"Sinayang mo buhok mo dun?!" Natalsikan ako ng laway ni Niña sa mukha sa sobrang OA ng reaksyon nya.
Hindi ako umimik. Ganun naman kasi ang uso eh, pag broken hearted magpapagupit. New life kumbaga.
"Alam naman nating sa umpisa pa lang na hindi ka naman talaga mahal ni Juno diba? Sinayang mo buhok mo Isay." Sabi ni Kareen habang hinahaplos ang likod ko.
"Wow ha, para namang hindi sayo galing yung idea na tanungin si Juno about sa mahal thingy na yan. Sana iba nalang tinanong ko like, kung mas prefer nya ba ang mayo kesa cheese na palaman o kung gusto nya ba ng world peace. Anything but love!" Naiiyak na tuloy ulit ako.
"Mas mabuti nang straight to the point, Isay. See? Nalaman natin agad na hindi ka nya mahal." Pagtatanggol ni Kareen sa sarili sabay kindat.
Nasasabi nyo lang yan kasi mas sarili na kayong mga boyfriends :(
Gusto kong umiyak pero ayaw ng mata kong lumuha. Siguro hindi talaga worth it iyakan si Juno. Kumain na lang ako ng crackers at uminom ng maraming maraming tubig.
"Magkakalove life ka rin Isay tiwala lang." Biglang bulong ni Kevin na sa sobrang gulat ko, nabuga ko tuloy sa mukha nya yung iniinom kong tubig.
"Salamat ah." Kinuha nya yung panyo ko at pinunas sa mukha nya.
"Sipon mo oh tumutulo na." Sabi nya sabay tapon ng nabasa kong panyo sa mukha ko.
"Wala naman ah!"
"Jinojoke lang kita. Haha! Ang seryoso mo kasi eh, di bagay sayo. Usog nga dun." Umusog ako ng konti.
"Pumangit ka Isay! Parang may nagbago sayo, teka.." hinawakan nya baba ko para maikot nya ulo ko.
"Buhok ko Kev!" Sabat ko sabay palo sa kamay nya.
"Ah I see. Haha! Sabi ko naman sayo wag mo nang replyan ang Junong yun. Ang chickboy kaya nun atsaka ang tanda na nya. Humanap ka nalang ng ka-age mo."
"No Kevs, I'm tired. Ayoko na talaga. Kaya ko nga ginupitan buhok ko para wala nang magkagusto sakin eh. Haha." Sumimangot si Kevin tanda ng hindi nya pag sang-ayon. Tinapunan ko sya ng crackers sa mukha at napatingin kina Kareen at Niña na sobrang busy sa kakatext sa boyfies nila. Buti na lang nandyan si Kevin.
Hindi ko naman talaga balak na gupitan ang buhok ko na ganito kaikli. Pinaghirapan ko kaya tong pahabain ng 1 year para lang ma-achieve ang Sam Pinto look. :-(
Sabi ko naman kasi sa bakla Marian Rivera ang gusto kong gupit. Kaso paglabas ko ng parlor, si Amy Perez na naging kamukha ko. Badtrip talaga. -_-

BINABASA MO ANG
MY LAST FIRST KISS
Teen Fictionpano ba mag move on? a. magpagupit ng buhok b. idelete ang 20,000 messages sa convo thread nyo sa fb c. mangblock sa fb d. to fall inlove again Ehra, you have 20 mins to answer. Time starts now!