chapter 5

24 9 0
                                    

♤Symbol: Invitation battle♤

I was taken aback because of the question. Para akong tinapunan ng bomba at sumabog mismo sa harapan ko. Sobrang kaba na ang sumisibol sa dibdib ko at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi man halata sa mukha ko ang kaba ay napatingin ako sa gawi ni Jenny na halatang kinakabahan rin sa mangyayari, si Samira naman ay naghihintay rin sa sasabihin ko gaya ng iba. Nakalimutan ko na hindi niya pala alam ang totoo.

"Oh mah gash... isa kang mortal" gulat akong napatingin sa babaeng nakatayo at napatakip pa ng bibig. Lahat sila ay napasinghap maliban kay Jenny.

Pano niya nalaman yun? Isa ba siyang mind reader? Hindi ba bawal ang gumamit ng kapangyarihan?

"Totoo ba ang sinasabi mo, Mia?"

"Hindi pwedeng mangyari yun"

"Naglolokuhan ba tayo dito. That's impossible. Walang mortal na makakapasok sa portal"

"He's right"

Nagkagulo na ang lahat dahil sa tanong na iyon. Ganun ba ka importante sa kanila ang bagay na yun?

"What are you, Ms. White?" Mas lalo akong kinabahan ng magtanong si Mrs. Alvadina. Nanginginig na ang mga kamay ko dahil na rin sa tensyon sa loob ng room.

Nagbilang ako ng hanggang tatlo at huminga rin ng tatlong beses gaya ng mga ginagawa ko pag nasa isang tournament. I need to calm myself. Hinawakan ko ng mabuti ang left hand ko na sobra ang panginginig. I can do this. Mas mabuting alam nila na isa lang akong mortal kaya lang malalagay ako sa alanganing sitwasyon.

"I-i'm...

"She haven't know her power."

Nagkasalubong ang mga mata namin ni Jenny. Tila ba may sinasabi siya sakin pero hindi ko alam kung ano.

"She's lying" sabi ulit ni Mia na nakaturo kay Jenny. Kinabahan tuloy ako na baka madamay si Jenny dahil sakin.

Kasalanan ito ni Headmaster e. Kung sinabi niya sana sakin kung anong klaseng lugar to edi sana naging handa ako sa lahat.

"Isa lang naman ang paraan para malaman natin kung isa ba talaga siyang mortal. And since sinabi ni Jenny na hindi pa niya alam ang kakayahan niya then why not to force her to show what she got" komento ng isang babaeng kulot ang buhok. Napalunok naman ako sa sinabi niya lalo na't isa pala siyang Alivans.

Alivants na dapat kung iwasan gaya ng sabi ni Jenny. Bigla ay may naramdaman akong isang bagay na papunta sakin. Mabuti nalang at malakas akong makiramdam sa paligid at mabilis akong kumilos kaya nakaiwas ako. Pigil hininga akong napatingin sa punyal na nakabaon sa pader. Napansin ko na may red diamond ang hawakan nito.

"That's my symbol, accept it and we will fight after two days"

------

Nakatanga lang ako sa kinahihigaan ko habang sina Jenny naman at Samira ay maingay na nag-uusap tungkol sa magaganap na laban namin ni Lira.

"walang laban ang isang mortal sa isang kagaya ni Lira na may vampire energy"

"Kaya nga kailangan nating gumawa ng paraan. Kung bakit pa kasi tinanggap ng isa dyan ang hamon" paparinig ni Samira sakin.

Nandito kami sa kwarto ko para pag-usapan ang nangyari. Kalat na rin sa buong academy ang tungkol sa laban na magaganap kaya maraming excited na manuod. Alam narin nila kung para saan yung laban. Hindi nga sila naniniwala na may nakapasok na mortal kasi nga imposible raw yun. Yung iba ay nakapag-judge na agad at tingin palang ay pamatay na.

Pinuntahan ko na si headmaster kanina sa office niya. Wala siyang ibang sinabi kung di 'panindigan mo ang ginawa mong desisyon'. E siya kaya tong nagdesisyon na dumito ako.

The magical symbol of sylvester academyWhere stories live. Discover now