CHAPTER VIII

16 0 0
                                        

"Okay, we'll continue next meeting."

   Yun lang naalala ko sa mga sinabi ng professor namin sa history matapos ang 1 oras at 30 minutong diskusyon tungkol sa buhay ni Rizal sa Japan. Naubos ko na ang notebook ko sa kakadrawing ng likod ng mga classmates ko at kung ano pang matripan kong idrawing. Wala na ring space ang arm chair ko kasi puno na rin ng mukha nila Phineas and Ferb pati na sila spongebob at perey the platypus.

"Grabe, nakatulog ako kanina ah! Buti na lang hindi ako nahuli ni Sir. Hehe." Pagmamayabang ni Niña.

"Wow I'm so proud of you my friend." Sabi ni Kareen.

"Nin, bilisan mo na dyan baka ma-late pa tayo sa practice." Inemphasize talaga ni Kareen ang word na practice para mainggit ako. Hahahaha wala syang alam.

"Shattap ka nga dyan Kar, pag ako nagka-event humanda kayo. Haha"

"Wehh? Libre ka namin ng eat-all-you-can ni Niña pag nagka-event ka ngayong intrams." Nagtawanan sila.

"Well, ihanda nyo na ang mga bulsa nyo kasi sigurado akong hindi nako magiging audience ngayong intrams. Bwahahaha!"

"Oh siya hija, aalis na kami. Nga pala, may palista ngayon sa food committee try mo dun. Haha we love you Isay!" Sigaw ni Niña habang pinaliliguan ako ng halik at yakap.

"Asar nito, lasunin ko kayo dyan eh. Haha"

Nagpatuloy na sila sa paglalakad.

"Hoy pangit!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Sandra.

"Hoy mas pangit!" Sagot ko.

"Nakuha mo na number nya?"

"Yes hello, ako pa ba? Eh yung pinapagawa ko?"

"Okay na lahat, punta ka sa practice bukas, darating na yung kinontak kong coach nyo. Magaling yun." Sabay kindat sakin.

   Inabot ko na cp ko para makopya na nya ang number ni Sol. Mapapakain nanaman ako sa eat-all-you-can nito. Bwahahaha!

"Nga pala, wag mong kalimutan magdala ng mga gamit bukas. Magpaganda ka na rin para naman hindi nagmumukhang katulong si Sol pag kasama ka. Mukha ka kasing basahan eh. Hahaha!"

   Goooooosh! Tawang-tawa talaga sya sa joke nyang hindi nakakatawa! Tingnan lang natin kung replyan sya ni Sol! Haha! Tinitigan ko sya nang walang pinapakitang expression sa mukha.

"What?!!"

"iPhone ko po miss!!" Inemphasize ko yung iPhone para malaman nyang hindi. Ako. BASAHAN!!

"Ah, sorry darling. Anyways, alis nako lots of things to do."

"HIC!"

"What's HIC?"

"HELL I CARE!" Sigaw ko sabay talikod.

                         ***

"Ma'am sure na po ba kayo na itong soccer shoes nato ang bibilhin nyo?" Tanong ng saleslady matapos akong i-head-to-foot. Wala atang tiwala sakin ang babaeng to ah.

"Bakit miss? Mukha ba akong walang pambayad?"

   Lumalabas na ang usok sa tenga ko sa sobrang inis. Inakbayan ako ni Sol at hinimas ang balikat ko.

"Ah miss, bibilhin ng kapatid ko ang soccer shoes." Tiningnan ako ni Sol. Sumesenyas na makisakay nalag sa kanya.

"Ah yes sir, this way po."

"Alam namin." Bulong ko habang sinusundan ang saleslady.

   Tinanggal ni Sol ang kamay nya sa balikat ko tapos pinitik ang tenga ko ng malakas na malakas.

"Aray ko! Bat mo ginawa yun?!" Tumingala ako para lang makita mukha nya na nagmamaang maangan. Dun ko lang narealize na ang tangkad tangkad pala nya. Halos hanggang tadyang nya lang ako.

"Ang alin? Hindi ako ang pumitik sa tenga mo ah!"

"Bakit sinabi ko bang pinitik mo ko? Guilty."

"Palagi mo bang tinatarayan ang mga saleslady dito sa mall Ehra?"

"Well..."

"Well...?"

"Kasalanan naman nya yun eh. Kanina ko pa sya napapansing nakatingin sakin na para bang nanakawin ko yung sapatos na yun." I pouted.

"Sabi naman kasi sayong magbihis ka eh, yan tuloy napagkakamalan kang walang pambayad. Haha" pang-aasar nya sakin.

"Pareha naman tayong nakashorts, t-shirt na white at tsinelas ah! Bakit ako lang mukhang walang pambayad? Tsaka branded to." Lalo pang humaba nguso ko.

"Siguro kulang ka lang sa ayos." Tumingin sya sa mukha ko. Awkwaaard!

"Oo na, kasi ang pangit ng pagkakagupit sa buhok ko. Hindi naman kasi ito yung gusto kong--"

"--I like your hair."

O.o???

"Hindi ko alam kung compliment yan or whatever, pero thanks. Ikaw lang nakapagsabi nyan sakin." Nginitian ko sya.

Ahh I'm so touched, I wanna cry na. Haha

   Binayaran ko na yung sapatos ko sa cashier. Si Sol naman pinapila ko sa may baggage counter para kunin yung ibang pinamili.

"Isay, san ka namalimos?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Si Kevin! Lumingon ako.

"Excuse me Mr. Castro? Hindi ako namalimos. Nagwaldas ako ng pera. Hehe. Anong ginagawa mo dito Kebs?"

"Pumipili ako ng ireregalo kay Sherry. Ano bang maganda?"

"Wait, Sherry? Ibang babae nanaman ba yan?"

"Grabe, sa tono mo parang papalit-palit ako ng girlfriend ah. Sige na samahan mo ko."

"Ahm, Ehra..." parang nahihiyang tawag sakin ni Sol.

   Sabay kaming lumingon ni Kevin at pareha kaming na shock. Siya, nagulat kay Sol. Ako nagulat sa reaksyon nya. Tiningnan ako ni Kevin tapos tumingala kay Sol, tapos sakin tapos kay Sol nanaman at ngumiti. Yung malokong ngiti.

"May kasama ka pala Isay. At parang nakacouple shirt pa ata kayong dalawa." Hindi parin nawawala ang ngiti nya sa mukha.

   Sabay kaming napatingin ni Sol sa mga t-shirt namin.

"Anong pinamili nyo?"

"Gamit ko sa soccer Kev." Hahaha

"Soccer ang event mo sa intrams? Hahahahaha"

"Buhkhett? Anong masama dun?"

"Wala, hahahaha goodluck Isay. Hahaha"

"Uwi na kami Kev, good luck din sa regalo mo. Wag kang gagastos ng malaki ah para hindi ka masyadong ma-hurt pag binasted ka nya. Hahaha" tinapik-tapik ko likod nya.

MY LAST FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon