chapter 6

26 7 0
                                    

♤Elite vs mortal♤

Papunta kami ngayon sa sunod na klase namin, it's all about weapon. Hindi ko alam na may ganun pala dito. Ang ikinataka ko lang sa academy nato ay wala silang course. Walang mga subject gaya ng math, english, science at ano pa na meron sa dating school ko.

Pumasok na kami sa isang malaking silid na wala man lang ibang gamit maliban sa mga weapons na nakikita ko na nakalagay sa isang mahabang mesa sa harapan kung saan andun ang isang pamilyar na lalaki.

Siya yun. Siya yung lalaking pumasok sa infirmary. Si Dalton Hosler. Kung ganun isa siyang professor dito.

Nakatayo lang kaming lahat habang nakatingin kay Sir Hosler na malaki ang ngiti sa labi.

"Hello students. So, you're here for your great physical and mental strength, in short ite-test natin ang stamina niyo. Tingnan natin kung ano ang kaya niyong gawin. Nakikita niyo ba ang mga weapons na nasa harapan niyo?" Inuwestra niya ang mga sandata na nasa gilid niya. "Pipili kayo ng weapon kung ano ang gusto niyong gamitin. And of course kayo rin ang pipili kung sino ang makakalaban niyo. Who wants to volunteer?"

Walang nagsalita samin. Until someone raised her hand. Isa siya sa mga Elites. Lima lang sila ang nandito ngayon. Tatlong babae at dalawang lalaki. Mabuti nalang at wala dito yung lalaking may pula ang buhok. Baka kung ano na naman ang ibintang sakin nun.

Ngumiti naman si Sir Hosler sa babaeng chinita na brown ang buhok.

"Pumili ka ng sandatang gagamitin mo Chyna." Sabi ni Sir Hosler. Chyna pala ang pangalan niya.

Ngiting-ngiting lumapit ang Elite na si Chyna sa mga nakahilerang sandata sa mahabang table. Kinuha niya ang isang espada. Sinubukan niya itong iniwasiwas saka ito humarap samin at itinuro sa isa pa niyang kasamang Elite na babae.

"Lets play, Zara" sabi niya dun sa babaeng pure blue at may highlight na puti ang buhok.

"Sure"

Lumapit din ito sa mga sandata at pumili rin ng espada. Nang nakapili na siya ay pumunta sila sa gitna. Kami naman ay umupo sa gilid at pinalibutan sila.

Iniwasiwas ni Chyna ang kanyang espada at ganon din ang ginawa ni Zara habang nagpaikot-ikot sila. Pareho silang alerto sa bawat kilos nila.

Unang umatake si Chyna. Agad na nasangga ng espada ni Zara ang kay Chyna. Sabay silang ngumiti at umatras. Umatake ulit si Chyna ng sunod-sunod pero nasasangga lang ito ni Zara. Pareho silang magaling sa sandatang napili nila. Agad na nagbackflip si Zara kasabay ang pagsipa sa balikat ni Chyna na hindi inasahan ang gagawin nito.

Napaatras si Chyna at napasimangot dahil naisahan siya. Umatake si Zara na agad naman naiwasan ni Chyna. Maya-maya lang ay sabay na silang sumugod at isang malakas na kalansing ng espada ang narinig namin.

"Okay that's enough girls. Baka bukas pa kayo matapos niyan" sabi ni sir Hosler sa kanilang dalawa.

"Ang daya, hindi pa ako nakaganti" nakasimangot na sinauli ni Chyna ang espada niya.

"Ang hina mo kasi" pang-aasar naman sa kanya ni Zara

Pagkatapos nila ay yung dalawang elite na lalaki naman ang sumalang. Nalaman ko na Bryson pala ang pangalan nung isa at Xenon naman ang kalaban nito. Kunai ang ginamit ni Bryson at throwing knife naman ang ginamit ni Xenon. Pareho nilang naiiwasan ang bawat bato nila. Ni hindi man lang sila napuruhan at bawat kilos nila ay mabilis. Nung matapos sila ay pareho silang hinihingal at nagtawanan. Parang laro lang ang tingin nila sa labanan na ito.

Marami pa ang sumunod na sumalang. Tapos narin sina Samira at Jenny. Sila ang magkalaban at pareho silang magaling na gumamit ng espada. Nasugatan ni Samira si Jenny sa braso pero pinagaling rin naman agad ni Samira ng matapos sila.

The magical symbol of sylvester academyWhere stories live. Discover now