prologue

20 3 0
                                    

Nanlamig ang buo kung katawan habang nakatingin sa mga mata nya. Ang mga matang hinding hindi ko makakalimutan kahit sa kumabilang buhay man ako.

Naramdaman ko narin na may lumabas na dugo sa bibig ko. Napahawak ako sa kamay nyang nakahawak ng patalim na nakasaksak sa tyan ko.

"W-why?" Tanong ko sa kanya.

Saglit na may dumaang emosyon sa kanyang mga mata na agad namang nawala.

Unti-unting nanlabo ang mga mata ko. Pagod narin ang katawan ko sa pakikipaglaban. May mga sugat rin sa katawan ko. Akala ko makakaya ko pa. Akala ko mabubuhay pa ako pero ito na ata ang huling araw ko.

Bumagsak ako sa sahig. Unti-unti naring nanglabo sa pandinig ko ang kaguluhan sa labas. Ang mga sigawan ng mga tao.

Bago pa man ako mapapikit ay nakita ko sa kahuli-hulihang hininga ko ang mukha nya. Ang matangos nitong ilong na kinukurot ko pagpinanggigilan ko, ang mga mapupula nitong mga labi, at higit sa lahat ang pinakagusto kung parte sa mukha niya, ang mga mata nya. Ang mga mata ng taong minahal ko. Ang mga matang nagpapalakas ng tibok ng puso ko.

Masaya ako. Masaya akong makita sya na maayos ang lagay nya. Even my last breath, I don't regret that I was stranded in their world but I am thankful that I met him, I met them.

Marami mang pagsubok na dumaan saming dalawa ay hindi ko parin sinuko ang naramdaman ko sa taong to kahit na matagal nya ng gustong marinig ang mga salitang yon,  hinding hindi ko kakalimutang may minahal akong isang kagaya niya.

Bago pa mawala na ako sa mundo, binigkas ko ang katagang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya. Ang mga salitang matagal nya ng hinihintay na marinig sakin na ipinagkait ko sa kanya.

"I love you"

The magical symbol of sylvester academyWhere stories live. Discover now