chapter 3

30 9 0
                                    

♤The talking door♤

Agad akong napabangon pagkamulat ko ng maalala ang pintong nagsalita. Hindi ko alam kung pano nangyari yun. Maybe it is just a dream. Right, panaginip lang yun. Sinuyod ko ang paligid ng makitang hindi ito pamilyar sakin. I was almost amazed at the spacious room. I saw statues, there were antiques, I also saw something like a sphere that was big and made of a metal.

I also saw the large chandelier na nakasabit sa gitna. May mga lamp walls rin sa bawat sulok at ang mas nakakamangha ay yung wall na may nakaukit na salita pero hindi ko alam kung ano dahil nakasulat ito sa ibang lenggwahe. Tumayo ako para lapitan ang mga nakaukit. I was about to touch the letters when someone interrupted. I turn my back and saw the man standing not so far away from me. Siguro nasa 30's na ito, gwapo naman ang taong nasa harapan ko kaya lang nakaka-distract yung balbas niya.

"I'm glad that you're awake, Ms.White"

Napasinghap ako, hindi dahil maganda ang baritonong boses nito kungdi dahil sa sinabi niya.

"K-kilala mo ako?"

Hindi ako nito sinagot. Ngumiti lang ito at naglakad papunta sa mesa na nakapwesto sa may gitna.

"How did you get here, Ms.White?" Bagkus ay tanong nito sakin. Napaisip ako sa tanong niya. Hindi ko rin alam. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sakin ngayon. Sa dami ng nangyari sakin sumasakit ang ulo ko.

"Hindi ko alam" mahinang sagot ko sa kanya

His eyebrows rose at my answer. He looked at me carefully as if it were scanning me to see if I was telling the truth.

"Look, alam kung ngayon lang tayo nagkita. Hindi kita kilala at ganon ka rin sakin--" may naalala ako bigla, tumikhim ako at nagsalita ulit "rephrase the last part...kilala mo nga pala ako. Anyway so, ayun nga. Hindi purkit ngayon lang tayo nagkita ay--wait! Teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag dito?" Nagkibit balikat lang yung lalaki sabay tawa.

Naaaliw pa yata sakin. Ang gwapo talaga ng taong to. Kung andito yung dalawang kaibigan kung bruha siguradong nangisay na yun sa kilig. Nakakadala kasi ng tawa ang taong nasa harapan ko kaya lang badtrip yung bigote niya e.

Tumigil ito sa pagtawa at hinawakan ang bigote. Nakatingin parin ito sakin na parang pinag-isip ng mabuti kung ano ang gagawin niya sakin.

"Im headmaster Hezron. Please take a sit Ms.White" inuwestra nito ang sofang hinigaan ko kanina. Nakita ko rin dun ang bag ko sa gilid. Kinuha ko yun at umupo.

"Pano ba ako makakauwi samin Mr. Headmaster?" Ayaw ko mang hingiin ang tulong nito, pero wala na akong choice. Siguradong pag-lumabas ako dito ay maliligaw ako. Dito palang sa loob ng silid nato ay malaki na pano pa kaya kung lamabas ako dito.

"Headmaster Hezron" pagtatama nito.

"Oh! Okay, Mr. Headmaster Hez-"

"Cut the 'Mr'. Its Headmaster Hezron" he cut. Ang OA naman ng taong to. Parehas lang rin naman yun ha. Pasalamat nga siya nilagyan ko pa ng 'Mr'

Tumango ako saka inulit nalang ang pagsabi ng "Headmaster Hezron" Ngumiti siya sakin ng makuntento.

"Actually there's no other way to go out of this academy, Ms.White"

"What?" Napatayo ako sa nalaman. Is he kidding me? Pano namang walang paraan para makalabas ako dito? Manloloko ata to e. Tadyakan ko na kaya. Kaloka!

"But--I can offer a deal for you while you're staying here"

"Wait, hindi ako pwedeng mag-stay dito. I need to go home." Baka kung ano pa ang gawin niyo sakin. Malay ko bang kidnapper kayo, o di kaya kuta ito ng mga drug lord tas may ipapagawa sakin o baka naman human trafficking to.

The magical symbol of sylvester academyWhere stories live. Discover now