CHAPTER XI

20 1 0
                                    

"Sol, ano bang ibig sabihin pag pinasalubungan ka ng isang lalaki?" Tanong ko kay Sol habang hinuhugasan ang pinagkainan namin.

"Dalawa lang yan, either pinilit mo o naalala ka lang nya. Pero minsan, kahit anong pilit mo sa isang tao, kung ayaw ka niyang bigyan, di ka talaga nyan bibigyan." Sagot niya habang nakaupo sa harap ng mesa at hinihintay akong matapos sa paghuhugas.

"Ahhh." Gosh, ibig sabihin ba nun naalala ako ni Juno? :-)

"Eh ano namang ibig sabihin kung binigyan ka nya kasi naalala ka nya?"

"Importante ka sa kanya." Sagot nya nang hindi tumitingin sakin. Busy sa pagtetext.

"Importante like, may gusto sya sayo?" Please say yes! Parang gusto ko nang sumigaw.

"Pwede, pero pwede ring barkada o kapatid lang ang turing nya sayo." Hindi parin sya tumitigil sa pagkalikot ng cellphone nya.

Ouch! Sana naman hindi lang kapatid ang turing sakin ni Juno. Mabobroken hearted talaga ako nito ng todo.

"Eh pano mo naman malalaman kung talagang type ka niya at hindi bilang kapatid?"

"Ano ba! Bat ba ang kulit mo?!"

Napalingon ako sa kanya sa sobrang gulat. Feeling ko tuloy lumaki butas ng ilong ko kasi hindi ko inakalang kaya nya pala akong sigawan. Napatingin sakin si Sol at parang nabigla rin.

"Napalakas ba sigaw ko? Ano nga yung tanong mo?"

Nilapag niya yung phone nya sa lamesa. Napabuntong hininga na lang ako.

"Wala, sabi ko sinong kaaway mo?"

"Meron kasing text ng text sakin eh. Sabi nya crush na crush nya daw ako. Nanghihingi ng date."

"Ang gwapo ng kapitbahay ko!" Pang-aasar ko. Nilagay ko sa dispenser ang huling platong hinugasan ko at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ano namang problema dun? Ayaw mo nun, maraming nagkakagusto sayo? Tanong mo kung libre nya, tas isama mo ko. Haha"

"Tss, wag na. Momolestyahin lang ako nun, wala pa naman akong kalaban-laban." Biro nya.

"Etong katawan nato walang kalaban-laban??" Sinuntok suntok ko braso nya.

"Patingin nga ng text." Tumabi ako sa kanya at hinablot ang cellphone niya.

Gaya ng inaasahan ko si Sandra nga ang fan ni Sol na nanghihingi ng date sa kanya. Gusto ko siyang pagtawanan at aminin na ako nagbigay ng number nya kay Sandra kaso baka hindi na nya ako isabay sa kotse nya. Hahaha inaamin ko na simula nang maging magkapitbahay kami ni Sol naging medyo dependent nako sa kanya. Parang naging part na rin ng daily routine ko ang kumain ng dalang tinapay ni Sol, maamoy ang pabango nya, magdinner kasama sya at si mama, at hugasan ang platong pinagkainan niya. -_-

"Naku, si Sol lumalablayp na!" panunukso ko sa kanya.

"Pero alam mo, kung ako sayo di ko na papansinin yung mga ganyan. Hello! Parang hindi ka naman nasanay! Ang gwapo mo kaya, syempre natural lang yang mga fans." Huminto ako sa pagsasalita para huminga, paglingon ko nakita kong titig na titig sakin si Sol. Para bang naghihintay ng sagot.

"Ano? Wala akong alam dyan sa mga fans mo ah." Pagkakaila ko.

Tumingin ako sa ibang direksyon. Pero nakakapangilabot ang pananahimik nya kaya lumingon ako sa kanya at nakitang titig na titig sakin.

"Tigilan mo nga yan, kinikilabutan ako sayo eh!" Tumayo ako at naglakad papuntang sala pero tinawag niya ako para ipaalam na hostage nya ang chocolate na binigay ni Juno my loves.

"Ibaba mo yan! Chocolate ko yan!" Para kaming mga pulubing nag-aagawan sa pagkain. Lumapit ako para kunin yung chocolate sa kamay nya kaso mabilis syang nakatayo at tinaas ang kamay nyang may hawak sa chocolate. Narealize ko tuloy na ibang-iba talaga pag matangkad ka. Kasi kahit anong talon ko, di ko talaga maabot. Huhuhuhu! Si Sol naman pinipigilan ang pag tawa.

"Kung di mo ibababa yan kikilitiin ko kilikili mo!" Pagbabanta ko.

"Wala akong kiliti no. Umamin ka na kasi Ehra, tinetextmate mo ako no?" Hindi pa rin nya binababa kamay nya.

"HAHAHAHA! Ang kapal mo brad! Bat ko naman gagawin yun eh dyan ka lang sa kabilang bahay nakatira. Nakita mo namang naghuhugas ako ng plato dyan diba? So that's impossible. Ibalik mo na kasi yang chocolate ko!"

"Chocolate ba yan?" Tanong ni mama na naabutan kaming nag-aagawan ng chocolate sa kusina.

"HINDI PO!"

"OPO!" Sabay naming sagot.

Sinabi kong hindi kasi alam kong madamot din si mama sa chocolate. Haha kinurot ko si Sol.

"Ay hindi po tita. Hehe" pagsisinungaling ni Sol.

Ganun ba? Nag-uumpisa na nga pala ang laro ng Azkals sa TV." Lumabas na si mama ng kusina.

Nag-unahan kami ni Sol sa sala para makakuha ng magandang pwesto. Ewan ko ba dito kay Sol, may malaking TV naman sya sa bahay nya. Flat screen pa. Pero mas gusto nyang manood dito sa bahay. Namimiss nya siguro pamilya nya. O baka natatakot lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY LAST FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon