March 25, 2012
"Sige na Ehra, pumayag ka nang maging tayo." Pagmamakaawa sakin ni Juno sa chat.
Simula nung inaccept ako ni Juno sa facebook naging magkaibigan narin kami sa personal. Palagi niya akong iniimbita sa mga laro nila (kahit na alam kong tig picture at tig cheer lng ako sa kanya.) palagi kaming magka chat, at ako rin ang una nyang sinabihan na nagbreak na sila ng long-time girlfriend nya. Nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit Ehra ang tawag sakin ni Juno, kasi naman Ehra Ysabelle Mendez ang fullname ko. Isay tawag sakin ng mga kaibigan at family ko. Ehra naman sa mga hindi masyadong close.
"Ehr? Please, wag mo akong i-seen zone."
Isa pang katangian ni Juno, napaka impatient 'nya. Gusto nya lahat ng gusto nya nakukuha nya agad-agad.
What should I do?? Matagal mo na tong pinapangarap Isay. Ang maging girlfriend ang pinaka (insert adjective here) dabest na si Juno Paulo Mariano. Ang pangarap ng bawat babae sa school.
Pero ngayong halos abot-kamay ko na sya, parang hindi ako sigurado kung yun nga ba ang gusto kong maging papel sa buhay nya.
"Ilang linggo na lang gagraduate na 'ko. Sige ka, pag 'di ka pumayag di mo na ko makikita kahit kailan." Pahabol pa niya.
"Bakit ba? Ayoko nga. Bakit mamamatay ka na ba after graduation? Bored ka lang sa buhay mo. Ligawan mo muna ako ng isang taon."
"Grabe ka Ehr, pakipot ka talaga. Ang tagal naman ng isang taon. Pumayag ka lang ngayon, habang buhay kitang liligawan."
Asdfghjkl! Omg! Lahat ng tao alam na masyadong bolero si Juno pero iba pala talaga kung sayo na mismo sinabi ni Juno ang mga salitang yun. Dear heart, please stay calm :-)
"Syempre, ngayon lang ako magkakaboyfriend kaya dapat ligawan mo muna ako."
"Please Ehr."
"Anong sasabihin ko?" Tanong ko kina Kareen at Niña na kanina pa kumakain sa popcorn na niluto ko.
"One way to find out that he's into you, tanungin mo kung mahal ka nya." Sabi ni Kareen, ang pinakabitter saming tatlo.
"Oh please, hindi ba masyadong pathetic yun Kar? Iba nalang." Sagot ko.
"Bakit, mahal mo ba ako?" Kahit na ayoko, pikit mata kong pinindot ang enter para magka alaman na.
"Matututunan naman yan eh. Haha!" Reply ng walang hiyang si Juno.
OUCH! :-( :-(
BINABASA MO ANG
MY LAST FIRST KISS
Novela Juvenilpano ba mag move on? a. magpagupit ng buhok b. idelete ang 20,000 messages sa convo thread nyo sa fb c. mangblock sa fb d. to fall inlove again Ehra, you have 20 mins to answer. Time starts now!