay takot na takot na ako. Buong akala ko ay papadaanin na nila ako ng bigla silang magtawanan.

"Palaban ka ha?" Biglang salita nang isa pang lalaki at hinablot naman nang isa ang kamay ko dahilan para matangay nila ako. Doon ko na lang naisip na kaylangan kong sumigaw at humingi ng tulong.

"Help! Fuck! Let go off me!" Palag ko sa kanila pero parang wala silang naririnig dahil hinihila parin nila ako. Hindi ko na napigilan pa ang aking nararamdaman kaya't nag unahan ng tumulo ang aking mga luha dahil sa nangyayari sa akin ngayon.

Bigla na lamang lumuwag ang kapit nang isa at napansin kong parang nawala ito sa paningin ko kaya napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si Drake na nakatayo. Bakas sa kaniyang mukha ang galit at pansin dito ang kaunting dugo malapit sa kaniyang labi. Inalis ko ang aking tingin sa kaniyang mukha at laking gulat na lamang ng makita na nakahiga sa paanan niya ang lalaking kanina ay nakahawak sa isa kong braso.

"Let her go... or else I will kill you." Mahina ngunit madiin ang bawat salita na lumabas sa kaniyang bibig. 'Nakakatakot' ito ang depinisyon na sumaksak sa utak ko nang marinig iyo. Dahil na rin siguro sa nakita nang lalaki sa kasama niya ay agad niya akong pinakawalan at mabilis na tumakbo palayo.

Agad siyang naglakad sa direksyon ko at bigla ko na lamang naramdaman ang pagdampi ng mga kamay niya sa mukha ko para punasan ang aking mga luha. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. He saved my life! Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala siya kanina. Kung wala siya sa tabi ko ngayon. Ramdam ko ang pagyakap niya pabalik pero humiwalay na ako at umayos ng pagkakatayo. Ayoko isipin niya na may gusto ako sa kanya.

"Thank you for saving me." Bulong ko.  Sapat na ito para marinig niya 'yon. Hinawakan niya ang braso ko at tila sinusuri kung nasaktan ba ako o nagtamo ng galos.

"Are you okay? Did they hurt you?" is he concerned? Sumagot ako ng mabilis upang hindi na din humaba pa ang usapan.

"I'm good." I said.

Naglakad kami pabalik sa park pero nagulat ako nang wala na ang kotse ko. What the? Nasaan ang sports car ko? "Calm down. Inutusan ko na ang driver ninyo na i-uwi ang sasakyan mo. Hindi sya na carnap or what." Napakunot ang noo ko, mind reader na siya ngayon? But that's a good thing. Wait! No! We'll ride together?

Dahil no choice na din ako, sumakay na ako sa sasakyan niya pero doon ako sumakay sa backseat "Hoy! 'bat nandyan ka? Ano ako driver? Dito ka nga!" Sita niya sa akin. Aba! ang arte arte naman nito!

"Maka-hoy! grabe! Tinted naman po itong sasakyan mo kaya hindi na halata." Depensa ko sa kanya. Totoo naman kasi ang arti arti lang aba'y daig pa ako!

"Baka nakakalimutan mo na sinave kita sa mga lalaking nantrip sayo." At isusumbat pa talaga sakin? Grabe! Kung labag sa kaniya sana ay hindi nalang niya ako tinulungan!

"Whatever!" Okay. I surrendered. Sumakay na lang ako sa passenger seat para wala ng away at tutal ay pagod naman 'din ako.

Ayoko na muna sana pumunta ng bahay kaya tina-try kong tawagan si Karren at Cassandra pero sa oras na 'to ay mukhang tulog na ang dalawa na iyon.  It's 10 pm as of this moment at baka maaga na sila nagsitulog. Biglang sumaksak sa utak ko si Christian. Baka naman available siya tonight. Agad ko tinawagan ang number niya at ilang ring pa lamang ay sinagot na.

"Hi" salita ng na sa kabilang linya.

"Pwede ba ako makituloy dyan?" Bungad ko sa kaniya. Wala na akong pakielam kung makapal na ang mukha ko pero kailangan ko lang talaga.

"Of course! You are always welcome." Mas lalo naman akong sumaya ng marinig ang sagot na galing kay Christian.

"Okay, Christian. I'm on my way--" Biglang hinatak ni Drake ang cellphone at ibinaba ang tawag. Ano nanaman ba ang problema niya?

"Ibigay mo sa akin 'yan! " Sigaw ko sa kaniya pero para lamang siyang bingi dahil hindi manlang ako nilingon.

Lumipas ang ilang minuto at nakarating kami sa isang condominium. 'It looks like familiar.' Bulong ko sa sarili ko. Ipinarada niya ang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa isang unit. Binuksan niya ito gamit ang password at bumukas ang pinto.

(A/N):Vote, Comment Guys :'>

My Ex Is My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon