"Isay, labas na dyan! Hinihintay ka na ng gwapo mong boypren sa labas!" Sigaw ng mama ko.
"Boyfriend ba kamo ma? Eh, wala naman akong boyfriend ah!" Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Ang sweet naman ni Juno, at talagang nag-effort pa siyang gumising ng maaga para lang ako ihatid sa school. Seryoso na siguro sya sakin. Makalabas nga :)
"Good morning Ehra! Sabay na tayo papuntang school." Bungad ni Sol sakin paglabas ko ng gate. Nakatayo sya sa labas ng hummer nya.
"Ha?!ano?!teka,bakitpappppanokanakaratingditoo??!!" Sa sobrang gulat ko halos sabay lumabas mga salita sa bibig ko.
"Sorry, are you expecting someone? Dapat pala ininform muna kita bago ako sumulpot sa harap ng gate nyo."
"Hindi, wala naman. Nagulat lang ako kasi--"
"--ganun ba, so okay lang ba sayo na sabay na tayong humabol sa first period?" Ngumiti siya.
Damn, 30 mins na nga lang pala mag-uumpisa na klase namin!
Nakalabas na kami ng subdivision pero ang tahi-tahimik parin naming dalawa. Ano kayang nasa isip nya? Pano nya kaya nalaman address ko? Di kaya matagal ko na syang stalker at may balak syang masama sakin? Momolestiyahin, ibabalot sa sako at itatapon sa irrigation? O baka naman--
"--sorry nga pala--"
"--WAGMOKONGSASAKTANMAAWAKASAKEEEN!!!"
Napatigil ako sa kasisigaw at nagtinginan kaming dalawa ng halos isang minuto bago sya tumawa ng malakas.
"Mabilis ka ba talang magsalita?"
"H-ha? Naku, h-hindi ah. Acting lang. A-ang tahimik mo kasi dyan eh. Hehe (?)" Palusot
"Ganun ba. Don't worry Ehrs, nagpaalam nako kay Tita Enna at ang sabi ko ibabalik kita nang buhay sa mismong gate ng bahay nyo." Ngumiti nanaman sya sakin.
"Would you mind if I call you Ehrs?"
"I won't. Kung okay lang sayo na tawagin kitang Sols." Ampangit kaya ng Ehrs -_-
"Haha, okay so I guess I'll call you Ehra. Sorry nga pala kung di na kita nainform na susunduin kita. Di ko na kasu nakuha number mo kay tita kagabi."
"You mean, kagabi ka pa sa labas ng gate namin?"
"Well technically, pero nasa kabilang bahay ako. Glad to meet you neighbor." Sabay ngiti ulit.
"Sigurado ka bang okay lang sa girlfriend mong member ng red lips society na sabay tayong pumunta sa school?"
"Sinong girlfriend?"
"Si Sandra. Nakita ko kasi kayong magkasama nung enrollment eh."
"She's not my girlfriend. Nagvolunteer lng sya na tulungan ako sa subjects ko. Honestly, may iba akong gusto." Sabi nya tapos bigla syang tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
MY LAST FIRST KISS
Fiksi Remajapano ba mag move on? a. magpagupit ng buhok b. idelete ang 20,000 messages sa convo thread nyo sa fb c. mangblock sa fb d. to fall inlove again Ehra, you have 20 mins to answer. Time starts now!