Uwian na. As usual, solo flight nanaman ako nito. Sinundo na kasi sila Kareen at Niña ng mga boyfies nila. Si Kevin naman dinidiskartehan yung crush nya. 30 mins of boredom nanaman ako nito sa jeep. Sumakay na'ko sa jeep unfortunately sa mismong harapan ng couple na kulang nalang langgamin sa sobrang kasweetan.
Chill lang Isay. Tahimik lang ako dito sa sulok pero sa isip ko ilang beses ko na silang pinag-untog. Respeto lang sana please. Respeto sa mga pasahero, respeto sa mga single at respeto sa mga brokenhearted. Huhuhu.
Sirang-sira na talaga ang mood ko sa dalawang to na walang ginawa kundi magkiskisan ng mga mukha nila. Magbabasa na lang ako ng newsfeed.
"First day of school rocks!" 17 likes 43 comments
"Off to SM to meet my high school friends, kitakits!" 14 comments.
Nagpost din ako
"ANG PBB TEENS NG NASA HARAP KO! >.<"
After how many mins ang daming likes at comments.
"Inggit ka lang Isay, hanap na yan ng lovelife. Hahaha!" 37 likes agad. Para sa isang comment napakaraming like na nun ah! Mas marami pa sa likes ng status ko -_-
Naniniwala na talaga ako na ang mga kaibigan natin ang pinakasupportive na tao sa buhay natin pero kadalasan mas nananaig ang pagiging kontrabida nila. Haha
BINABASA MO ANG
MY LAST FIRST KISS
Teen Fictionpano ba mag move on? a. magpagupit ng buhok b. idelete ang 20,000 messages sa convo thread nyo sa fb c. mangblock sa fb d. to fall inlove again Ehra, you have 20 mins to answer. Time starts now!