Chapter 10

3 4 0
                                    

Many student signed of what had happened. I open my eyes and saw the shock on her eyes as I looked at the sword I had stabbed on her stomach

Napahakbang ito pa atras sakin. Napatingin rin ako sa mga kamay ko na may bahid ng dugo na ngayon ay nanginginig sa nagawa ko.

N-nagawa ko yon? Ako ang g-gumawa non.

Nakaramdam ako ng takot sa sarili at para kay Lira.

"Ha- hahahaha" I gazed her in horror on my face.

Napalaki ang mga mata ko ng makita ko kung pano nya hugutin sa katawan ang espada at naghilom ang sugat nito. Darn it. Like the power of a vampire.

Right. Bakit ko ba nakalimutan yon.

"It's time"

"Yeah, don't cry whatever happens to me. Ayaw kong parang namatay ako pag-umiyak kayo"

" You wish" sabay na saad ng dalawa. Ngumiti lang ako at bubuksan na sana ang pinto ng biglang pinigilan ako sa kamay ni Sam at may parang maliit na bote itong inabot sakin. It's a potion bottle.

"Ano to?" Nagtataka ko itong tiningnan. Parang tubig lang ang nasa loob nito.

"Anti-vampire potion. Gamitin mo yan sa paghaharap niyo ni Lira. Ibuhos mo yan sa sandata mo."

Nakapa ko sa bulsa ko ang maliit na bote ng maalala ko ang sinabi ni Sam sakin. Shit

Si Lira naman ngayon ang nagwasiwas ng espada sa harapan ko at tila demonyong nakatingin sakin ang mga mata nya at bigla niyang isinaksak sa kaliwang balikat ko na nagpasigaw sakin ng malakas.

"Ahhhhhh!!!" Di pa sya nakuntento ay idiniin nya pa ito sakin. Marami naring dugo ang lumabas sa may balikat ko at ganon rin sa likod ko.

Kasabay sa malakas ng sigaw ko sa sakit ng dulot nito ay ang malakas rin nitong tawa.

"Common, Ms. Whites. Is this how far you can go? Ni hindi man lang ako pinagpawisan sayo" agad nyang hinugot ang espada sa balikat ko. Naramdaman ko narin ang unti-unti pagpikit ng mga mata ko.

"Wala ka pala e" narinig ko ang pagbitiw nito sa espada at ang pagtalikod nito sakin.

Papapikit na ng tuluyan ang mga mata ko ng mahagip sa paningin ko ang dalawa kong kaibigan na nagmamadaling bumaba sa bleachers sa inataas, nahagip rin sa paningin ko ang espada at naramdaman ko rin ang maliit na boting nasa bulsa ko.

Hindi. Hindi. Hindi.

Naitukod ko ang kanang kamay ko sa sahig para suportahan ang bigat ng katawan ko para hindi ako bumagsak.

Hindi pa ako pwedeng mawalan ng malay. Ito lang ang paraan para sa tahimik kong buhay dito. Hindi pa pwede.

I took the sword in front of me. With this I slowly stood up. Even though my left shoulder ached I still took the bottle in my pocket.

"H-hindi p-pa ako tapos" humihingal kong sabi kay Lira.

Lumingon ito sa gawi ko na may inis sa mukha.

"Gusto mo ba talagang mamatay?"

I did not answer her. I just opened the bottle with my teeth. I didn't have a hard time removing the corks and I didn't care that I spit it on my side.

Binuhos ko ang laman sa sandata ko pagkatapos ay tinapon ko ito sa likod ko.

"T-This time. S-sisiguraduhin k-ko na tatablan ka ng e-espada ko." Ginawa ko ang Ochs posture at pinadaan ang dalawang daliri ko sa gilid ng espada hanggang sa matulis na parte nito. Sinisigurado ko na nalagyan din ang parting iyon.

Nanggigigil sa galit si Lira at pinahaba ulit ang mga matutulis nitong mga kuko.

Bumuga ako ng malalim na hininga at ipinikit ang mga mata ko. Kung hindi ko man sya makikita sa mga mata ko mas mabuting gamitin ko nalang ang pangdama ko.

Di na nagtagal ay naramdaman ko ang pagkilos ni Lira. Nagpaikot-ikot ito sakin kaya pinakiramdaman ko sya ng mabuti kung saang parte sya aatake.

Agad akong umikot ng maramdaman kong aatake ito sa likod ko. Kasabay ng pag-ikot ko ay ang mabilis na kilos ko and slash the blade on her. Napasigaw ito sa sakit.

Hinawakan nito ang kanang brasong muntik ng maputol.  Hindi na naghihilom ang sugat nito at tumutulo ang mga dugo.

"You bitch" inuwestra nito ang kaliwang kamay nito at akma akong susugurin.

I avoided her attack and when I was on her side I immediately turned my sword around with my hand and stabbed her in the back as I turned my back on her. This time, sigurado na akong tatablan na sya.

Naramdaman ko ang pagsuka ng dugo ni Lira. Hinugot ko ang espada ko at ng marinig ko ang pagbagsak nito ay agad kong binitawan ang sandata ko. Bigla ay napaigik ako ng maramdaman ang nasugatan kong tiyan gawa sa mga matutulis na kuko ni Lira. I didn't even feel the pain before when I stabbed Lira. Maybe my body is numb as a result of the wounds I received. I spit out blood. I know it was all because I was forcing my body.

"Devany" napatingin ako kay Jen sa di kalayuan na nakatayo saibaba ng bilog na inaapakan ko.

Nakita ko rin si Sam na nagmamadaling umakyat sa hagdan at tumakbo papunta sakin.

"I-I d-did it" I mouthed

And this time, gusto na talagang pumikit ng mga mata ko at gusto ng magpahinga ng katawan ko.

Hinayaan ko na ang sarili kong lamunin ng kadiliman at bumagsak.

------------

*** Jenny POV***

Nilagay ko sa study table ang libro ko at tinapon ang sarili sa kama. Napatingin ako sa ilaw sa kisame.

Apat na araw na ang lumipas simula ng matapos ang laban sa pagitan nina Dev at Lira at apat na araw narin ng hindi parin gumising si Dev at nanatili lang sa infirmary. Kahapon ay nagising na si Lira pero hindi pa ito nakalabas dulot narin sa nagawang pagsaksak ni Dev.

Ang sabi ni Ms. Carmela, kahit na napagaling na niya ang sugat ni Lira ay hindi pa daw maayos ang sa loob ng katawan nito. Aabot pa daw ng dalawang araw bago ito tuluyang gumaling.

Si Dev nalang ang hinihintay na magising at sigurado akong matatagalan pa bago yon mangyari lalo na't isang normal na tao lang si Dev. Di gaya samin na gumagaling ang katawan sa loob lamang ng isang araw.

"alam kong wala akong kalabanlaban kay Lira pero susubukan kong talunin sya" Ngumiti ng matamis si Dev at nagsimula na itong lumakad.

"You foolish girl, namimiss na kita" ng maramdaman ko na gustong kumawala ang luha sa mga mata ko ay agad kong itinakip ang braso ko sa mga mata ko at tuluyan na akong napahagulhol.

Kahit na ilang araw lang kaming nagkakilala ni Dev ay naging kaibigan ko na ito.

I'm alone again in this dorm. Nakakalungkot. I used to go back to the headmaster's office a few times to find out if I was going to have a roommate. Until Dev came. I'm so happy because I finally have a roommate in the dorm, may makakausap na ako at may kakulitan.

So when I found out he was a normal person I was shocked. I don't know what to do but I have only one thing on my mind. Ayaw ko ng mag-isa sa dorm kaya po-protektahan ko sya.

Pero ng makita kong bumagsak ito sa gitna ng arena. Sobrang pag-alala ang lumukod sakin. Natatakot ako, hindi dahil maiiwan ako mag-isa kung hindi dahil naging kaibigan ko na si Dev at ayaw ko syang mawala.

I just stood there and couldn't move after Dev stabbed Lira in the back. When she released the weapon and  spat blood, I called for her name.

"Devany"

Tumingin ito sakin kahit na halos maligo na sa sariling dugo. Nakalaylay na ang kaliwang balikat nito dahil sa malalim na sugat sa balikat. Napansin ko narin na bibigay na ang katawan nito pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang sinabi nito na nagpatulo ng luha ko bago ito bumagsak.

' Yes, you did it, Dev'

The magical symbol of sylvester academyWhere stories live. Discover now