chapter 4

24 8 0
                                    

♤Levels: Elite♤

I looked around us as we walked down the hallway. Nakakamangha talaga ang lugar nato, halos ata lahat ng dinadaanan namin hindi naubusan ng lampwall, their hallway is big and airy.

May ibang estudyante na naglalakad rin sa hallway. Nang napansin ko na may nakatingin sakin ay agad akong napayuko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Hey! Wag kang matakot. I'm here. Akong bahala sayo" Jenny said. Napansin niya siguro na hindi ako komportable. Ngumiti lang ako sa kanya.

Pumasok kami sa isang nakabukas na double door na nag-uusap. Hanggang ngayon kinikilabutan ako pagnaalala ang pag-uusap namin ng pinto namin sa dorm. Akala ko advance technology lang yun.

Parang normal lang naman ang loob ng cafeteria nila. Malaki ito at maraming tables and chairs. Mas lalong hindi ako naging komportable dahil sa dami ng tao dito. Sabay kaming napalingon ni Jenny ng may biglang tumawag at kumaway sa kanya.

"Oiy! Samira" ngumiting kumaway rin si Jenny dito. Hinila ako ni Jenny papunta dun sa babae.

"Late kana naman" saby irap nung babae habang umiinom ito ng tubig.

"Ito naman, parang hindi pa ko kilala" natatawang umupo si Jenny. Hinila niya ulit ako para umupo kaya napatingin sakin yung babae. "Anyway, this is Devany my roommate. Devany this is my friend, Samira" pagpakilala ni Jenny samin. Tumango lang ako kay Samira na nakangiti sakin.

"Ow... Allions" sambit niya habang nakatingin sa necktie ko. Napatingin rin ako sa necktie niya. 'Alivans' at may red gem sa dulo ng necktie. Napatingin ako sa mga tao na busy sa pagkain para tingnan ang mga necktie nila. Hindi ko masyadong nakita ang nakalagay sa necktie nila pero iba-iba ang kulay ng gem nila, may blue, yellow, green at red. Tiningnan ko rin ang kay Jenny 'Ventrox' ang nakalagay at yellow ang gem nito.

"I'll tell you about that later. Umorder muna tayo" sumunod lang ako kay Jenny at iniwan muna sandali si Samira. Hindi naman masyadong mataas ang pila kaya naka-order agad kami pagkatapos ay bumalik sa table namin. Nagsimula na kaming kumain habang ngiting-ngiting nakatingin sakin si Samira. Ang creapy niya at nakakailang siya kung tumingin sakin.

"About the levels" panimula ni Samira. Huminto naman sa pagkain si Jenny at tumingin sakin

"Sorry, muntik ko nang makalimutan. Gutom lang talaga ako. And about that thing" uminom muna ng tubig si Jenny bago pinagpatuloy ang sasabihin niya. "Dito kasi Dev, may iba't ibang levels depende sa kakayahan mo. Ang green gem kayo yun" tinuro niya ako. "Nasa low level pa or yung mga newbie na kailangan pa ng insayo para ma enhance pa ng mabuti ang ability."

"In sort mahihina" sabat naman ni Samira. Sinamaan ito ng tingin ni Jenny pero nagkibit balikat lang ito. "Just telling the truth"

"Well, yung yellow gem naman ay Ventrox. Sila ang may pagbabago sa kapangyarihan, kaya na nilang magkontrol ng abilities ng hindi nanghihina. At isa nako dun" nakangiting saad ni Jen. "Red gem naman sa Alivans. Mas may alam na sila sa abilities nila. Above sila sa Ventrox. At mahilig sila maghanap ng away para mapalevel up pa sila lalo"

"So, you were saying?" Tinaasan ni Samira ng kilay si Jen na agad namang nagpeace sign.

"Uhm ... not everyone but be careful Dev especially in your situation" She warned me "anyway, the fourth is Cremtron which is the blue gem. Sila na yung mga malalakas at cool. Wala kang ikabahala sa kanila dahil mababait naman ang mga Cremtron. And lastly ang mga Elite, the orange Gem"

"Orange?" Sabi ko. Tumingin ulit ako sa paligid para tingnan kung may orange gem ba talaga.

"Oh...no" tumingin ako kay Jen ng pinagtawanan ako "you can't easily see them. Ang Elite ay may sampung membro lang. Hindi mo sila makikita dito sa cafeteria ng ganito kaaga. Dun sila kumakain sa sarili nilang dorm building. Sa lunch mo lang sila makikita dito. And you see that?" May itinuro siyang mahabang table na maraming upuan at nakapwesto sa malapit na bintana "diyan sila palaging umuupo" tumango-tango ako habang nakatingin parin sa itinuro niya.

The magical symbol of sylvester academyWhere stories live. Discover now