"WELCOME FRESHMEN!" Sabi ng napakalaking tarp na nakasabit sa harap ng gate ng school namin.
Parang napaka-unfair naman ata, freshmen lang ang winelcome. Pano naman ang 2nd and 4th years? Pano kaming mga juniors? Omg, 3rd year college nako, dalawang taon nalang ng paghihirap, gagradweyt na si Isay. I kennot :-)
Papasok na ang jeep sa school namin pero ako nakatago parin sa shawl ko. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa college building namin. Nakikita ko na blockmates ko. Nagdadalawang isip tuloy ako kung bababa o hindi.
"Bababa ka ba o hindi?" Tanong ni Manong Driver na sa araw-araw na ginawa ni Allah ay hindi ko pa nakitang ngumiti.
"Ah opo, eto po bayad ko."
Nilakad ko ng mabilis na mabilis ang hallway ng college building namin para hindi ako masyadong mapansin ng mga tao sa paligid pero mas lalong nakakuha pa ata ng atraksyon ang pagtakbo ko.
"What's with the shawl?" Tanong ng ever sarcastic na si Sandra. Yes, a girl like her really does exist in the real life. Yung hindi mo naman inaano pero wala, chismosa lang talaga sya forever.
"Inggit much? And please, do me a favor. Don't ruin my day. Good morning!"
Ganito kami magbonding ni Sandra, nag-iiringan. She's one of the people that I love to hate. And maybe she feels the same way for me too. The feeling is mutual.
Binilisan ko na ang paglakad hanggang sa wakas nakarating na rin ako sa BA3 room.
"Oh, what's with the shawl?" Bati ni Kareen na kopyang-kopya ang paraan ng pagsasalita ni Sandra.
"Do not mess with me. My Dad is a lawyer." Biro ko.
Pero totoo talagang lawyer ang papa ko kaso hindi kami nakatira sa iisang bahay kasi pangalawang pamilya nya lang kami. Ayos lang, hindi naman sya nagkukulang sa amin ni mama.
"Seriously, what's with the shawl?"
"Ahh, w-wala binigay ni papa. Ang ganda diba? Bagay sa damit ko. He-he." Kahapon ko lang binili tong shawl at hindi talaga sya bagay sa damit ko. -_-
"At kelan pa bumagay ang pink na shawl sa puting shirt at jeans?" Oh no, masyado ata akong obvious.
"Ahh, hindi ba m-magandang tingnan? Akala ko okay lang hehe. Si Niña?" Pinilit kong ngumiti.
"Late as usual pero wag mong ibahin ang usapan. Alam kong may tinatago ka dyan sa likod ng shawl mo. Ano, tatanggalin mo yan o tatanggalin ko yan?"
Unti-unti syang lumapit sakin kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at tumakbo palabas ng classroom nang biglang bumangga ako sa dibdib ng isang napakatangkad na lalaki.
"Sorry, okay ka lang?"
Oopsie, patay ako kay Sandra nito. Nabangga ko lang naman ang ultimate crush nya na si Sol. Ang Mr. Intrams namin last year na kaka-shift lang sa Management mula sa college of Engineering (college kung saan nakatago lahat ng naggagwapuhang mga lalaki na hindi mo aakalain na nag-eexist sa school namin). Eksakto naman na nahila ni Kareen ang shawl mula sa ulo ko. Parang pelikula na slow motion na napatingin sakin si Sol at lahat ng mga tao na nasa kinatatayuan ko. Nakakatawang tingnan na sabay-sabay na lumaki ang mga butas ng ilong nila habang napanganga naman si Sol. Sinara ko muna bibig nya nang biglang...
"YOU CUT YOUR HAIR?!" Sigaw ni Sandra na umabot hanggang sa pinakadulo ng hallway. Nagsilabasan ang mga tao sa sigaw ni Sandra at napatingin sa direksyon ko.
"Ay hende! Pinahaba ko! Nakita mo namang umikli diba? Syempre ginupitan ko yan. Atsaka bakit ka nandito? Nasa kabilang dulo ka lang kanina ah."
"None of your business darling. Tingin-tingin din sa dinadaanan pag may time para hindi bumabangga kung saan."
Alam kong walang pupuntahan ang pakikipag argue ko sa kanya kaya naman
"MAY LUMILIPAD NA ASO!" Sigaw ko sabay turo sa bandang likuran nya. Lumingon silang lahat pati na si Sandra.
Mga uto-uto. Haha! Pumasok na agad ako at umupo. Marami pa akong dapat problemahin. Unang-una na sa listahan ang buhok ko.

BINABASA MO ANG
MY LAST FIRST KISS
Teen Fictionpano ba mag move on? a. magpagupit ng buhok b. idelete ang 20,000 messages sa convo thread nyo sa fb c. mangblock sa fb d. to fall inlove again Ehra, you have 20 mins to answer. Time starts now!