CHAPTER IX

10 0 0
                                    

Ang pangit ng gising ko. Pano ba naman, hindi ako makatulog sa sobrang excited sa practice mamaya. Bago ako bumaba ng kusina sinuklay ko muna buhok ko. Baka kasi ipagkalat ni Sol na di ako nagsusuklay eh haha.

"Napagkamalan ka daw pulubi sa mall kagabi anak?" Tanong ni mama, tawa naman ng tawa si Sol.

"Sinabi mo kay mama? Hindi naman ako sinabihang pulubi ah! Sama ng ugali nito!"

"HAHAHA! Binilhan kita ng maraming pan de sal Isay. Para sa practice mo mamaya."

Nakiki-Isay na si Sol. Okay lang, palagi na rin naman din sya dito sa bahay eh.

"San ka bumili ng pan de sal, Sol? Nasa labas pa ang bakery ah." Sumigop ako ng noodles.

"Nadaanan ko kanina habang nagjo-jogging. Sabay ka minsan."

"Mas gugustuhin ko pang matulog. Hehe."

Pagkatapos namin mag breakfast naligo agad ako at sabay kaming pumunta ng school.

***

Wala kaming subject na magka-klase ni Sol kaya dinrop lang ako ni Sol sa college namin. TFr ang paborito kong araw kasi hindi kami magkasabay ni Sol maglakad sa hallway papuntang classroom. Walang titingin ng masama sakin na para bang ako na ang pinakamasamang tao sa mundo. Wala ring magbubulungan. Every TFr, I'm just an ordinary girl, balik nanaman ako sa pagiging invicible ko. :-)

Pagpasok ko sa building namin may nakita akong malalaking lalaki na parang langaw na nag-uumpukan sa iisang tae. Paglapit ko mga soccer men lang pala. Mga kasamahan ni Juno dati... JUNO??!!

"Ehra! Anong ginawa mo sa buhok mo?" Tawag ni Juno sakin.

Ang lakas-lakas ng ng kabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas ng kabog di ko mapigilang mapahawak sa dibdib ko.

Dear heart, please be still.

"Ah, hehe ginupitan ko lang ng konti." Sinuklay ko ng kamay ko ang maikli ko nang buhok. Kinakabahan parin ako. Ganito pala ang feeling kapag matagal kayong hindi nagkita ng mahal mo.

"Nga pala, pasalubong galing Baguio. With love." Inabot nya ang isang box ng chocolate na hinaluan daw ng wine.

"Thanks." Yun lang nasabi ko sa sobrang kaba.

"Kelan nga pala monthsary natin, Ehra?" Tanong nya, ngiti lang ng ngiti mga team mates nya.

"Anong monthsary? Teka, akala ko ba hindi ka na magpapakita sakin kahit kailan?" Asar kong tanong sa kanya.

"Grabe ka Ehr, bawal na ba akong bumisita sayo?" Ngumiti sya. Lumabas tuloy dimples nya. Gusto ko nang matunaw sa kinatatayuan ko -_-

"I miss you Ehr." Pagpapatuloy nya.

Goooooosh! Parang gustong tumakbo ng puso ko sa sobrang kilig! Relax Ehra. Tumingin ako sa relo ko.

"Malapit nang magstart klase ko. Alis nako. Salamat ulit." Tumalikod ako.

"Di mo lang ba ako sasagutin ng I miss you too?"

Napahinto ako sa paglakad. I miss you too. Bulong ko sa isip ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako ng classroom.

"Ehra! Dumaan dito si Juno hinahanap kaaaa! Ang gwapo na nya super!" Sabi ni Niña na kilig na kilig.

"N-nagk-kita kami sa hallw-way. At binigyan nya ako ng pasalubong galing Baguio! Nin, mamamatay na ata ako!" Sabi ko kay Niña habang hinahampas hampas ng kung anumang mahawakan ko.

"Ito na ba yung mga pasalubong nya?" Kinuha ni Kareen ang malaki kong paper bag na puno ng mga gamit ko pang soccer.

"Yung chocolate lang bigay nya. Nga pala guys, mag so-soccer ako ngayong intrams!" Excited kong sagot.

"Really? Hindi ka na audience ngayong intrams? Wow Isay, we're so happy for you!" Nagyakapan kaming tatlo.

"Excuse me, am I missing something?" Sabat ng malditang professor namin.

Kumalas kaming tatlo sa pagkakayakap at nagbalikan na sa mga upuan namin.

MY LAST FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon