"SINUNDO KA NI SOL SA BAHAY NYO?!"
"MAGKAPITBAHAY NA KAYO?!" Magkasabay na sigaw nina Kareen at Niña habang kumakain ng halo-halo sa cafeteria.
"Shhhh! Required ba talagang sumigaw pag nagugulat? Oo, magkapitbahay na kami kaya naisipan nyang isabay na lang ako sa kotse nya. Yun lang!"
"Of all places na pwede niyang lipatan, bakit sa subdivision nyo pa? At hindi lang yun, sa tabi pa ng bahay nyo. Hmm.. I smell something fishy." Si Niña
"Kayo na ni Sol?" Biglang singit ni Kevin.
"Pano mo nalaman? I mean, san mo napulot yang chismis na yan?" Tanong ko kay Kevin na hindi ko pa man inaalok ay nakikain na ng halo-halo ko.
"Trending ka kaya sa mga classrooms ngayon. Meron na ngang anti-EhrSol eh." Sabi nya habang sinisigop ang huling kutsara ng halo-halo ko.
"What?! Ampanget naman ng EhrSol. Parang pang spray sa insekto." -_-
"Nagtataka sila kasi raw, sa dinami-raming chicks dito sa school, bat ikaw pa ang sinakay nya sa hummer nya. Paturo naman ng da moves dyan, di ko mapasagot si Jenny eh."
"Porket maikli ang buhok, payat at walang arte sa katawan, wala nang karapatan kay Sol? Ang sama mo naman! Iluwa mo halo-halo ko!"
"Tsaka di ko sya type no. Juno forever to." Hehe
"Sinabi ko lang sayo ang iniisip ng taong-bayan. Haha magmove on ka na Isay, may gf na yun."
"Excuse me, single parin ang relationship status nya sa fb. Bitter ka lang, Kevin Vaughn Castro kasi nakakatatlong gf na sya samantalang ikaw wala pang napapasagot sa 4 mong niligawan. HAHA" Tawanan kaming lahat.
"4pm na pala, una na ko may try-out pa kasi ako sa pingpong." Pag-iiba ng usapan ni Kevin, senyales na talo sya sa usapan. :D
Lumabas na kaming apat at naghiwalay ng landas.
Si Kevin magta-try out sa pingpong, sila Kareen at Niña biniyayaan ng talent sa pagsayaw. Ako? 2 taon nang audience. Hindi ako papayag na maging audience ngayong 3rd year! -_-
Nilalakad ko yung hallway ng college namin nang bigla kong nakita si Sandra na may dinidikit sa bulletin board. Lumapit ako.
"Ene yen?" Ginaya ko kung pano sya magsalita sa harap ni Sol.
"Papel!" Sagot ni Sandra nang hindi tumitingin sakin.
"Elem ko. Eneng nakesulet dyen?"
"Why don't you read it yourself?!" Hindi pa rin sya tumitingin sakin.
"Umalis ka nga dyan at nang mabasa ni Ehra ang nakasulat sa papel." Ang sarap nya talagang asarin :-)
"BE A PART OF THE COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION'S SOCCER TEAM FIR GIRLS." Binasa ko sa tenga nya nang malakas.
Humarap sya sakin at tumitig nang matagal na para bang naiiyak.
"I hate you! Inagaw mo si Sol. Mag-classmates pa naman tayo nung first year! Aaaaarrgh!"
"HAHAHAHAHA!"
"What's so funny b*tch?!"
"Ikaw! Hahahahaha!" Hindi parin ako tumigil sa kakatawa.
"Tumawa ka lang ngayon, Ehra. Bukas na bukas din babawiin ko sayo si Sol." Sabay walk out.
"There's nothing going on between us Sandra. I promise." Sigaw ko.
Tumigil sya sa paglalakad at bumalik sa kinatatayuan ko.
"Paki-ulit nang ng sinabi mo."
"I promise?"
"No, before that."
"There's nothing going on between us?"
"Totoo ba yan?"
"Yes, hello! Kung gusto mo, kukunin ko number nya para sayo."
"You can actually do that?"
"But of course, sa isang kundisyon." Sabi ko habang nagniningning ang mata.
"Name it!"

BINABASA MO ANG
MY LAST FIRST KISS
Teen Fictionpano ba mag move on? a. magpagupit ng buhok b. idelete ang 20,000 messages sa convo thread nyo sa fb c. mangblock sa fb d. to fall inlove again Ehra, you have 20 mins to answer. Time starts now!