Kriiiiiiiiiing!
Uwian na! Sa wakas masusuot ko na rin ang soccer attire ko. Makapunta nga sa field :-)
"Hi Ehra, anong ginagawa mo dito?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"Juno??!" Anong ginagawa niya dito??
"Oh, bat para kang nakakita ng multo?" Natawa sya, lumabas tuloy dimples nya.
Ang gwapo nya talaga gusto ko nang himatayin ngayon din!
"Akala ko kasi umuwi ka na. Anong ginagawa mo dito?"
Pinasok niya ang dalawang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya at nagsalita.
"Well since walang soccer players sa graduate school, I've decided na pumayag na lang sa request ni Sandra na maging coach ng soccer girls for 1 week. Mag-eexam narin kasi kami next-next week eh. Ikaw, ba't ka andito? Namiss mo ko no?"
"Wait lang, coach ka namin?"
"Namin?"
"Bat nyo inuulit mga sinasabi nyo?" Sabat ni Sandra na kanina pa pala nakatayo sa likod namin.
"Hi Juno, darling. I'm glad na pumayag ka sa request ko. You're our hero in disguise. I'm like hopeless na talaga looking for a coach but then I remembered you."
Hay naku, oa forever talaga to si Sandra!
"You're welcome Sandra. But I'm afraid hindi na'ko available next week. May nakita ka na bang coach?"
"All set. Don't worry, naayos ko na lahat." Lumapit si Sandra kay Juno at pinagpagan ang shirt nya.
"May dumi ka sa damit mo." Sabay titig kay Juno. Si Juno naman halatang gustong-gusto rin.
"Wala namang dumi ah." Inis kong sabat.
"Meron, tinanggal ko na." Inirapan ako ni Sandra.
"Ah, thanks Sandra. I guess we'll go ahead? 5:37 na kasi. Ehra, let's go?"
Naglakad kami papuntang field. Lumingon ako sa kinatatayuan ni Sandra at nagpout ng lips. Haha si Sandra naman hindi natago ang inis.
***
"Okay guys, since this is our first meeting, why don't we introduce ourselves first? Let's start with the beautiful lady there." Sabay turo sakin.
Lumingon ako sa likod.
"Ako?" Tanong ko. Hindi ko sigurado kung ako, sabi nya kasi beautiful lady eh. Haha.
"Yep, please."
"Hello, I'm Ehra. First ko to kaya sana patience lang. Thank you :-)" umupo ako.
Ako pala talaga yung beautiful lady na tinutukoy nya. Sa sobrang kaba ko hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko kanina. Medyo kumakalma na puso ko pero di parin ako makaconcentrate. Nagsitayuan silang lahat, wala man lang akong ka-alam alam sa mga pangyayari.
"Ahm, ano daw gagawin?" Tanong ko sa katabi ko.
"Mag wawarm-up daw, tapos jogging tapos tuturuan tayong magcontrol ng bola."
"Ah, thanks! I'm Ehra." Inabot ko kamay ko.
"Kaycee." Nagshake hands kami.
"Ehra, why don't you join me here in front?"
Ako nanaman?! Patay, ang puso ko.
"Kinakabahan ka ata?" Puna ni Juno habang pinapakita ang first figure.
"Hindi ah, bat naman ako kakabahan?"
"Para kasing may nakilala ka nang chicks dun eh." Sabay lingon kay Kaycee.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi. Ako. Tomboy!" Asar kong sagot. Sa sobrang asar ko parang nastretch ko ata ng todo paa ko.
"Kung di ka tomboy, bat di mo ko sinagot?" Nagchange figure na.
"Sabi ko naman kasi sayo ligawan mo ko ng isang taon eh." Reverse na ng figure.
"Kung di ka tomboy, ikiss mo nga ako." Sabay ngiti at humarap sa team mates ko.
"Okay guys, iikutin natin ang buong field. Starting from this point, papunta sa mga nagtatae kwon do, then sa mga nag sosoft ball, sa mga couples, sa mga nasosoccer then balik dito. Okay ba yun sa inyo? Let's start now."
"Pag di mo ko naabutan may kiss ako sayo." Bulong nya sakin sabay takbo.
Hinabol ko naman sya. Nagmukha tuloy marathon ang jogging namin. Paglingon ko sa mga team mates ko hindi pa sila nakaka abot sa mga nagtatae kwon do samantalang kami ni Juno nasa mga couples na. Pagtingin ko naman sa harap ko naunahan nako ni Juno kaya nilevel 5 ko na ang pagtakbo ko hanggang sa sabay kaminh makarating ni Juno sa finish line nang humihingal.
"Ang bilis mo palang tumakbo Ehr. I guess hindi kita makikiss ngayong araw nato."
"Well, tomorrow doesn't look good either. Masyado mo kasi akong minaliit." Umupo ako sa damuhan sa sobrang pagod.
"Inom ka muna Ehra." Inabot sakin ni Juno ang bottled water nya.
"San to galing?"
"Sa puso ko." Sabay kindat. Ininom ko agad yung tubig na binigay nya. Wala naman siguro tong gayuma, o lason. Hehe
Hindi pa nagtagal nagsidatingan na rin yung iba naming kasama. Nagwater break muna sila ng 15 mins at nagpatuloy na sa pagcontrol ng bola.

BINABASA MO ANG
MY LAST FIRST KISS
Teen Fictionpano ba mag move on? a. magpagupit ng buhok b. idelete ang 20,000 messages sa convo thread nyo sa fb c. mangblock sa fb d. to fall inlove again Ehra, you have 20 mins to answer. Time starts now!