CHAPTER VII

12 0 0
                                    

   I hate to say this, pero parang mag bff kami ngayon ni Sandra. Sabay kaming naglakad papuntang terminal, magkatabi kami sa jeep, at nilibre nya pa ako ng dinner. This is life! Bwahahahaha!

"Wow Sandra, thanks sa treat. Hindi ako makapaniwalang may nakatago pa palang kabaitan sa loob-loob mo. Hehe"

"Ngayon lang to darling. Kaya magpakabusog ka na. Pag nakuha ko na ang number ni Sol, makukuha mo na rin ang gusto mo. Plus, balik na tayo sa dati."

"Deal!" Kinikilabutan kasi ako sa mabait na Sandra eh. Hehe

   Pagkatapos naming kumain dumiretso nako sa bahay. Paghawak ko sa doorknob, may napansin akong napakalaking pares ng tsinelas na halos kasing-haba ng dalawang paa kong pinagdugtong.

   Omg, may lalaki sa bahay. Nagboboyfriend na ba si mama nang hindi nagpapaalam saken??

   Pagbukas ko ng pinto, bumungad sakin ang napakatangkad at ubod ng gwapong lalaki na kumportableng naka-upo sa sofa namin habang nanonood ng TV at hawak-hawak pa ang remote-- si Sol.

"Aba, ayos ah! Nung isang araw lang nasa gate ka pa lang ng bahay. Ngayon nasa loob ka na. Maganda ba yung palabas?" Asar kong tanong sa kanya. Parang gusto pa atang magpa-ampon nito ah!

"Hi Ehra, kumain ka na? Dinalhan kasi kita ng adobo eh." Bati nya sakin sabay smile.

"Muslim kami dito kaya pwede mo nang isabay pauwi yang adobo mo."

"Ano ka ba Ehra, adobong manok to. Okay ka pala pumili ng boyfriend anak ah. Sarap ng adobo mo Sol." Singit ni mama.

"Thanks Tita, next time po iba nanaman lulutuin ko."

"MA! Hindi ko po sya boyfriend! Magclassmate lang kami sa tatlong subjects."

"Bakit hindi? Okay naman si Sol ah, gwapo, matangkad, masarap magluto."

"Ma--"

"Ah sige Tita alis na po ako."

"Balik ka bukas anak ah, sabay ka nang magbreakfast."

"Ma,--"

"Sounds great. Sige po mauna na po ako." Lumabas na sya ng bahay.

"May sinasabi ka ba anak?"

"Wala, teka! Sol!" Tawag ko.

Lumingon si Sol .

"Pahingi naman ng number mo." Actually, nakakahiya sya, pero ipupush ko na to for brighter future :-)

Nginitian nya ako, inabot ko ang cellphone ko at nagsimula na syang magtype.

"S-salamat nga pala sa adobo Sol."

"Don't mention it, buti na lang manok niluto ko. Nasabi na nga kanina ni Tita religion nyo ng daddy mo."

"Ah, hehe sige." Hinatid ko sya sa gate.

"Salamat ulit."

Ngumiti sya sakin at bumulong ng welcome sa hangin.

                         ***

   6 am na. Nagising ako sa lakas ng ring ng alarm clock ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kaiisip ng magiging intrams ko ngayong taon. Kung tutupad si Sandra sa usapan namin, wala kaming magiging problema. :-)

   Kahit inaantok pa, bumangon nako, naghilamos, nagtoothbrush at bumaba na sa kusina. Hindi pa man ako nakakaapak sa kusina, amoy na amoy ko na ang tinitimplang kape ni mama at ang...... pabango ni Sol??

   Hinawi ko agad ang kurtinang humihiwalay sa kusina at sala kaya nasigurado kong si Sol talaga yung naaamoy ko. Nakaupo sya sa paborito kong pwesto at sarap na sarap sa paghigop ng kape.

"Good morning Ehra, coffee tayo. May dala din akong pan de sal." Bati sakin ni Sol.

"Good morning Ma, may pizza ba? O kahit ano except sa pan de SOL." Sabi ko.

   Ewan ko ba pero hindi talaga ako comfortable na may lalaki sa bahay namin. Siguro hindi lang ako nasanay kasi kami lang ni mama ang palaging magkasama.

"Meron pa kaso irereheat mo pa, bakit, kelan ka pa tumanggi sa pan de sal?"

"Oh Sol, andyan ka pala? Text ka lang ha kung kailangan mo ng tulong maglipat ng mga gamit mo dito. Di man lang ako nakapagsuklay."

   Ang sama ng tingin sakin ni mama. Si Sol naman natawa lang.

Omg! I'm not joking! It was supposed to piss him off!

"Ilalabas ko muna ang mga basura."

   Kami na lang tuloy naiwan ni Sol sa kusina. Umupo ako sa harapan nya at kumuha ng pan de sal. Pag-angat ko ng mukha ko nakita kong titig na titig sya sakin.

Patay parang napikon ata! Hehe

   Maya maya pa nilapit nya mukha nya sakin.

"Kinuha mo nga number ko, di mo naman ako tinext. Napuyat tuloy ako sa kahihintay ng text mo."

"Ahh, hehe (whew, akala ko ano na) wala akong load eh, gabi na rin, delikado naman kung lalabas pa ako ng bahay diba? Hehe dibaaaah?"

   Kinabahan tuloy ako. Okay lang kaya sa kanya kung ibibigay ko kay Sandra numner nya? Well, siguro, close naman sila eh. Haha"

"Ganun ba? Eto." Inabot nya cellphone nya.

"Ahh naku, okay lang. Wag mo na akong pasahan ng load, nakakahiya naman. Lapit lang ng loading station dyan oh. Hindi na, wag na Sol, wag na talaga." Sabi ko sabay taas ng dalawang kamay.

"Di naman kita papasahan ng load eh, hinihingi ko lang number mo." Sabi nya habang pigil na pigil ng tawa.

Awwww

MY LAST FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon