EHRA
Limang minuto na lang mag-a-alas dose na ng madaling araw pero hindi parin ako napapagod i-stalk ang fb account ni Juno.
Ang gwapo-gwapo nya! Sya na ata yung perfect description ng mga leading man sa mga libro na tall, dark and handsome. Hindi lang yun, ang sporty nya pa. He's the perfect guy for me. Hmm.. morena, makinis ang mukha, straight at mahabang buhok na palaging naka-pony tail at walang ibang damit kundi skinny jeans, shirt at chuck taylor. Wait.. i might not stand a chance :(
Isayyy WAKE UP! Anong karapatan mong isipin na bagay kayo ni Juno?! Hindi mo ba nakikita yung babaeng sinubuan nya sa display picture nya? Maganda, maputi, fashionista, medyo chubby nga lang, at ang pinakaimportante sa lahat, SYA LANG NAMAN ANG NAG-IISANG GIRLFRIEND NI JUNO FOR 4 YEARS. FOUR! APAT ISAY! Kaya patayin mo na yang laptop mong may screensaver na i heart Juno bago ka pa mabroken hearted ng ika-1million times sa mga crush mo!
Okay, matutulog nako. Pero bago ang lahat, ichecheck ko muna ang notifications ko.
JUNO PAULO MARIANO ACCEPTED YOUR FRIEND REQUEST. Write on his wall.
Ohmygoooooooooooooood! After 1234567890 years of waiting sinagot na rin ni Allah ang matagal kong hiling! Ang maging kaibigan ang pinakasikat, pinakagwapo, pinakamakisig, pinaka..(insert adjective here) pinakadabest na varsity player ng soccer sa buong university namin. Kahit sa facebook lang -_-
Tandaan mo ang araw na'to Isay. February 1, 2011 at exactly 12:37 AM sinagot ka ni Juno. I mean sinagot niya yung friend request mo. 13 days before Valentines day. Well that's something.
Maka-GM nga sa mga friends ko. Wait, should i write on his timeline? Wag na lang, baka isipin pa niyang isa ako sa mga babae sa school na patay na patay na patay sa kanya. NO WAY DARLING (dah-leng)!
"Yaay, so glad you finally accepted my friend request! Congratulations for winning the cup anyway!" Ayoko nito, masyadong papansin. Delete delete.
"Thank you po idol :-D" soo pathetic, delete delete.
"TFA" that will do.
I clicked post then after 5 mins nag offline na si Juno.
BINABASA MO ANG
MY LAST FIRST KISS
Teen Fictionpano ba mag move on? a. magpagupit ng buhok b. idelete ang 20,000 messages sa convo thread nyo sa fb c. mangblock sa fb d. to fall inlove again Ehra, you have 20 mins to answer. Time starts now!