Alyah's PoV
Hanggang ngayon ayaw pa rin talagang ma-process sa utak ko ang mga sinabi nya sa akin.
Ayaw niya ako mawala at ulit?
ulit
ulit
ulit
Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang iniisip ko.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at nakita ko ang mukha ni Drake
"Hey, w-what's wrong?" ngayon mas makikita ko na na mayroong ekspresyon ang mukha niya
"of course, wag mo nalang akong pansinin." Umupo na ulit ako sa tabi niya.
Nagkainan lang at hanggang sa gumagabi na ng husto ay nakita ko ang mga kaibigan ko, siguro nagtatampo nanaman to dahil hindi ko sila pinuntahan kanina.
"Hoy babae! bat di mo na kami pinuntahan? " Agad na bungad ni Karren na kasama si Cassandra at Christian.
"K-kasi--" Naputol ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Drake.
"Hindi ko siya pinayagan gusto ko na nasa tabi ko lang siya." Hinawakan niya ang kamay ko at napatingin sa kanya, saktong nakatingin din naman siya sa akin.
"My fiance." Sabay ngiti at tingin sa kanila.
"Alright! tara na nga guys! nilalanggam nako." Sagot si Karren na parang inaalis alis pa ung langgam sa braso niya.
"Can I talk to you? " Nahinto ang tawanan namin ng biglang magsalita si Christian sa gilid at diretso ang tingin sa akin.
Tumango ako at hinintay muna naming makaalis ang dalawa kong bruhang kaibigan tsaka kami nagpunta sa garden nitong bahay.
"Anung paguusapan natin Christian? " Umpisa ko sa usapan
"Nasaktan kana ni Drake, siguradong magagawa niya ulit yon." Hindi ko alam pero medyo nakaramdam ako ng galit kay Christian ng sinabi niya agad yon.
Pero hindi pa naman ako naiinlove ULIT kay Drake ah! pano nya nasasabi yon?
"What do you mean? " Tanong ko.
"Inuumpisahan mo na siyang mahalin like before" Nagulat ako sa sinabi niya kaya napataas ang isang kilay ko sabay cross arm.
"Of course not Christian.. h-hindi ko siya inuumpisahang mahalin." Depensa ko sa sarili.
"Huwag ka ng magkaila, halatang halata na sayo at sa mga kinikilos mo." Mas lalo akong nainis ng ipagpilitin niya ang gusto nya.
"I'm not!" Sigaw ko sa kanya at ng matauhan siya.
Pagkatapos noon ay agad niya akong niyakap at bumulong sa tenga ko.
"You know what Alyah, I'm here noong nasasaktan ka because of Drake. Alam ko kung paano ka naghirap para lang mag move on sa kanya, hindi kona yata kayang makita ka ulit na nasasaktan kaya kung pwede lang ibukas mo ang mga mata mo at may naghihintay sayo na mas karapat dapat para sa pagmamahal mo at pinapangakong hinding hindi ka sasaktan." Pagkayari ng sinabi niya ay himiwalay siya sa pagkakayakap at hinagkan ang noo ko.
"Always remember na I'm always here for you no matter what. " Wala sa wisyong tumango nalang ako sa mga sinabi niya.
At nakarinig nalang ako ng footsteps na papalayo sa akin. Hanggang ngayon ay inaalala ko parin kung ano ang ibig sabihin ni Christian kanina.
Pero ng akmang hahabulin ko sana siya ay may humablot sa braso ko at laking gulat ko na kung sino yon.
"Don't go." si Drake, he became too weird
"I'm not." Sagot ko nalang sa kanya at kinuha ang kamay ko dahilan para maramdaman ko ang kakaiba sa dibdib ko, my heart beats parang hindi normal?
Wala na akong nagawa kundi ang magpahila nalang sa kanya at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
Nakita naming wala ng masyadong tao at nagpapaalam na ang iba.. gabi na kasi ng husto kaya ganoon, hanggang ngayon ay magka holding hands pa rin kami at etong puso ko ganun pa rin ang kabog.
"Hi hija." Bati sa akin ni tito at tita.
"Good Evening po." Sagot ko sa kanila, medyo naiilang akong tumingin sa kanila dahil nakahawak pa rin si Drake sa kamay ko.
"First of all gusto kong maging success ang development ng relationship nyo at sana huwag nyo sana kaming biguin." Gumuhit ang malapad na ngiti ni Tito at nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa kaya mas lalong nailang ako.
"Yah, we will, right hon? " Bahagya akong nagulat ng tawagin nya akong hon, aba! at may endearment na agad! gilas tsk tsk.
Napatingin ako sa kanya at medyo pinisil nito ang palad ko dahil hindi pa ako nagsasalita "ah, hehe, yes h-hon." Saka ngumiti ako.
Mukha namang nakumbinsido namin sila dahil umalis na ito pagkatapos, sinabi lang na sila na raw ang bahala sa magiging maids dito sa bahay.
At dahil parehas naman kaming nag-aaral pa ay tinanggap na namin ang alok nila.
Nang nakaalis na ang lahat ay agad akong napahiga sa sofa ng dahil sa pagod! grabe I can't imagine na ang hirap magkaroon ng party! so tired.
"Go to your room." Napatingin naman ako sa kanya at saktong nakatingin siya sa akin ng nakakaloko.
Teka? anung balak nito?
"Ah, Drake asan ung mga maids? " Iniba ko nalang ung usapan baka kung saan pa mapunta yung mga ngiti nyang yon.
Kita mo to kanina di maipinta ang tapos ngayon parang naloloko!
"Tomorrow afternoon daw ang dating so it means na tayong dalawa lang ang nandito." Sabay kindat sa akin, agad akong napalunok dahil sa ginawa niya.
Nakita kopa siyang papalapit sa akin kaya agad agad akong napatayo ng tuwid.
"Pupunta nako!" Saka naglakad papuntang kwarto pero bago pa man din ako makatungtong sa first step ng hagdan ay nahuli niya ang braso ko at nagsalita.
"Masyado kang kinakabahan wala pa naman akong gagawin sayo" wala pa? tumayo ang mga balahibo ko sa sinabi niya at sa tingin ko ay-
"Oh namumula kana" sabina eh! pinaghahampas ko siya at saka nagsalita."Bastos!" Saaad ko. Nakuha naman niya ang kamay ko at agad akong hinalikan sa labi pero sandali lang naman . Pero hindi ako nadismaya ha!
"Kung anu-anong iniisip mo hon. " Sabay tawa ng tila mo walang bukas, nakakainis namn tong bwisit na to!
"Hon hon ka dyan! hon-hanin ko mukha mo eh! " Atsaka padabog na umakyat sinilip ko pa siya at ayon namatay na yata katatawa. Tse! Kainin ka ng lupa dyan!
Baliw na halimaw na yon!
--
ayan na umeeksena na si Christian! please vote po kayo readers! support my story! thank-you in advance :')
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiance
RomanceAno ang iyong magagawa kung ang taong kinamumuhian mo at ang taong siyang dahilan kung bakit nasaktan ang puso mo ay ang iyong mapapangasawa pagdating ng panahon? magpapadala ka nalang ba sa agos ng buhay o pipigilan ang nararamdaman dahil takot k...