chapter 7

29 6 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon at naghanda na para pumasok. Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa pinto ng kwarto ni Jenny. Kakatok na sana ako nung bumukas ito at bumungad sa harapan ko ang babaeng kakagising lang at humihikab pa.

"Good morning" bati niya sakin. "Ang aga mo ngayon ha"

"Maaga ka diyan. Late ka na at malapit nang umusok ang ilong ni Samira dun sa cafeteria" agad naman nanglaki ang mata niya at walang ano-ano'y sinara ang pinto.

Napailing ako sa ginawa ni Jenny. I'm sure yung ilong niya ang uusok pagnalaman niyang gino-good time ko lang siya.

Umupo ako sa sofa habang naghintay na matapos si Jen. Ilang minuto ang lumipas ay malakas na bumukas ang pinto ng kwarto ni Jen at lumabas na nakabihis na.

"Walang hiya ka talaga Dev" sigaw niya sakin. Tumayo naman agad ako at kumiripas sa paglabas ng dorm habang tumatawa.

------

Hindi ko mapigilan ang sarili na tumawa pagtumingin ako kay Jen na umiirap saming dalawa ni Samira.

"Hahaha...buti nga sayo Jen" pangangasar ni Samira habang tumawa. Nagulat pa nga siya kanina na mas nauna pa sa kanya si Jen sa spot namin dito sa cafeteria.

Umirap ulit si Jen at mas lalong nakasimangot "I hate you both"

"Yah, you did" turan ko sa kanya at nakipag-hi-five kay Samira.

Habang tumatawa ay hindi ko mapigilang tingnan ang dalawa sa harapan ko. Si Jen na dorm mate ko, Mabait at friendly ay nakasimangot habang kumakain. Si Samira naman na pinagtawanan si Jen, siya yung taong medyo mataray sa panglabas na anyo pero mabait naman. Hindi ko akalain makakilala ako ng kagaya nila. Ilang araw palang kaming magkakilala pero napaka-komportable nilang kasama. They are one of a kind.

When I was in my world, two months pa bago ako nagkaroon ng kaibigan. Daphne and Athena are my friends but not that I can called best friend. May kanya-kanya kaming kwento kaya naging magkaibigan kami. Nagkakasundo lang kami pagdating sa mga kalokohan pero pagdating sa ibang bagay ay kanya-kanya kami. Hindi kami yung klasing magkaibigan na nagse-share ng mga secrets but we comforts ourselves by partying or making some pranks and we also gave advices to each other. Kanya-kanya ring lait.

Kaya no doubt na takot ang ibang schoolmates namin samin. Sila kasi yung pagti-tripan namin pag wala kaming magawa at pag pinatawag sa office kanya-kanya kaming gagawa ng escape goat at kung kailangan ilaglag ang isa, bakit hindi? Hindi kami yung taong marunong pagtakpan ang kasama. We don't care to each other, ang importante we enjoy the scene.

"Hey, there." Nahinto ang tawanan namin at napatingin sa taong nagsalita. Napakunot noo ako ng makita si Zilly na kumakaway sa kinaroroonan namin habang lumalapit. Kasama niya pa ang dalawa pang babae na palagi niyang kasama.

"Is this for real?"

"The elites"

"They're really amazing and the coolest ever"

"What the hell is happening? Bakit sila nandito?"

Napatayo ako ng lumapit ito sakin at yumakap. Maraming nagulat sa ginawa niya pati narin ako. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko ng bumitaw ito sa pagyakap sakin.

"Pwede maki-share ng table?" She innocently asked.

Napakurap-kurap ako at wala sa sariling napalingon sa dalawa kong kasama na nakanganga at hindi makapaniwala sa nangyayari. Either me, ayaw i-digest ng utak ko.

First, bakit sila nandito sa cafeteria. Well, there's nothing wrong for coming here but the fact that its breakfast time? What the fuck, is this for real? Second, is she asking me to let her join us- perhaps them. And lastly, bakit dito pa sila sa table namin kung marami namang iba dyan at saka may sariling table naman sila.

The magical symbol of sylvester academyWhere stories live. Discover now